ms09

5 0 0
                                    



09

---


"Ano na namang ginagawa mo dito?"


Nasa cubicle ko ako at gainagawa ang trabaho. Kaharap ko ang bukas na PC at iPad, sa gilid ng mga device ay ang nakabukas kong reviewer para sa exam mamaya. Pinagsasabay ko dahil pakiramdam ko ay hindi sapat iyong nireview ko kagabi. Ayokong lumabas ng room mamaya ng may pagsisisi. Matatanggap ko pang kulang ako sa tulog kaysa kulang sa score na nais ko.


Busy ako sa ginagawang illustration nang matigil ako dahil sa biglang pagtahimik ng paligid. Iyon pala ay may dumating. Blanko ang mukha ko iyong hinarap at ganoon na lang ang pagtataka ko dahil nandito na naman si Sebastian. Lagi na lang siyang nandito ha! Mamaya kung anong isipin ng mga katrabaho ko sa amin dahil sa pagsulpot-sulpot niya! Tapos sa cubicle ko pa lagi ang deretso niya!


Hindi ko nga siya kaibigan! Naiinis na ako, ha!


Inilapag ko ang pencil at sumandal sa swivel chair. Nagkrus ang braso ko at pinagtaasan siya ng kilay. Hindi ako nagsalita. May inilapag siya sa lamesa ko. Starbucks coffee iyon. Ano na naman bang kailangan nito? Hindi ba siya makapaghintay ng break or off ko sa trabaho at talagang susugod siya agad dito sa pubhouse?!


"Just dropping by. This is for you," tukoy niya sa kape.


"Hindi ako naniniwala." I scoffed. Kaysa aksayahin ang oras sa kaniya ay bumalik ako sa pagdadraft ng mga kailangang ipasa mamaya. Nanatili siyang nakatayo sa gilid ko. I heard a screeching sound. Iyon pala ay humila siya ng monoblock chair galing sa kabilang table at dinala iyon sa gilid ko para doon siya maupo.


Kunot-noo ko siyang binalingan. Aba at umupo pa talaga? Hindi porket sila ang may-ari nitong pinagtatrabahuhan ko ay maaari na niya akong istorbohin sa kahit na anong oras niyang gusto. Hindi pwede iyon!


Umikot ang mata ko sa paligid namin at huling-huli ko ang mga malisyusong tingin ng mga katrabaho. Ang walang pakialam ay iyong proofreading team.


"Anong kailangan mo sa akin, Sebastian? Kahapon nandito ka na. Tapos ngayon nandito ka na naman?" angil ko.


"Just Sab." Ayan na naman sa nickname niyang hindi nga ako sanay sabihin! Ano kami close?! Hindi!


He lazily sat down. Sumandal siya sa upuan at pinagkrus ang binti at braso. Matagal bago niya ako sagutin. Inalis niya ang ID na suot at ipinatong iyon sa table ko. Isinunod niya ang specs. Ayon ay may table naman sa harap niya pero sa table ko talaga ipinatong.


Naroon siya at occupied ang space noong katabi kong cubicle.


Kinusot niya ang mata na biglang namula. Mabilis gumalaw ang kamay ko at nahablot ang tissue sa table, just near the PC, at saka inabot sa kaniya. Pagod na yata hindi pa umuwi! Hindi ko naman siya kailangan dito!


He damped his eyes using the tissue. Nang matapos ay sinulay niya ang buhok gamit ang mga daliri.

Midnight SoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon