CHAPTER 20

16 2 0
                                    

CHAPTER 20

AUTUMN

Napaatras ako ng isang beses dahil sa paggamit niya na ng kaniyang mata para sa huling laban na ito. Sinabi na ng mga miyembro ng team namin na kapag sinimulan niya nang gamitin ang kaniyang mata ay tapos na ang laban. Kahit ang mga miyembro niya ay walang magagawa upang pigilan siya sa pagtira. Kung si Auvinumn pa lang ang nakatalo sa kaniya noon, gagawin ko ulit iyon ngayon.

He's not even blinking. It was like he can see everything in this court. And that's the power of his eye. I will help Kivione to block his attacks. For sure he will only use Tristan to assist him in the match.

"Crap, he used already his eye!" Kivione exclaimed.

Dart plastered a wide smirk. "Tignan natin kung kaya mo pa akong yabangan, Tritus."

Tritus rolled an eyes at him. "Kahit naman gamitin ng captain ninyo ang mala-manok niyang mata, hindi pa rin magbabago 'yang kapangitan mo," sagot nito pabalik sa kaniya na nagpa-irita sa mukha ni Dart.

"Humanda ka sa aking bata ka. Aabangan kita sa gate mamaya."

Tritus raised his middle finger to him. "Mag-aabang ka pa lang, nandoon na ako papatid sa 'yo," sagot nito pabalik kaya naman nakatanggap na naman siya ng malakas na tama mula kay Kivione.

"Kinakabahan na kami rito, puro ka pa rin kalokohan," mariin na bulong nito sa kaniya. Cradience only looked at Demirous seriously. I think he has a plan for this. Well, I don't have plan for Demirous' counterattacks but I will depend it on the styles of his attack.

Lumabas na ako sa linya upang tirahin ang bola sa loob. Inihagis ko lamang sa ere ang bola at simple itong pinalo. Pumasok ang bola sa loob ng net at sinalo ito ng kanilang libero.

Sa katunayan, dapat ang mga miyembro sa loob ng court ay anim. Ngunit dahil sa kagustuhan ni Yohan na maglaro, ginawa naming pito kada team. Si Yohan na kambal ni Yanite ay substitute player ng kaniyang kambal.  At nabanggit ko ang pag-eliminate ng players. Pagkatapos ng practice match na ito ay maaaring magtanggal ng mga miyembro o maging substitute player na lang din upang mabigyan sila ng pagkakataong makalaro.

Nakatayo lamang sa likuran ni Tristan si Demirous at hindi gumagalaw. Ngunit ang kaniyang mga mata ay buhay na buhay at hindi man lang ito pinipikit o kahit isang beses na malik-mata. Dahil doon, tumakbo ang dalawang miyembro na si Dart at ang isang miyembro na may pangalang Zero Paris-Ferel. Mabilis na inihagis ni Tristan ang bola sa ere. Si Dart ang titira ng bola.

Umatras ako ng dalawang beses ngunit ako ay bahagyang nagulat dahil si Demirous na ang nasa puwesto ni Dart. Walang pag-aalinlangan na pinalo niya ang bola pababa sa malaking espasyo kung saan ako umatras at isang malakas na hangin ang tumama sa aming lahat. Naalarma na lamang kami pagkatapos naming marinig ang pito, sinyales na may nakakuha na ng puntos. Tulala akong napatingin sa bolang tumama sa sahig namin.

Paanong nagpalitan ng puwesto ang dalawa nang ganoon kabilis?

Tumalon pa lamang si Dart ngunit nang umatras ako at tumingin sa bola ng isang beses, biglang napunta si Demirous sa puwesto niya at siya ang kumuha ng bola. Paano niya nagawa iyon?

"This is bad, he used a screen attack," Cradience muttered. "Demirous analyzed our movements first before he took the attack from Dart."

Tritus raised an eyebrow. "Ano 'yon? Parang robot naman pala ang manok na iyon, hmph."

Cradience's eyebrows arched. "Quiet for now, Tritus. In basketball, there is also a screen attack. It was seemed like he applied that attack here in volleyball."

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now