10 | Silver Skull Necklace

917 60 12
                                    

Sa pag-alis ni Rory ay tila para akong binuhusan ng malamig na tubig. My forehead won't stopped furrowing. Habang sumisikdo nang mabilis ang puso ko ay tila tumunog naman ang kampana sa tenga ko.

Kanina pa weird si Ry no'ng sumagot siya ng 'I know' nang magsimula akong mag-share tungkol sa paglipat ko rito sa Luna Roja two years ago. Pero nang tanungin ko siya kung ano'ng ibig sabihin niya sa sagot niyang 'yon. He was quick to clarify it. He said, may ka-chat daw siya. At minsan daw ay na vo-vocalize niya ang dapat niyang i-reply.

I believed it, of course. When an old man approached our table while staring at him, asking him why he doesn't get old, my belief turned upside-down. Nag-o-overthink na naman ang bakla. My instincts were telling me something's going on. Something is off.

It's as if Ry was keeping a secret from me. Things that I didn't know. Pero sino ba naman ako sa buhay niya, 'di ba?

I mean, matanda na ang lalaking nagtanong sa kaniya. Posibleng may deperensa na ito sa memorya kaya ito nagtanong sa kaniya tungkol doon. Most of the aged people were dealing with dementia. Or whatever they called it.

"Lolo, maupo muna kayo," pag-aya ko sa matanda.

Tumingin siya sa akin. Nakakunot ang kaniyang noo. Marahil ay naguguluhan siya kung bakit umalis si Ry matapos niya itong tanungin. Tumayo ako sa pagkakaupo't inalalayan siya.

"Kapatid ka ba ng binatang 'yon, iho?" tanong niya sa akin nang makaupo na kami pareho sa upuan.

Iniling ko ang aking ulo. "Hindi po. Kaibigan ko lang po 'yon," I responded. I offer him my food, but he was quick to refuse. Sabi niya ay hindi na raw siya puwede kumain ng mga matatamis na pagkain.

"Ano po ibig niyong sabihin sa tanong niyo sa kaibigan ko, Lolo?" this time, hindi ko na mapigilang magtanong.

My instincts was telling me that this old man has something to offer. Na baka masagot nito ang mga katanungang bumabagabag sa akin.

A smile never hesitated to formed upon his lips. "Sigurado akong siya 'yong binatang nagligtas sa amin noong ma-aksidente ang aming sinasakyang bus. Matanda na ako, oo, pero tandang-tanda ko pa ang mukha ng bayaning nagligtas sa amin." Isang luhang nagpigil na kumawala sa kaliwang mata niya.

Nakikinig lang ako sa kaniya't nakakunot pa rin ang aking noo. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin sa aking mga naririnig. Therefore, I chose to stay silent. Pero hindi ko naman sinara ang aking tenga sa pakikinig .

"Papauwi kami noon galing sa pinakamagandang resort sa Barangay Luro. Lulan kami ng kulay dilaw na bus. Papalabas na kami ng barangay Luro nang biglang nawalan ng preno ang sinasakyan namin." Ramdam na ramdam ko pa ang emosyon niya habang binibigkas ang mga katagang 'yon. "Paika-ika ito hanggang sa bumangga kami sa nakasalubong naming truck."

I quickly bit my lower lip when Lolo started crying. Pinunit bigla ang aking puso at piniga pa ito. Sumunod na sumakit ang lalamunan ko dahil sa luhang nagbabadyang rumagasa.

Ang Barangay Luro ay ang huling barangay ng Luna Roja. Ang sumunod na barangay ay kabilang na 'yon sa siyudad ng Dupont.

"Everything was fast. Bumaliktad pa ang sakay-sakay naming bus. Half of the passengers were already dead, and the other half was still fighting for our lives. And―" His voice suddenly cracked and his river of tears fell upon his eyes. "Ang ama ko, mga kapatid ko, at ang Lolo't Lola ko ay hindi nakaligtas. Me and my Mom was included to the other half of passengers who survived."

He stopped talking. Ibinuhos na lamang niya ang kaniyang mga luha. Habang ako naman ay dinamayan si Lolo. Tumayo pa ako sa pagkakaupo't niyakap siya ng mahigpit. No one deserves that death. But, life will always full of surprises.

Fangs of a Half-BloodWhere stories live. Discover now