CHAPTER 19

19 2 0
                                    

CHAPTER 19

AUTUMN

"Bumalik na si Auvin, bleh. Ano ka ngayon Tristan? Malayo sa bituka niyan ang injury, baka nakakalimutan mo na alagad kami ni Athena, mga ulol!" sigaw ni Tritus at tumakbo ito palapit sa net saka sumayaw-sayaw.

Mabilis naman itong hinila paatras ni Kivione at pilit na humihingi ng paumanhin sa inaasta ng bata. Napasapo sa noo ang coach ng team namin. Sa ngayon, hindi muna makakapasok si Cradience sa team. Kaya naman si Andraed (substitute player) ang tatayo bilang setter ng team namin.

Sa oras na gamitin ni Demirous ang mata niya, susubukan ko siyang basahin. Pero ang ipinagtataka ko ngayon ay napakakalmado nito at parang wala lang sa kaniya ang pagbalik ko sa grupo namin.

Hindi kaya alam niya na hindi ako masyadong makagalaw?

Kahit ang mga miyembro ko ay alam na hindi ako puwedeng gumalaw sa laro kaya naman pilit na nililinlang ni Tritus ang ibang miyembro ng Poseidon sa pang-aasar niya.

Pero kapag sumuko kami, hindi kami makakaabot sa ibang practice match

Kailangan namin makahabol sa puntong ito. Malaki ang agwat namin sa kanila at kailangan naming mabawi ang puntos na nawala. Sa pangalawang match, nakuha nila ang pangalawang set. Napag-usapan ng mga coach na hanggang tatlong set lang muna dahil practice match ito. Sa totoong laban ng volleyball, apat lagi ang set at kailangan mong makuha ang tatlong set para manalo sa kanila. Pero kung nag-tie ang nakuhang panalo, wala silang magagawa kundi magbigay pa ng isang set.

Pumunta sa labas ng linya ang isa nilang miyembro na may pangalang Cashun Ino Remeda. Tinatawag siya sa pangalang Shino. Kadalasan naman ay tinatawag siyang Ino. Magaling siya sa pag-counter ng bola. May sarili siyang technique sa pagtira. Halos lahat ng miyembro ng Poseidon ay mga talentado kaya naman natawag silang Talented Strong Strikers.

Umatras ako ng isang beses nang pumasok ang bola sa linya namin. Mabilis kong sinalo ang bola at habang naglalakad papunta sa net ay dahan-dahan kong ginagalaw ang aking paa katulad ng sinabi ni Cradience. Napatingin si Demirous sa paa kong may masamang tama ngunit nginisian ko lamang ito, pinipilit na hindi pinapahalata na hindi ako naaapektuhan ng atake nila kanina.

The setter of our team ran towards the net. As he received the ball, he tossed it to Gale's direction. Pumunta ang dalawang blockers sa direksyon ni Gale at tumalon pagkatapos niyang maitira ang bola.

Tumama ang bola sa kanilang kamay at bumalik sa amin ang bola.

"Rebound!" Gale shouted. Tumakbo paabante si Tritus at mabilisan na isinalo ang bola. Tumalsik ang bola sa ere nang makuha niya ito at umatras si Yohan sa linya upang kunin ang bola. Ang mga miyembro ng kanilang panig ay hinihintay ang bola na dumaan sa kanila.

Binalaan ako ni Cradience na huwag tumalon at palipasin muna ang paa ko. Hindi pa dumadaan sa akin ang bola.

Kung ganoon, sinimulang gamitin ni Andraed ang switching method noong pumasok ako sa team. Ang switching method ay ang pagpapalit-palit ng posisyon ng miyembro. Kung kanina nasa kaliwa ako, katabi ng libero na si Tritus, ngayon ay nasa gitna na ang posisyon ko. Gamit ang switching method, maipapasa-pasa ang bola hanggang sa mapunta ang bola sa dalawang miyembro na malapit sa net. Dahan-dahan nila akong pinapadaan sa unahan para makuha ang tiyansa na matira ko ang bola nang hindi tumatakbo.

Sa ginagawa naming switching method, pinapapunta nila ako paabante na hindi napapahamak at hindi tumatakbo.

Magaling si Andraed.

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now