ms07

4 1 0
                                    

07

---

tw: R18, cheating, & vulgar language


"Villaverde?"


Malakas na kumakabog ang dibdib ko. Humigpit ang hawak ko sa shoulder bag habang bumubuga ng hangin sa bibig. Lumingon ako kay Sebastian na nakaupo sa tabi ko. He smiled at me, urging me to go. Sa sobrang kaba ko hindi ko ma-appreciate ang ngiti niya. Paano ba naman matapos kong sabihin na gusto ko maging illustrator ng publishing house nila, sinabi niya agad na magtutungo kami roon para sa interview ko. I'll use his connection, yes. But I want to properly experience the process too.


"Kahit hindi illustrator, basta work na convenient sa school hours ko," demanda ko pa.


"Fine. Let's go now to our publishing house for your interview," ani niya matapos kong sabihin na bigyan niya ako ng trabaho kapalit ng kapatawaran ko. "There's one slot left for new illustrator."


"Ngayon agad?" gulantang na sabi ko.


"Uhuh. Ngayon lang ako free, e. Sasamahan kita."


"Magbibihis muna ako!"


And that's what I did. Sumama siya sa bahay. Pinapasok ko siya sa loob habang ako ay nag-aayos. Ang dalawa kong kapatid ay wala pa roon nang dumating ako. I opened the gate door using my duplicate keys. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng sasakyan ni Sebastian hudyat ng kanyang pagbaba. Lumingon ako sa kanya nang mabuksan ang pinto ng bahay namin.


"Pasok ka."


Sumunod siya sa loob. Pinanood ko siya. Hinubad niya ang kanyang sapatos at naiwan ang medyas. Ang sapatos ay itinabi niya sa shoe rock na nasa bungad ng pintuan namin. Nang nasa living room na kami ay iginiya ko siya sa sofa para maupo. Alam kong hindi ganoon ka modern ang bahay namin, huwag niya na sanang i-judge. I hope he keep his thoughts to himself about our house. I built this using my blood, sweat and tears.


"Drinks? Coffee, tubig or juice?" tanong ko habang nag-aalis ng bag.


"Water, please."


Tumango ako at nagtungo sa kusina. Kinuha ko siya ng tubig.


"Mag-aayos lang ako sa kwarto," paalam ko.


"Sure. Take your time."


Iniwan ko siya sa living room. Nang makapasok ako sa kwarto ay hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Ang ayoko sa lahat ay ang may naghihintay sa akin. Napi-pressure ako kahit hindi nila sabihin o kahit ayos lamang sa kanila ang maghintay. Naligo ako at kumuha ng pormal na damit. I did my clean makeup look. Prinipare ko rin ang portfolio ko na ipapasa. Updated na 'tong portfolio para sa mga sitwasyon na ganito.


Inaayos ko ang buhok nang marinig ko ang ingay ng mga kapatid ko sa labas. Dumating na pala sila. Nang lumabas ako sa kwarto ay naabutan ko si Drei na nakatayo at nakahilig sa hamba ng pintuan ng kwarto nila, nakatitig sa bisita.

Midnight SoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon