CHAPTER 30

22 1 0
                                    

CHAPTER 30

AUTUMN

Binayaran ni Cradience ang matandang lalaki na si Mister Hiroshima ng dalawang milyong piso na nakasulat mismo sa tseke nito. Namilog ang mga mata ng dalawang mag-asawa dahil sa yaman na mayroon si Cradience, na animo'y ngayon pa lamang sila nakakita ng batang lalaking napakayaman na kailanman hindi nila naranasan. Nagdala pa ito ng bigas at mga prutas para sa kanilang dalawa pagkatapos dumating ang service nito.

Maraming tao ang sumisilip sa labas dahil sa magarang sasakyan ang dumating sa labas ng kanilang tahanan. Talagang nagpakitang gilas ang baliw na lalaking ito sa kanila.

Dalawang beses napa-iling ang aking ulo dahil sa pinaggagawa niya. Ngunit hindi naman nagmamayabang ang hitsura ni Cradience. Seryoso ito na nakikipag-usap sa dalawang matanda at nakayuko ang ulo niya habang binibigay ang tseke na mayroong halaga na dalawang milyon. Ginamit nito ang dalawang kamay niya na parang nag-aabot ng sobre na may sulat sa isang respetadong tao. Marahil ay alam ng lalaking ito ang tradisyon na mayroon ang mga hapones kaya naman ganoon ang paraan niya ng pagbibigay.

"Please, accept this, Sir. Just inform me if this amount of money isn't enough—"

"Ano ka bang bata ka, sobrang laki na niyan. Makatutulong iyan sa lugar namin, maraming salamat. Gusto mo bang ihatid ko kayo sa lugar na iyon para makita ninyo ang lugar?" mahinahon nitong sagot at iniling na lamang ni Cradience ang kaniyang ulo.

"No need, Sir. My wife and I can go. We are about to leave, anyway. Thank you but we can do it. We will check it by ourselves," Cradience answered politely that made my eyebrows arched because of one word he had mentioned. Ano raw sabi niya? Asawa—wife?

At kailan pa kami kinasal sa panahong ito?

"Kasal na ba kayo, ihjo?" gulat na kumento ng matandang babaeng asawa ni Mister Hiroshima.

"Ay, hindi—" Cradience quickly covered my mouth by his left hand, causing for me to shut. Gusot na gusot na ang noo ko dahil sa pagka-inis ko sa buong pagkatao niya at kulang na lang ay isumpa ko siya, kasama ng buong angkan niya.

Bakit ba desisyon lagi ang lalaking ito? Dapat ako nagdedesisyon dahil laging tama ang mga babae.

May tama sa utak, joke.

"Don't ruin my moment here, Autumn," he murmured at my right ear. Inilayo ko agad ang ulo ko sa kaniya dahil naramdaman ko ang paghinga nito. Masyado siyang malapit, baka sumabog na naman ang nasa dibdib ko. Hindi ko pa makumpirma kung bakit tuwing malapit siya ay malakas ang reaksyon ng dibdib ko.

Lason kasi ang lalaking ito, isang napakalaking lason.

Ibinaba ko ang kamay niya sa bibig ko. "Ang kapal mo talaga. Bakit ba kinukuha mo ang gusto ko? Lagi na lang, lahat na lang kinukuha mo. Inggit ka?"

He rolled his eyes at me. "I told you, I have a plan for that land. You will definitely thank me later, Autumn. So, behave yourself and shut up. Iwan kaya kita rito?" supladong pagtataas nito ng boses sa akin. Wala naman akong nagawa at iniwas ang tingin sa kaniya saka tumahimik.

Napatulala na lamang sa aming dalawa ang dalawang matanda na nasa harapan namin. Kahit ang mga tao na nakapalibot sa labas ay hindi makasagot sa pagtatalo naming dalawa. Para kaming mga batang nag-aaway sa iisang laruan.

Naputol ang katahimikan na bumabalot sa paligid nang makarinig kami ng malakas na tunog ng isang utot sa labas, malapit sa bintana.

“Ang baho naman!”

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now