SC 02: Holidays With You

646 27 12
                                    

Special Chapter: Holidays With You

Rory's Point of View

C H R I S T M A S ' S  E V E . . .

Binuksan ni Kai ang pintuan ng mansiyon para sa 'kin. I couldn't do it for him because I am carrying a fifteen feet tall Christmas tree. It's been a while ever since the mansion filled with Christmas décor. Bumili na rin kami ng bago dahil pinaglumaan na ang mga 'yon sa bodega.

A soft smile impetuously plastered upon my lips when I saw Kai's excitement on his face. He seemed like a child who was looking forward to everything that was related to Christmas. Me, on the other hand, it reminded me of my childhood.

A time where my family would gather together to spend time Christmas, or any holidays. I remember when Mama baked me my favorite cookies despite I couldn't eat it. Hinding-hindi rin niya kalimutan ang pagluto ng spaghetti.

Naalala ko pang mag-agawan pa kaming magkakapatid. Subalit mabilis na napawi ang matamis kong ngiti sa aking labi. Napalitan ito ng malungkot at at nangungulilang ngiti. It's been a while since the last time my siblings gathered to spend time holidays together.

Kailan kaya ulit? I hopefully thought.

"Excited na ako," saad ni Kai nang mailapag na namin sa sahig ng living room ang aming pinamili. I smiled. My forehead was quick to furrowed when I noticed the sad expression upon his face. "Mag-tatlong taon ko ng sasalubungin ang Christmas's eve nang wala sina Mama at Papa," malungkot niyang komento.

"Hey . . ." pagtawag ko sa kaniya. I hugged him tight, and rested my chin on his head. He hugged me back with a heavy sigh escaped upon his lips. "I am here, and Lola Merci. I've invited Hecate's family as well."

Mabilis kong pinunasan ang nagsibagsakan niyang mga luha. It's been one week since Kai said yes. Habang tumatagal mas lalo akong nahulog sa kaniya. It grows stronger day by day. Hanggang sa dumaan sa utak ko na gusto ko na lamang siya bakuran habang buhay.

"Hecate is coming here?" Kai asked in surprise. I nodded as a response. "Kung gano'n, kailangan nating matapos ito nang alas sais ng hapon."

Napatawa ako ng mahina nang bigla siyang mataranta. Kasalanan ko kung bakit ngayon lang kami nakapag-disenyo ng bahay. Kinulit ako ni Kai noong nakaraan, pero ako naman ang panay tanggi. I just wanted Kai to myself. Spending time together.

Going on our first official dates as boyfriends. Going to the beach. Ginagala siya sa mga lugar na hindi pa niya napupuntahan katulad na lamang sa Acays de Lapaz, Vetos Lucos, at Dupont. At ginala niya naman ako sa Las Plovis.

We enjoyed each other's company. Hindi ko siya binibigyan ng rason na magalit sa akin. I valued his emotions, and my ears is always ready to listen to him. Kahit na ano pa man ang sasabihin niya, palagi akong nakikinig. I don't want to let him feel that he's not worth it.

Because he's more than worth it.

Natapos kami sa pag-disenyo mga pasado alas sais. We didn't expect that it took us that long to put all things together. Nasa labas kami ng bahay, yakap-yakap ang isa't isa. Habang pinagmamasdan ang mga colorful na Christmas lights.

Hindi na rin kami nag-abalang magluto para mamaya dahil sabi ni Lola Merci at ina ni Hecate ay sila na raw ang bahala. I wanted to hired a chef for all of us, but they insist. Sabi rin ni Kai, masarap magluto si Lola Merci ng spaghetti.

Later that evening, Lola Merci and Hecate's family arrived at exactly eleven o'clock. Hecate's father brought a bourbon. Lahat sila may dala-dalang regalo. I didn't expect Lupus would come. Because when I invited that bastard, he declined immediately.

Fangs of a Half-BloodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon