ms03

14 0 0
                                    

03

---

"Celest, sakay."


Ash opened the door while he was in the driver seat. Ibinulsa ko ang cellphone at sumakay sa shotgun seat. Sinuot ko ang seatbeat. I struggled for a bit but it's fine. Saka lang pinaandar ni Ash ang sasakyan nang matapos ako sa ginagawa ko.


"Why happened? Why are you trembling?"


Nakita niya pa 'yon? Hindi ko na nga pinahalata.


Umiling ako. "Wala. Kinabahan lang kanina."


"That bad?" Lumingon siya sa akin saglit, may pag-aalala sa boses niya. Natawa na lang ako.


"Okay lang, Ash. Kalmado na 'ko." I assured him. "Ang laki ng sasakyan na dala mo, ha. Ang dami mo pala talagang bibilhin? Bakit hindi mo isinama si Levi? Taga-buhat."


"He's busy at the moment but he said he'll come later."


Nagkibit ako ng balikat. Nagtataka rin ako bakit ako ang inaya ni Asher. Bookworm pero fiction books lang naman ang alam ko. Kung ganoon sige. Siya sa educational books habang ako ang bahala sa fictional. Hindi ko naman alam mga libro na ginagamit nila sa nursing.


Hindi muna kami dumeretso sa bookstore dahil napansin ko na lang na pinapark niya ang sasakyan sa parking lot ng starbucks. Mabilis ko siyang nilingon. Alam niyang ayokong nililibre ako sa mga mamahaling bagay dahil naguguilty ako sa perang iginagastos sa akin.


"Chill. Libre ko. I'll just buy you a drink. You need it. Let's go."


Umikot ang mata ko. "Hindi ako nauuhaw."


"Libre ko nga. Bad day, right?" He smiled at me.


Huminga ako ng malalim at nag-alis ng seatbealt at bumaba ng sasakyan. Kung pwede lang talagang huwag na magpalibre pero mapilit si Asher. May tig-sampung piso naman kasing drinks sa mga nagtitinda sa tabi ng kalsada bakit hindi na lang roon. Afford ko 'yon. Dito sa starbucks, isang drinks pang-tatlong araw kong allowance.


Katulad ngayon, kapag nag-insist ako na ako ang magbayad ang dala kong three hundred, ubos.


Pumasok kami sa loob. Pinaupo niya ako sa isang table at siya na raw ang oorder. Hindi nagtagal ay bumalik si Asher na may dalang desserts! Nagsalubong agad ang mga kilay ko.


"Akala ko bibili lang tayong drinks? Bakit may pagkain na?"


"I'm hungry."


"Bakit kasi umaalis ka sa inyo ng hindi kumakain?" Ako naman ngayon ang nai-stress sa kaniya.


"Sorry, mommy. Sorry."


Nang-asar pa nga. Umirap at humalukipkip. Gumala ang mata ko at natigil iyon sa bumukas na pinto ng starbucks. Pumasok doon si Levi Alexander. Bagong ligo at naka-pambahay attire lang. Short, sleeveless tshirt, at tsinelas. Itinaas ko ang kamay ko para makita niya kami. Ngingisi-ngisi siyang lumapit at sumalampak sa tabi.

Midnight SoundsWhere stories live. Discover now