CHAPTER 32

22 1 0
                                    

CHAPTER 32

AUTUMN

Sinubukan naming pakalmahin ang Lolo ko hanggang sa kumalma siya at umupo sa upuang kahoy na nakapuwesto sa labas ng pintuan. Naka-ilang yuko na rin si Cradience at talagang humihingi siya ng tawad sa Lolo ko. Hindi ko tuloy alam kung paano sasabihin na binigyan kami ng lupa ni Cradience. Baka lalong sumakit ang ulo niya lalo na at matanda na rin ang Lolo ko. Nang bumalik ako sa panahon na ito, siya lang ang naalala ko at muntikan ko na rin hindi maalala na mayroon akong kapatid. Kailanman ay wala siyang binanggit tungkol sa mga magulang naming dalawa.

Hindi ko nga alam kung mayroon pa kaming mga magulang. Hindi ko rin itinanong sa kaniya dahil alam kong may dahilan siya para hindi banggitin ang bagay na iyon. Siguro sa ibang mga panahon ko na lang tanungin sa kaniya. Sa ngayon, nasa kalmadong kalagayan na ang damdamin niya. Ilang beses ko na rin narinig ang tunog ng cellphone ni Cradience na mukhang kahit siya ay hinahanap na rin.

"Siguro importante 'yan, Cradience. Mauna ka na ako na bahala sa kaniya," pabulong kong sambit sa kaniya at tinanguan siya.

"Well, I can stay here for a while if you want—"

"Tumigil ka. Gusto mo lang mag-chismis sa lolo ko. Baka kung ano na naman ang sabihin mo sa kaniya, uupakan kita. Alis na!" pagpapalayas ko at itinuro ang trangkahan naming kinakalawang na. Maraming dalaga naman mula sa kapitbahay namin ang napapalaglag ng panga habang sinusundan nila ng tingin si Cradience.

Malamang, naguwapuhan yata nila.

Cradience gently removed his shades as he dropped a glance at those girls watching over here. His simple glance made them giggle and scream like those students in our school. Bakit ba siya nanghahakot ng panibagong hahanga sa kaniya?

Irita kong kinuha ang batuta ng lolo ko at walang pasabi na inihagis iyon sa kaniya. Napayuko ang ulo nito dahil saktong tumama ang itim na batuta sa likod ng kaniyang ulo.

"Sabing alis na!" malakas na bulyaw ko sa kaniya ngunit nginisian lamang ako nito saka pumasok sa loob ng kaniyang kotse. Bago pa ito umalis ay ibinaba niya ang salamin ng kaniyang kotse at kumindat sa akin.

Hayop, barilin ko kaya ang gulong niya ng pako?

"Gusto mo pa siya ano, apo?" biglang tanong ng lolo ko sa likuran habang nakatingin sa paalis na sasakyan ni Cradience.

"Hindi ah!" pasigaw kong sagot dahil sa pagkagulat. Why would he ask me that kind of question? That's not part of my plan anyway. My plan is to save this past from cruelty, and after all of this, I will find a way to go back in future era. All of them are just part of my memories and mistake that I have to fix. That's the purpose of being here in the past.

"Alam mo namang hindi kita papayagan sa gusto mo, hindi ba?"

Sa sinabi niyang iyon napatahimik ako. Oo, alam ko naman iyon. Siya at ang ama ni Cradience ay parehong ayaw sa relasyon namin noon pa lang. Hindi ko alam kung bakit pero naalala ko noon na nag-aaway silang dalawa ng ama niya. Dahil sa sagutan nilang dalawa, nauwi iyon sa pagpapa-ospital ng lolo ko. Hindi niya nakayanan ang matinding galit.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-usapan nila noon pero muntikan na mauwi sa suntukan ang dalawang iyon. Kaya siguro iyon ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ni Cradience. Siya ang naunang nakipaghiwalay at hindi ako. At isa pa, pagkatapos ng hiwalayan na iyon hindi ko na siya nakitang pumapasok sa eskuwelahan. Hindi ko rin nabalitaan na nagkaroon siya ng bagong kasintahan.

"May problema ang ama ng lalaking iyon. Sa tingin ko hindi naman niya minana ang sama ng ugali ng ama niya. Pero hindi pa rin kayo puwede, madadamay ang kapatid mo," dagdag pa niya at uminom ng tubig mula sa puting baso.

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now