08 | If You're Sorry

949 69 20
                                    

Napaatras ulit ako sa aking kinatatayuan nang maglakad siya muli sa kinaroroonan ko. Kahit na bumalik siya sa Rory na una kong nakilala ay tumatak pa rin sa ulo ko ang pagiging kakaiba niya kanina. It's as if when he saw Akihiro, he became a different person with the same body.

"You don't have to be afraid with me, Kai," malambing niyang saad. "I will never hurt you because I promised to them," he added.

He even emphasized the word 'them' that made my forehead furrowed in confusion. Napatigil ako sa pag-atras nang tumama ang puwetan ko sa lamesa. Bahagya akong napangiwi dahil sa sakit. Pero nagsilakihan naman ang mga mata ko nang biglang hawakan ni Rory ang magkabilang pisngi ko.

His soft palm brushed against my cheeks.

Napatingin ako sa kaniya dahil dito. At sumalubong sa akin ang nangungusap niyang mga mata. His mocha-brown eyes were as tantalizing as the stars. Mas lalong kumunot ang noo ko nang sumilay ang malungkot niyang ngiti sa labi.

"Kai, look into my eyes." Sa hindi malamang dahilan bigla akong napasunod sa sinabi niya. "You will not remember the conversation I had with Akihiro. But, you'll only remember that Akihiro trying to harass you and I came. Nagkasuntukan kaming dalawa. At wala ng iba pang nangyari."

Napapikit ako sa aking mata nang bigla itong bumigat. Pagkadilat ko'y nasa aking harapan si Rory. Tiningnan ko siya. Nabaling ang aking atensyon sa mga lamesa at upuang nasira dahil kanina. That guy named Akihiro!

Napansin ko namang ang mga estudyanteng nakasaksi sa nangyari ay nagkumpulan sa dulo ng cafeteria. Subalit bumalik ang aking tingin kay Rory nang marinig ko siyang bumuntonghininga. Nahihiya akong hinawakan siya sa kaniyang braso para kunin ang atensyon niya.

"Are you okay?" I asked. Hindi ko siya hinintay na makasagot at sinuri ang buong katawan niya. Kumunot ang aking noo. Wala man lang siyang sugat na natamo niya sa pagsusuntukan nilang dalawa ni Akihiro. "Wala bang masakit sa 'yo?"

Nahinto lamang ako sa pagsuri sa kaniya nang mapansin kong nakatitig lang siya sa akin. Dahil sa kahihiyan ay napakagat ako sa aking ibabang labi. Ramdam na ramdam ko ang pag-angat ng dugo ko sa ulo ko.

I'm hundred percent sure, pulang-pula na ang pisngi ko't tenga.

"Do you remember?" he suddenly asked.

Napaangat ako ng ulo at napatingin sa kaniya. I could trace worried on his eyes. At ang timbre ng kaniyang boses na tila parang bother sa isang bagay na hindi ko mahulaan kung ano. But, I think he refers to what happened earlier.

"Oo naman. Sino ba namang hindi makaalala sa kumag na Akihiro na 'yon?" kaagad na sagot ko sa tanong niya.

This time, his forehead furrowed. It's as if he's not satisfied with my response. "How much do you remember?" Ako na naman ang naguguluhan sa mga tinatanong niya. Para siyang 'yong taong may tinatago na ayaw niyang malaman ko.

I don't want to be rude, therefore, I answered his question. Kinuwento ko sa kaniya simula no'ng dumating si Akihiro at ang tatlo pa niyang kasama. Kasali na rin doon 'yong inosenteng estudyante.

Then Akihiro suddenly appeared behind my back. Telling me that he wanted to drain my blood. I told him 'cheap' and he angrily grip my wrist. Saka dumating siya. He told him to let me go.

At hindi nakinig si Akihiro sa kaniya no'ng sinabihan niyang bitawan ako.

Dahil sa katigasan ng ulo ni Akihiro ay sinuntok niya kaagad ito sa mukha. And that how their fist fight happened. After I told him how far I remember, a heavy sigh escaped from his mouth. It's as if a thorn finally leaped out from his throat.

Fangs of a Half-BloodWhere stories live. Discover now