09 | At Durada Café

926 64 11
                                    

I tweaked my hair in frustration. And screams internally. Mag-i-isang oras na akong paikot-ikot dito sa loob ng kuwarto ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapag-decide kung ano ang susuotin ko. Idagdag na ang kaba na kanina pa nagbibigay sa akin ng pagkataranta.

After Rory invited me to go out with him later, ang bakla naman nag-o-overthink ng malala. A someone like Rory ask me to go out with him today? Ano naman kaya rason ng isang 'yon? O baka kailangan niya lang ng kasama?

Sumuko na kaagad ako sa pag-iisip kung ano ang susuotin ko. Sa halip kung ano'ng meron na lang ako rito sa cartoon na pinaglalagayan ko ng mga damit ay ito na lang ang susuotin ko. Napag-desisyonan ko na lamang na magsuot ng black and white checkered long sleeve polo.

Ipapares ko ito sa black short na hanggang sa ibabaw ng tuhod ko. At simpleng puti na rubber shoes. Dali-dali kong hinubad ang puting tuwalyang nakatapis sa aking baywang. A contented smile formed upon my lips when I finally wore them.

Bago ako aalis ay inayos ko muna ang aking basang buhok gamit ang mahiwaga kong suklay. Nagpabango rin ako gamit ang pabango kong Johnsons Happy Berries baby cologne. Noon pa man, ito na ang paborito kong pabango.

"Aba, saan punta ng apo ko?" tanong sa akin ni Lola nang dumaan ako sa sala.

Napangiti pa nga ako dahil sa tanong niya. I even made a little bit of pose to brag my outfit.

"May lakad lang po ako kasama ang―" Her forehead furrowed when I stopped in the middle of my sentence. Does Rory even consider me as a friend? Well, ayos lang naman siguro tatawagin ko siyang kaibigan dahil wala naman siya rito. "Kasama ko po kaibigan ko," dugtong ko sa aking pangungusap.

Nginitian naman ako ni Lola.

"Mag-enjoy at mag-ingat kayo sa lakad niyo." Niyakap ko siya't hinalikan sa pisngi bago umalis. "At umuwi ng maaga," pahabol niyang sabi nang makalabas ako ng pintuan.

"Opo, Lola."

Nilakad ko muna ang masikip na eskenita bago ko marating ang daan. Pagkalabas na pagkalabas ko sa eskenita ay may nakita akong jeep na paparating. Pinara ko ito't sumakay nang pumarada ito sa aking harapan.

Sinabihan ko ang driver na sa Durada Café ako bababa. 'Yan kasi ang place sa text ni Rory sa akin. That's right, we exchange our phone numbers earlier in cafeteria. And till now, I couldn't believe that. I mean, obvious na obvious naman na mahirap i-approach si Rory.

Una, sa tindig pa lang niya at itsura, nakakaintimida na. Pangalawa, sobrang tahimik niya. At panghuli, palagi siyang nakasuot ng seryoso at malamig na ekspresyon sa mukha niya. Kahit na ganoon siya ay hindi mo pa rin maiiwasang humanga sa kaguwapuhan at kakisigan niya.

Iniling ko na lamang ang aking ulo dahil sa naiisip. Well, not gonna lie, he is really handsome. Ewan ko ba, pero 'yong pagiging cold niya ay nagpadagdag lang ng kakisigan niya. Geez, am I really find him that sexy?

Kaagad naman ako nakarating dahil hindi naman gaano kalayo sa amin ang lungsod. Bumaba ako sa harapan ng café na sinasabi ni Rory. Sa kabila naman ng daan ay makikita ang malaking simbahan.

Hindi na ako nag-alinlangang lumapit sa glass door. The security guard opened the door for me. Sumalubong sa akin ang mga customers na mapayapang nag-e-enjoy sa kanilang iniinom na kape. I approach the vacant table near at the glass window. Umupo ako sa upuan at hinintay si Rory.

"Sir, can I get your order?" a waiter approached me.

I smiled at him awkwardly. "Maybe later? May hinihintay pa kasi ako," I responded. Isa pa, ayoko namang maunang mag-order dahil hindi pa dumadating ang kasama ko.

Fangs of a Half-BloodWhere stories live. Discover now