ms10

6 0 0
                                    

10

---


"Tao po! I'm here na."


Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harap ng 16" x 20" na canvas. Madungis ang damit at kamay dahil sa mga pintura ay hindi na inalintana nang lumabas ako para pagbuksan si Sebastian. Ayon siya at nakatayo sa harap ng gate namin. Pinagbuksan ko.


May dala siyang materials. Iyon 'yung mga pinabili ko.


"Pasok ka. Pasensya na. Naabala ka pa ni Asher."


"It's fine. Wala naman akong gawa."


Noong nakaraang araw ay pinuntahan namin ni Sebastian iyong may-ari ng café na sinasabi niya. We negotiated. Pumayag ako dahil malaki ang ibabayad niya. It's been five months ago since I last painted. Ang huling obra na naibenta ko ay sa mayor ng bayan namin. Hindi na iyon nasundan dahil nag-focus ako sa pagsasanay sa digital art.


Ngayong linggo naman ay sinisimulan ko na ang mga pintings na pinapagawa ni Ms. Villamore. She needs five paintings. Lahat ng iyon ay kailangan kong matapos sa loob ng dalawang buwan. I need time because I'm not a full-time painter. I have studies to prioritize kaya humingi ako ng maraming oras.


Ayos lang iyong portraits noon kahit malaki at matrabaho ay nagawa kong matapos agad dahil pinakang-forte ng skills ko. Hindi katulad ng painting na pumapangalawa, pangatlo ang pagiging muralist at panghuli ang digital art.


Iyan ngang nasa kalagitnaan ako ng pagpipinta ay naubusan ako ng acrylic paint. Since Asher informed the gc na nasa mall daw siya ay nakisuyo na ako nagpabili. I told him na kung pwede ay idaan dito sa bahay. Magkasama yata si Asher at Sebastian kaya niya nagawang utusan rin 'tong isa. May emergency daw siya kaya si Sebastian ang nandito sa bahay.


Sebastian removed his shoes before going inside the house.


Kinuha ko sa kaniya ang paper bag na laman ang materials na pinabili ko.


"Sorry, medyo madungis ang living room. Dito kasi ako nagpipinta dahil maliit sa kwarto ko." Nahiya akong bigla dahil ang kalahati ng living room ay puno ng paint materials, mga talsik ng pintura, used brushed, used tapes, lalagyan ng acrylic paints, at iba pa.


"It's okay." Naupo siya sa sofa. Pinagmasdan ko siya. He's wearing casual clothes. Brown shorts, pink t-shirt, and a silver watch.


"Tubig, coffee or juice?"


"Just water."


Naglatag lang ako ng malaking manila paper sa sahig para roon bumagsak lahat ng kalat ko habang nagpi-paint. Doon ko inilapag ang mga binili ni Sebastian bago dumiretso sa kusina at ikinuha siya ng tubig.


"Salamat sa pagdala ng materials. Ang dami ko ng utang sa 'yo, ha," sambit ko pagkatapos maibigay ang tubig niya. Inayos ko rin ng tali ang buhok ko at tinalikuran siya para maupo sa harap ng canvas. I'm halfway done to my second craft.

Midnight SoundsWhere stories live. Discover now