ms05

14 0 0
                                    

05

---


Days passed like a whirlwind. Maayos na ang kalagayan ng kapatid ko at araw na rin para lumabas siya ng hospital. Kagagaling ko lang sa counter after bayaran ang sa balance ng kapatid ko nang makasalubong ko sa hallway ang mga kaibigan. Mukha silang mga galit. Lalo na si Asher at Alexander. Huminga ako ng malalim dahil alam kong sesermonan ako ng mga 'to.


"Huwag niyo nang pagalitan. Just respect her decision," bulong ni Miley sa dalawang kasama na narinig ko pa rin. She acted like she didn't say anything though.


"Anong ginagawa niyo ditong tatlo?" salubong kong tanong sa kanila.


"Mamalengke," pabalang na sagot ni Levi Alexander.


Kumunot ang noo ko. Tinatanong nang maayos tapos sasagutin ako ng pabalang. "Nagtatanong ako ng maayos, Alexander."


"Nagagalit ka naman agad! Syempre nandito kami para sunduin kayo. Ngayon na daw labas ni Andrew?"


Tinalikuran ko sila at naglakad pabalik sa kwarto ng kapatid. Sumunod naman sila sa akin. "Paano niyo nalaman na nandito ako."


"Pumunta kami sa inyo, walang tao. Tapos 'yung kapitbahay niyo sumigaw na nasa hospital daw kayo."


Tumango ako. Pumasok kaming apat sa kwarto. May dala silang basket ng prutas. They gave it to my brother. Kinausap nila ang kapatid ko habang ako ay nagsimula nang mag-ayos ng gamit dahil ilalabas na namin si Andrew. Wala si Andrei dahil may pasok kaya mag-isa kong inaasikaso si Andrew.


"I'll help you," Miley volunteered to help. Tumango ako sa kaniya. Siya ang naglinis ng side table. Leval and Asher were talking to my brother about sports. May dala si Asher na regalo para kay Andrew. Ibinilin pa nga na magpagaling agad at huwag akong pag-alalahin.


"May kukunin lang akong form sa nurse station. Iwan ko muna kayo," paalam ko. Nang lumabas ako ay hindi ko inaakalang susunod si Asher.


"I'll go with you."


"Pipirma lang ako para sa discharge ni Andrew."


"Why didn't you tell us about this?" Nahihimigan ko ang galit at pag-aalala roon.


Ngumiti ako. Dahil alam kong makikialam kayo at hindi niyo 'ko pababayaan. Ngunit problema ko 'to. Problema ng pamilya ko. At kaya ko namang resulbahin ng mag-isa.


"Kaya ko naman, Ash," I assured him. "Hangga't kaya ko ayokong inaabala ko kayo."


"Hindi ka abala. We're friends," kunot-noong baling siya sa akin. "Bayad ka na ba dito? Kung hindi pa ako na magbabayad. Just keep your money for Andrew's meds."


"Bayad ko na," sagot ko. "May sapat na pera ako, Asher. Hindi ko kailangan ng pera mo."


Midnight SoundsWhere stories live. Discover now