CHAPTER 34

19 1 0
                                    

CHAPTER 34

AUTUMN

Napilitan kaming lahat na bumalik sa loob ng campus dahil sa aming ginawa. Dumiretso kaming lahat sa opisina ni Coach Hermes at wala kahit isa sa amin ang nagsasalita ukol sa nangyari. Sa tingin ko ay kahit sila hindi rin alam kung paano magpapaliwanag. Alam nilang lahat kung paano nagsimula ang kaguluhang ito. Pero pinagbantaan talaga kami noon ni Coach Hermes na kapag sinubukan namin gumawa ng isyu ay hindi na kami makakasali pa sa volleyball. Iyon ang kinakatakot ko pero ginawa ko lang naman ay protektahan ang babae sa loob ng karinderya. Siya rin ang dumali kay Kivione na kailangan niya rin pagbayaran.

Hindi sana sasama si Seldus sa amin ngunit hinila ni Coach Hermes ang damit nito at kinaladkad sa labas. Narinig pa namin ang reklamo ni Seldus dahil sa panghihila nito. Biglaan kasi ang paghila sa kaniya at nadamay ko rin siya kaya naman kasama pa rin siya sa nangyari. Iyon ang hindi ko sinasadya. Sinubukan akong tulungan ni Seldus dahil alam niyang hindi ko kakayanin iyon mag-isa. Marami rin sila at dalawa lamang kami, kung hindi marunong makipag-basag-ulo si Seldus, baka nasa nakarating na kami sa labas at maaring kinabukasan ay hindi kami tantanan.

Tahimik kaming lahat hanggang sa nakarating kami sa opisina ni Coach Hermes. Bakas kay Tritus ang kaba at bumaba mula sa kaniyang noo ang pawis niya. Kahit siya ay natatakot para sa aming dalawa ni Seldus. Kapag nagkataon na hindi na kami pinayagan maglaro, malamang madidismaya si Cradience at hindi iyon gusto mangyari ni Tritus. Napahawak na sa akin si Tritus at hindi niya magawang maikalma ang kaniyang sarili. Hinawakan ko ang kamay nito at ngumiti sa kaniya. Halos pabagsak na rin ang luha niya sa kaniyang mga mata. Kahit ano pa rin ang isipin namin sa kaniya, isa pa rin siyang bata.

At ang mga bata ay sensitibo pa rin pagdating sa mga bagay-bagay.

Kahit siya ang pinakamaraming kalokohan sa aming grupo, siya pa rin ang dapat protektahan. Kami, na bilang nakakatanda sa kaniya, ay kailangan pa rin siyang tulungan. Kahit na mayroong siyang backers para maging kaklase namin siya sa volleyball, kailangan pa rin ng bantay at alaga. At alam kong masyado niyang iniisip habang naglalakad kami na baka ay mapatanggal kami sa grupo. Oo, may posibilidad dahil malaking gulo ang nagawa ko. Sa labas ng eskuwelahan nangyari ngunit malapit pa rin sa eskuwelahan at karinderya pa ng mga estudyante.

Estudyante rin naman si Dino. Ang problema lang ay basag-ulo siya.

"C-coach!" malakas na sigaw ni Tritus at malakas na umiyak. Sunod-sunod ang pagtulo ng mga luha nito sa kaniyang mga mata. Kadalasan talaga, kung sino pa ang may malakas na tawa sila rin ang madamdamin sa mga bagay-bagay.

I caressed his back while trying to calm him down. He really can't stop crying, and because he seems cannot be stopped, I tapped his back gently that will satisfy him. I cannot hug him in front of them, that's very suspicious action.

"C-coach kasi naman!" he continuously complain while sniffling and stomping the ground. Para siyang bata na hindi nabigyan ng laruan o kendi.

"Tritus, wala pa akong sinasabi pero grabe na ang reak mong bata ka," seryosong tugon ni Coach Hermes at napa-iling ng ulo.

"K-kasi naman! Alam kong tatanggalin mo si Auvin! Hindi ako papayag, wala na akong bubuwisitin, aasarin kay Cradience, wala na akong kuya, hindi matutupad mga masama kong binabalak—joke." Bigla itong nag-peace sign habang umiiyak pa rin sa harapan namin. Hindi ko alam kung maaawa ako o maiinis sa kapilyuhan niya.

"Coach, alisin mo na lang ako," walang gana kong sabat sa usapan nilang dalawa kaya naman lalong lumakas ang iyak ni Tritus. Napilitan namang buksan ni Gale ang bagahe niya at kinuha ang pagkain sa loob. Binuksan niya ito at kumuha ng isang tsokolate. Inilusot niya ito sa bunganga ni Tritus na umiiyak.

Time Back To First AutumnWhere stories live. Discover now