ms19

6 0 0
                                    

19
---

Umuwi ako ng bahay. Bago ako pumasok ay sinigurado kong maayos akong tingnan. Hindi pwedeng mag-alala ang mga kapatid ko. I don't want to be a burden to them when I can take care of myself. I have been doing it for years, it's just another fever days I'd have to endure.

Nawala ang penipeke kong sigla at ngiti nang tuluyang makapasok sa pinto. Ang mga taong ayaw kong makita at makita ako sa ganitong sitwasyon ay nasa pamamahay ko. Lumamig ang pakikitungo ko.

Nanlamig ang loob ko sa mga scenario na pwedeng mangyari. Hindi kaya ng energy ko ngayon ang kung ano mang confrontation. Wala akong lakas.

"Anong ginagawa niyo ditong dalawa?" bungad kong tanong. Nagtunog akong bastos dahil sa baba ng boses ko. My voice was rasped since earlier because of dry throats.

Humigpit ang hawak ko sa dalang paper bag. Naroon ang mga gamot na binili ko. Hindi nila maaaring makita iyon. I don't need pity party. But are they even concern though? Natawa ako sa iniisip. Kahit yata ilatag ko sa harapan nila ang ilang banig ng mga gamot na binili ko, wala silang pakialam. May instance na pwede pa nila akong pagtawanan at sabihan na deserve ko 'to dahil madamot ako sa kanila.

Tumayo ang aking ina sa pagkakaupo. Ang ama ko naman ay nakasandal sa pader, nakahalukipkip at masama ang tingin sa aking ina bago ako nito pinasadahan ng tingin. Ngumisi siya, halatang nakaka-inom.

He was holding a stick of cigarette, puffing it into the air every opportunity he gets, the smoke travels around us like a memoir of the past.

His posture, his stance, his eyes, and his hands reminds me of when all of us were still living together. My old self prolly ran off to her room before she upsets him. Scared for her life, she tucked his brothers to bed so they won't meet the worst version of their father.

My old self prays for her brother's safety more than hers. It was always like that. It's okay to beat me. Just not my brother. Narinig yata ng nasa taas ang panalangin ko noon dahil kahit kailan hindi pinagbuhatan ng mga magulang ko ang dalawang lalaki na kapatid. Ako lang.

Himala at hindi ko sila naabutan dito na nag-aaway. Ang dalawa kong kapatid ay tahimik sa gilid, hindi makatingin sa akin. They are scared of my reaction more than they are of my parents.

"Nandito ka na. Kanina pa ako naghihintay," istrikto ang boses ng aking ina. Tumaas ang kilay ko.

This is the tribute I got from her, the tone of voice that makes her sound tackless and strict.  

"Kanina pa rin ako naghihintay dito, Celeste," pagsabat ni Papa. Ang marinig ang pangalan ko mula sa kaniya ay nagpapa-alab ng galit ko.

"Anong kailangan niyong dalawa?" Sumandal ako malapit sa may pintuan. I feel like my legs are going to give up. Kanina ko pa gustong magpahinga.

Lumapit si mama sa akin. Inilahad niya ang kamay sa harap ko. I looked at her dumbfounded. She eyed me like I should already know. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at natawa sa sitwasyon.

Ah, alam ko na. Nandito silang pareho para manghingi ng pera. Ang pagkakataon nga naman. Nakakatawa. Nagsabay pa talaga sila?

Hinawi ko ang kamay ni Mama. "Mrs. Castillo, ilang beses mo bang gustong marinig sa 'kin na hindi mo ako bangko?"

Midnight SoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon