ms14

8 0 0
                                    

14
---

I was busy doing some illustration in my desk when I felt someone sat beside me. I thought it was my co-worker so I didn't bother looking. Not until I smelled the perfume. Umikot ang mata ko. Kilala ko na kung sino.

I straightened my back after crouching so long. Nilingon ko ang umupo at hindi nga ako nagkamali. Sumandal ako sa swivel chair at hinarap siya. Halos umirap ako dahil nandito na naman siya. Hindi ba siya busy? Graduating siya.

"Oh, anong ginagawa mo dito?"

"Visiting you," he placed a known brand of coffee in front of me. "Here. I brought coffee and snacks."

Bumaba ang mata ko sa suot niya. Puting polo, itim na slacks, itim na sapatos. Relo. He's not wearing specs today. But he has wayfarer on his head.

"What will you do after this?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim at bumalik sa trabaho. Bakit siya nagtatanong? bakit niya gusto malaman? Pakialam naman niya sa gagawin ko pagkatapos ng trabaho?

"Bibili ng motor."

Ngayon ko planong bumili. Matagal ko na iyong pinag-iipunan. 'Yan nga at laging napo-postposed dahil sa mga unexpected na bagay na nangyayari. Matagal na dapat akong nakabili kung hindi lamang dahil sa pagkaka-hospital ni Andrew at pagkakasira ng iPad ko noong nakaraan. Ang dapat na pangbili ng motor ay naibayad at naibili.

Mumurahin na motor lang ang bibilihin ko pero brand new. 'Yong pasok lang sa bulsa ko. Maganda na rin kasing makapag-invest sa ganoon para hindi kami hagad magkakapatid sa araw-araw na commute para sa pagpasok.

May  driver's license na rin ako. Matagal na. Noon kasing nag-enroll si Asher sa driving school ay pinagtripan niya kaming lahat at isinama kahit siya lang naman ang may sasakyan sa amin noon. Si Leval ay matagal na niyang nagagamit ang driver's license niya dahil binigyan siya ng mga magulang ng motor para sa pagpasok niya.

Kaya kapag may night out, kung sinong hindi lasing ay siya ang nagd-drive ng sasakyan ni Asher pauwi.

"May kasama ka?" seryoso ang boses niya.

"Wala."

"Not even a family member? Friends?"

Umiling ako habang nagkukulay sa illustration na ginagawa. Kailangan pa ba ng kasama? Kaya ko naman, ah. 

"I'll go with you," si Sab.

"Kaya ko namang mag-isa." Sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pag-igting ng panga niya at pag-iwas ng tingin, akala mo galit. 

Marunong naman ako bumasa ng mga dokumento kaya madali lang naman siguro kapag naroon na ako sa store. Madali lang naman siguro ang process ng pagbili. May pera naman ako.

"Ayokong nakaka-abala. Ayokong may naghihintay sa akin habang may ginagawa ako."

Pakiramdam ko kasi kapag may naghihintay sa 'kin habang ginagawa ko mga bagay na kailangan ng mahabang paghihintay ay naiinis sila. Iyon bang parang gusto na nila akong iwan dahil sa inip. Gustong magreklamo dahil sa tagal pero hindi maisatinig. Kaya kahit sa anong lakad na kaya ko namang gawin mag-isa, hindi na ako naghahanap ng kasama. Ganoon ako sa mahabang panahon. Nasanay na rin.

Midnight SoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon