CHAPTER 38

53 2 0
                                    

CHAPTER 38

AUTUMN

"Bakit para kang lantang gulay diyan?" tanong ni Seldus habang kumakain. Nakasuot ito ng basketball jersey nila kaya naman kitang-kita ang muskulado nitong mga braso.

Nakasandal ang aking baba sa ibabaw ng aking palad habang ang siko ko naman ay nasa nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Hindi ko maalis sa isipan ko ang nangyari noong nakaraang mga araw. Hindi ko pa sinasagot si Cradience at sinabi niya na itutuloy niya ang panliligaw. Hindi ko alam kung sa paanong paraan siya manliligaw. Gusto niya lang din daw magpakatotoo sa sarili niya dahil sumasagabal lang naman talaga sa kaniya ay ang ama niya.

"Manliligaw ko na si Cradience-" Naputol agad ang sinasabi ko dahil bigla itong nabilaukan sa iniinom niya. Akala ko ay alam niya na ang bgaya na iyon? Bakit parang gulat na gulat siya?

"Manliligaw?!" he blurted out. "Are you sure about that, Autumn? Are you sure about him now? Hindi ba namamalik-mata ang nararamdaman mo sa kaniya?" sunod-sunod nitong tanong kaya napataas ang isa kong kilay.

"Tinatama ko lang ang lahat," bulong ko habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Tinatama ang?"

Narinig niya pala iyon. Pero totoo, tinatama ko lang ang lahat. Kung hindi ako makakabalik sa kasalukuyang panahon at napunta ako rito para lang ulitin ang lahat ng nangyari, wala na akong magagawa. Ang gagawin ko na lang ay uulitin ang nangyari ngunit hindi ko hahayaan na mangyari ang nangyari. Hindi ko man mabago ngunit gagawa ako ng paraan para hindi mangyari ang nangyari sa aming dalawa. May mga dahilan, kahit ang pagbalik ko rito sa panahong ito. Hindi ko balak na magpakatanga ulit sa kaniya dahil huling tiyansa ko na ito.

Sa tingin ko kapag nagkamali ako ay may masamang mangyayari. Nararamdaman ko lang.

"Wala, may iniisip lang talaga akong ibang bagay. At isa pa, kailangan ko makahanap ng panahon para sabihin kay Lolo ang tungkol sa panliligaw niya. Kahit siya ay tutol din sa aming dalawa," sagot ko at inayos ang salamin sa aking mata.

Sumeryoso ang mukha ni Seldus at diretso akong tinignan sa aking mga mata.

"Mahal mo ba?" Sa tanong niya ay doon ako napahinto. Ano ba dapat ang isasagot ko sa tanong na iyan? Alangan naman sabihin ko, "ay hindi. Nagmamahalang kapatid lang kami."

Baka itapon niya sa mukha ko ang kinakain niya, huwag na lang.

"By the way, we have new student here in university. She applied in club of cheerleaders. The club coach of volleyball assigned their group to your team. That only means, she will cheer volleyball team. Well, we have ours too but...uhm..." Seldus changed the topic and he scratched his left cheek using his forefinger, as if he was hesitating to continue what he has said.

"Bakit? Ano problema?" tanong ko at napakunot ang aking noo. Napakamot naman ito ng ulo at malalim na napabuntong hininga.

"Kasi nga, 'yong babae na lumipat dito ay dating estudyante ng eskuwelahan na ito. Umalis lang siya pagkatapos ng hiwalayan nila ni Cradience. Ipinapaalam ko lang sa iyo. Baka kasi bigla ka na lang magselos kapag lumapit siya sa manliligaw mo," sagot nito habang nakatingin sa pagkain niya. Mukhang nahihiya si Seldus na sabihin ang tungkol sa bagay na iyan dahil hindi rin naman niya buhay iyon. Gusto lang niya na mag-ingat ako lagi dahil wala pa rin siyang tiwala kay Cradience.

Napangisi ako at napasinghap. "Ako? Magseselos? Ay, label muna bago selos. Parang may karapatan, ha. Hayaan mo siyang lumapit o mang-agaw ng atensiyon, magmumukha lang siyang tanga. Wala akong panahon sa ganiyan, salamat pero...huwag kang magpa-overthink. Ikaw una kong sisipain."

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now