ms13

9 1 0
                                    

13

---


Two months. Two months had passed like a whirlwind. Natapos ko na ang commissioned painting para kay Ms. Villamore. Kaka-deliver ko lang noong nakaraang linggo sa café niya. She was so happy when she received it. Another satisfied costumer.


Buwan ng Abril. Malapit na ang end ng school year ng mga kapatid ko. Ang alam ko at tapos na ang exam nila para sa huling semester. Sa susunod na buwan naman ay doble ang pagka-busy ko dahil pagtatapos na ng second semester.


School works ang umuubos ng oras ko ngayon. Sa susunod na school year ay madugong Thesis na naman. Nakakapagod.


Nasa café kami ni Claudine kasama ng iba naming mga kaklase, nag-aaral. Puyat dahil sa ginawang art commissions kagabi, hindi halos ako makapag-focus. Dalawang cup ng kape na ang naiinom ko para manatiling gising.


"May pasok daw mamaya. Magw-wiring," si Antonette, block mate ko.


Akala ko cancelled na ang pasok mamayang gabi? Binawi? Sa narinig ay naibagsak ko ang ulo sa bundok ng papel at libro. Nakakapagod ang araw na ito. Bahagya akong pumikit.


"Matulog ka muna kaya? Four hours pa naman  bago ang kasunod na class? Matalino ka naman. Alam kong kaya mong ipasa 'yung quiz mamaya kahit hindi ka mag-review!" si Claudine.


Umiling ako. "Wala pa akong review. Wala akong isasagot mamaya kung hindi ako magrereview. Engineering student tayo. Iba ang tinuro sa pa-quiz o exam ng mga professors. Pumasok kang walang review, lalabas kang zero," lintanya ko habang nakapikit.


Naulinigan ko silang umorder ng panibagong snacks at drinks. Hanggang sa hindi ko na narinig ang mga boses nila. Nakatulog na pala ako sa ibabaw ng mga libro at reviewers ko. Nang magising ako ay tahimik silang lahat. Nagtaka ako kung bakit. Nang masilayan ako ni Claudine na nagising na, sumenyas siya sa kabilang table. At dahil nakatalikod ako, kinailangan kong lumingon.


Blurred pa ang paningin mula sa pagkakatulog, halos hindi ko nakilala kung ano ang tinutukoy ni Claudine. Matagal bago nakapag-adjust ang paningin ko. Nang makilala ko kung sino ang nakaupo sa katabing table namin ay mabilis na lumipad ang palad ko sa gilid ng mata at labi ko!


What if may muta ako or panis na laway?! Si Sebastian pala ang nasa kabilang table! May kasama siyang ibang mga lalaki! 


Kanina pa ba sila diyan?!


Dalawang buwan kong hindi nakita si Sab! Hindi siya nagpakita pagkatapos noong birthday party niya. Hindi ko rin siya nakikitang  kasama ni Asher. Hindi siya nagparamdam. Kinibit balikat ko lang iyon dahil baka nasa ghosting phase siya. Alam kong magkikita rin kami dahil ganoon naman palagi.


We bumped into each other in the most unexpected places.


Inayos ko ang buhok ko dahil gulo-gulo. Inalis ko rin ang specs ko at naglagay ng eye drops. Habang ginagawa ko iyon ay kinukwento ako ni Claudine. Pansin ko rin ang mga nakaw na titig mula sa mga lalaki sa kabilang table. Tatlo sila roon.

Midnight SoundsWhere stories live. Discover now