ms12

6 0 0
                                    

12

---


"I know you think it's fast but I'll take it slow. I promise."


Nasuklay ko ang buhok ko at umiwas ng tingin. Hindi ko alam ang nararamdaman ko. Hindi ito ang unang beses na may umamin sa akin. Maraming nagkakagusto sa akin noon ngunit lahat iyon ay tumigil at napagod... dahil hindi pa ako handa sa pakikipag-relasyon.


At hindi exception si Sab sa bagay na iyon. Hindi porke magkaibigan kami ay hindi ko siya bibigyan ng parehong treatment.


Akala ko kaibigan lang ang gusto niya. Oo at kakaiba ang mga ipinakikita niya noon. Napapansin ko iyon. Hindi iyon normal na gagawin ng isang kaibigan lang. Lalo na at kakakilala pa lamang namin. Sa bawat pagmamasid ko sa kaniya ay alam kong may gusto siyang iparating sa mga ginagawa niya. Hindi ako bulag. Hindi ako tanga. I just need confirmation directly from him. At heto na nga. Umamin na. In the most unexpected way.


I bit the insides of my cheek and sighed. Pumikit ako saglit at pinakiramdaman ang sarili ko kung may nararamdaman ba ako para sa kaniya. Ngunit kahit anong hanap ko, wala akong maisatinig. I felt nothing but numbness. Para akong wala sa sarili.


Sab was swallowing hard when I looked at him. He looked nervous. For the first time since we met, I witnessed him being nervous.


Umiling ako. "Hindi kita gusto, Sab. At wala sa isip ko ang pakikipag-relasyon. Wala na akong oras para d'yan," sambit ko.


Hindi ko na siya hinintay sumagot at tinalikuran siya kaagad. Pumasok ako ng building nang magulo ang isip. Anong I'll take it slow?! Eh, ang bilis bilis niya nga eh?! Nasapo ko ang noo dahil naramdaman ko ang pagtulo ng pawis ko roon. Nang makapasok sa elevator ay napasandal ako at napahugot ng buntong-hininga.


Gusto ako ni Sab? Bakit? Anong nagustuhan niya sa akin? Hindi naman ako mabait. Alam kong alam niya iyon dahil sa mga una naming sagutan. Kung sabagay, 'yong pagsagot ko sa kaniya noon ay sukli lamang sa ugali niyang ipinakita.


Infatuated lang si Sebastian. Mawawala rin ang nararamdaman niya. Bakit niya ako magugustuhan. Hindi naman ako mayaman? Hindi kami pareho ng status sa buhay. Gusto ko siya bilang kaibigan pero hindi ko alam... kung magugustuhan ko ba siya romantically. At bakit ko ba iniisip 'yon? Wala akong panahon para sa pag-ibig. Hirap ko ngang iahon ang pamilya ko sa hirap, may mga subjects pa akong delikado at personal problems. Ayoko nang dagdagan ang magpapagulo sa buhay ko.


I also think I don't deserve Sab. He's too good to be with someone so broken like me. Sasaktan ko lang siya. Masasaktan lang siya sa akin. Ayokong makasakit ng dahil sa personal battles ko. Ayoko. Mamamatay ako sa pagkaka-guilty at pag-iisip. Sa iba na lang siya. Baka matuwa pa ako.


Sab's too good to be true. Marami pa namang ibang babae diyan. Mas better kaysa sa akin. Mas matalino. Mas maganda. Mas mabait. Mas... mayaman. Kayang pantayan ang status niya. May oras para sa kaniya. Hindi ako lahat 'yan. Wala nga akong oras para sa sarili ko... paano ko siya mabibigyan? Hindi ako para sa kaniya.


May rason na ako para iwasan siya. Umamin na. May sapat na rason na ako. Hindi ko siya gusto. Ibang babae na lang ang pagka-abalahan niya. Hindi ako maaari. Hindi kami bagay. Hindi kami compatible. Ayoko ng status naming dalawa.

Midnight SoundsWhere stories live. Discover now