06 | Knight in Shining No-Armor

1.1K 74 13
                                    

Nakabagsak ang aking mga balikat na lumabas sa aking kuwarto. My eyes were on the floor. While biting my lower lip. At ang aking dalawang kamay ay nasa aking likuran. Subalit nahinto lamang ako sa pag-iisip ng malalim nang bumangga ako sa upuan. Lumikha iyon ng ingay. Dahilan para mapatigil sa ginagawa si Lola.

"Sorry po, 'la," panghihingi ko ng paumanhin.

She just smiled at me before turn her back on me to continue what she was doing. Sinasandok na niya ang niluluto niyang sinigang na baboy. Habang ako naman ay inayos ang natumbang upuan at umupo. Bumabagabag pa rin sa isipan ko ang napanaginipan ko.

"Kamusta tulog mo, apo?" she suddenly asked.

A heavy sigh escaped from my mouth. "Bangungot lang naman ibinigay sa akin, 'la," I sparingly responded. "Magandang umaga nga pala, Lola. Kahit hindi maganda ang umaga ko," I added.

"Ano namang napanaginipan ng apo ko?" tanong niya sa akin. Habang hindi ako tinitignan. Nasa niluluto niya lang ang kaniyang buong atensyon.

Isang malalim na buntong-hininga na naman ang kumawala. "Napanaginipan ko ang pagpunta ko sa palengke kagabi, Lola. Lahat-lahat ng nangyari. Pero isa lang ang hindi tugma sa nangyari kagabi na napanaginipan ko." I started to tell her a story regarding last night.

Si Lola naman ay nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. Pero alam ko namang nakikinig siya kaya pinagpatuloy ko ang kuwento ko.

"No'ng pauwi na ako. Nagtambay muna ako sa seawall. Na-istorbo ito nang bigla kong narinig ang mabangis na angil ng isang hayop mula sa likod ko." I saw Lola's hand suddenly stopped. Pero kaagad naman itong nagpatuloy sa kaniyang ginagawa. "Paglingon ko'y isang hindi pangkaraniwang lobo ang bumungad sa akin. Ito ay may dilaw na mga mata. Pangil na kasing laki sa nabaling buto, at mga matutulis na kukong tila handang pugutan ng ulo ang isang tao."

I saw her flinch. Habang nakatalikod pa rin sa akin. Isinawalang bahala ko na lamang iyon at nagpatuloy sa pagku-kuwento. Hindi ko rin naman masisisi si Lola. Sino ba namang hindi matatakot sa mga nilalang na ito?

They were portrayed in films and television shows for decades. And I have no idea why I had a dream about them. Got to be honest, I am not fan of them. Plus, I am more into romance. Pero nanonood naman ako ng action at mystery or thriller films at television shows. Sa thriller naman is medyo lang, nagde-depende ito kapag na-hook ako sa blurb.

Sa horror naman hindi rin ako nanonood nito. Well, thriller and horror could somehow be similar, aiming to startle the reader or an audience. But they are different. Thriller focuses on unexpected plot twists, a wicked bad guy, and a page-turning tension.

Horror is the seemingly inevitable but predictable doom, where the climax of the movie is either getting away or stopping the evil. Whereas, thrillers are all about a tension-filled story that is not predictable.

How do I know this?

Well, natutunan ko ito noong grade eleven pa ako.

"Of course, upon seeing that unusual wolf, I drove my bicycle to escape in a hurry." I continued telling Lola a story regarding what I dreamed this morning before I woke in profuse sweat. "Pero, hindi sumang-ayon ang tadhana sa akin. Natumba at nadapa pa ako. Leaving me hopeless. Wala akong nagawa, Lola. Umiyak na lang ako at hinintay na makagat ng lobong 'yon. Habang pikit-pikit ang aking mga mata. But seconds had passed, walang nangyari sa akin."

Huminto muna ako't kinagat-kagat ko pa ang kuko ko. A familiar chills raced down my spine. My system was trembling in fear. My forehead furrowed and my eyebrow raised in confusion. Why in the hell am I shivering knowing that it was just a dream?

Fangs of a Half-BloodWhere stories live. Discover now