CHAPTER 14

19 2 0
                                    

CHAPTER 14

AUTUMN

Matapos ang pangyayaring iyon, pinili ko talagang iwasan siya dahil alam ko sa sarili ko na hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa niya. Kailangan ko siyang kalimutan kahit ang mga pinagsamahan naming dalawa noon. Isang araw din akong hindi pumasok sa pagsasanay. At hindi rin ako pumasok sa klase ng volleyball. Hindi naman nila hinanap ang aking presensiya sa loob. Hindi rin naman kasi ako nagpapakita. Isang araw, binisita ko si Auvinumn Therental, ang kakambal ko na mahimbing pa rin natutulog sa loob ng ospital.

Currently, I'm taking my way to volleyball class. I decided to attend the class today because I know our coach will scold me if I will continue taking absent. Seldus is very busy to his basketball practice. Si Naiane, napagdesisyonan niya na hindi muna papasok dahil may kukunin siyang dokumento sa isang probinsiya. I haven't received any text or message from her yet. Maybe she's still on the way or maybe there's no signal in the place that she planned to travel.

"Hala, si Auvinumn pumasok!" bulalas ni Tritus Weiner pagkapasok ko sa loob ng silid. Nalaglag naman ang panga ko dahil sa hitsura niya ngayon. Bakit siya nakasuot ng puting kurtina at may make-up siya sa mukha niya?

"Sandali, hindi pa nga nagdadamit si Gale! Ang hirap niyang hawakan—argh! Ano ba, Gale, magsusuot ka lang nitong formal suit!" reklamo ni Kivione at pinipilit na pausotin ng pangkasal si Gale; ang kapitan ng aming grupo.

"Shut the hell up, Kivione! Stop pestering me, I won't marry him—!"

"Tanga, Valentine's Day ngayon. Pumayag ka na," sagot naman ng isang lalaki na may kambal. Nakita ko naman na may suot itong pangalan at ang gamit ay isang ID lace. Ang magkapatid ay mayroong name tag na ang haba ay sakto sa kanilang dibdib.

So, his name is Yohan and his twin named Yanite. Hindi naman sila gaanong magkamukha ngunit sa galaw, oo. Kami ni Auvinumn Therental, masasabi kong magkamukha kami. Tangkad lang pinagkaiba ngunit hindi naman halata. Buti nga hindi nila nahalata dahil lagot ako kapag nagkataon. Si Tritus Weiner at si Cradience nakakaalam sa ngayon.

"Ang tagal naman ng tipaklong na iyon!" sigaw ni Tritus at napabukaka dahil sa inis. Mukha siyang tomboy na ikakasal kay Gale.

"I said stop, Kivione!" Gale is still protesting but Kivione is forcing him.

"Killjoy mo, captain. Ngayon lang ito, sa susunod si Auvinumn naman at Cradience." Kumindat naman sa akin si Kivione pagkatapos at napakalawak ng ngiti niya.

Ano na naman ito? ’Tangina talaga.

"Hindi ako magpapakasal—"

"If you want, we can do it now." Napunta ang tingin naming lahat sa bagong pasok sa unggoy. Nakasuot din siya ng formal attire katulad kay Gale na parang dadalo ng kasal. Cradience winked at me before placing his arm above my shoulder.

"Hay, salamat!" Tritus sighed. "Laging late, pa-special ka pa. Akala mo naman importante, mas importante pa sapatos ko sa iyo," reklamo ng bata. Napatawa naman ang dalawang kambal.

I shot him a deathly glare before removing his arm above my shoulders.

Hayop ka talaga, Cradience. Tatawagin ko talaga ang mga santo maisumpa lang ’yang kaluluwa mo.

Lumayo naman ako rito at binangga ang braso niya bago pumunta sa uupuan ko.

"Ouch," I heard him sarcastically groaned.

“Ay binangga, friendship over na raw kayo.”

“Pare, mahal mo raw ako.”

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now