19 | Valenzuela Witches

707 52 10
                                    

Hecate's Point of View

The disco lights. The handkerchief. The moon. The necklace. And the blood scattering upon the ground. Those are the visions I saw when I hold Kai's hands. It's as if I had the power to foresee the future. Hanggang ngayon ay nandito pa rin ang takot sa katawan ko dahil sa nangyari kagabi. It's nerve-wracking.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga nalaman. Rory Colmillos Del Grosso is a vampire. Caelestis Reyan is a hybrid. And my childhood best friend, Lupus Sanchez, is a werewolf. Pakiramdam ko hindi ko kilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung ano o sino ba ako. At hindi ko naiintindihan kung bakit nakikita ko ang kapalaran.

Maaga akong umalis sa mansiyon ng mga Del Grosso. Nag-iwan naman ako ng text message kay Kai. I told him, hindi ako papasok ngayong araw dahil pupuntahan ko ang aking Lola. Mula pagkabata, sinasabi sa akin ni Lola na galing kami sa witch bloodline. Kailangan ko ng kasagutan dahil hindi kakayanin ng utak ko sa kaiisip nito.

Nasa legal age na ako ngayon at hindi ko naiintindihan kung bakit ngayon lang ito nangyari sa akin. I remember when I was eight, Lola was so enthusiastic to tell the world that I am the future of our family. I don't know what the hell does that mean, but I am pretty sure there's something I have to know.

Bumaba ako ng tricycle kung saan ako lulan nang dumating ako sa bahay ni Lola. Bahay niya dito sa Barangay Najo. Ang huling barangay ng Luna Roja rito sa south side. Ang kasunod na barangay ay teritoryo na ng Las Plovis.

"Lola?" tawag ko kay Lola habang kinakatok ang pintuan.

Seconds later, bumukas ito. Lola's face lightened up when she saw me. "Inaasahan ko ang pagdating mo, apo." Kumunot kaagad ang aking noo dahil sa sinabi niya.

She then turn her back on me. Naglakad siya papunta sa couch. Habang ako naman pumasok at sinarado ang pintuan. A smile quickly plastered upon my lips. May kalakihan ang bahay niya. Gusto pa nga niya na dito na kami sama-sama. Pero walang ibang nagawa si Lola dahil nandoon sa lungsod ang trabaho ng mga magulang ko.

Gusto ni Mama na mag-hire kami ng makakasama niya sa bahay. 'Yong mag-aalaga sa kaniya. Pero tumanggi kaagad si Lola. Sabi niya, hindi pa naman daw siya lumpo. At malakas pa raw siya.

"Lola," Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero kaagad naman niya akong niyakap. "Who or what am I?" paunang tanong ko sa kaniya.

I heard her chuckle. "Alam mo na kung sino ka, Kate," she sparingly answered. Napapakit ako ng mata nang haplusin niya ang pisngi ko. "Gusto mo ba ng gatas?" tanong niya sa akin.

Tumango ako bilang pagtugon. When she saw my response, kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at tumayo. Naglakad siya papunta sa kusina. Connected lang ang kusina at living room sa bahay niya. Kaya nakita ko ang ginagawa niya.

"Lola, kilala niyo ba ang pamilyang Gehenna?" Hindi ko alam kung bakit ko naitanong 'yan. But I just had the feeling I should ask her about Kai's family.

Nakangiti siyang bumalik sa couch dala-dala ang basong may lamang gatas. Kinuha ko ito't uminom. Habang ang mata ko ay nakatingin kay Lola. At ang tenga ko'y kanina pa handa sa sagot niya.

"You mean the Lowell family," she corrected me. Kaagad na nakuha ko ang ibig niyang iparating. She's referring to Kai's mother side. "Ang pamilya natin at ang mga Lowell ay magkakakilala na noon pa, apo," sagot niya sa tanong ko. "You know what they are, right?" this time, siya naman ang nagtanong.

Tumango ako bilang pagtugon. "Valenzuela at Lowell ay ang founder ng Barangay Najo. Sila ang nagtatag ng lugar na 'to. At ang nagpanatili ng kapayapaan," she added.

Fangs of a Half-BloodWhere stories live. Discover now