26 | Behind His Parents' Death

547 32 40
                                    

Bagsak na bagsak ang mga balikat naming dalawa ni Hecate nang lumabas kami ng classroom. Sina Lupus at Ry naman ay tila ang kalma nang makalabas. Pareho pang ibinulsa ang kanilang mga kamay. At taas noong naglalakad. Tila ba'y kampante sila sa naging sagot nila sa fifty items exam namin sa programming 1 at saka multimedia.

The other half of the exam was based on our performance. Nag-encode naman kami sa programming 1. At photo editing naman sa multimedia. Hindi rin ako kampante sa mga naging resulta sa performance na 'yon.

I quickly averted my gaze when Ry caught me staring at him. Hanggang ngayon ay bumabalik pa rin sa isipan ko ang nangyari sa aming dalawa. Ry's my first time. At tama nga ang sabi nila na ang hirap iwala sa isipan ang mga bagay na first time natin maranasan.

"Kai, confident ka ba sa sagot mo?" tanong sa akin ni Hecate. Habang naglalakad kami patungo sa cafeteria. Lunch time na rin kasi. "Feeling ko ang dami kong mali," she added. Sumunod pa ang kaniyang malalim na buntonghininga.

I looked at her in disbelief. "Maging ako nga hindi sigurado if tama ba pinaggagawa ko sa performance kanina." Dumiretso na lamang ang aking tingin sa kahabaan ng hallway na 'to. "Gusto ko na lang kumain dahil gutom na gutom na ako," I commented.

Out of the corner of my eyes, I saw Hecate nodded as an agreement. Pero hanggang dumating kami sa cafeteria ay kinakausap niya pa rin ang sarili niya. When we entered the cafeteria, we went straight to our usual spot. The table located on the right edge of the cafeteria, near the glass wall.

Nang mailagay nina Hecate at Lupus ang kanilang bag ay dumiretso na sila sa counter upang um-order. Kaya kaming dalawa na lamang ni Ry ang naiwan. He is a vampire, and I am part vampire, therefore, we only drink blood to survive.

Pero dala-dala ko pa rin ang lunchbox ko. Lunchbox na walang laman. Para kunwari kumakain ako, so that the people around us won't lose their head if they found out I am a vampire. Well, just a precautions. Hindi ako makatingin nang diretso kay Ry kaya tumikhim na lamang ako para basagin ang katahimikang bumabalot sa aming dalawa.

I also heard him cleared his throat. Hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil kanina ko pa nararamdaman ang mga mata niya. Kinuha ko na lamang ang aking cellphone sa bag at napagdesisyunang manood na lamang ng mga random videos sa internet.

Kaagad kong pinindot ang pause button sa video nang ilapag nina Hecate at Lupus ang dala-dala nilang tray na may lamang in-order nila. In-order naman ni Hecate ay isang cup of rice, ginisang sitaw, at saka isang fresh buko juice. Lupus, on the other hand, ordered two cup of rice, one bowl of chicken adobo, and one can of soda.

"Lupus," I called him by his name. Kaagad naman siyang tumingin sa akin. "I am just wondering, can werewolf eat normal foods? Or you just pretended to eat them?" I asked him.

Narinig ko naman siyang tumawa nang marahan. "Werewolves can eat normal foods, Kai. Unlike vampires . . ." When he mentioned the word vampires, he looked at Ry intensely. "We can eat them in human form, but in our true form, we eat hearts of any kind of animal," he added.

Napatango naman ako sa naging sagot niya. I am still part werewolf but why I can't eat normal foods like the other werewolves? Iniling ko na lamang ang aking ulo dahil sa random thoughts ko. Inilabas ko na lamang ang aking tumbler na may lamang dugo at sumipsip doon. Nakita ko ring ganoon din ang ginawa ni Ry.

"Sinubukan mo bang kainin lahat ng klaseng pagkain, Kai?" I heard Lupus asked. I shook my head as a response. "I see. Subukan mo, baka may mga piling pagkain na kaya mong ma-digest. Or perhaps, hybrids' survival was the same as vampires?"

Isang tango ulit ang aking itinugon. Silence immediately took over the ambiance between the four of us. Ako naman ay gamit-gamit ang cellphone habang sumisipsip ng dugo sa tumbler ko. Up until now, nasa akin pa rin ang mga mata ni Ry.

Fangs of a Half-BloodWhere stories live. Discover now