ms16

7 1 0
                                    

16

---

"Ate! First honor ako!"


Pagkapasok ko sa bahay ay iyon agad ang bungad sa akin ni Drei. Ngumiti ako at nakipag-fist bump sa kaniya.


"Congrats! Kailan recognition?"


"Tatlong araw mula ngayon!"


Natuwa ako nang ibalita ni Drew na may honor rin siya kaya double celebration ang nangyari nang gumabi. Ibinili ko sila ng nga pagkain na gusto nila. Reward sa buong taon na paghihirap sa school. Nagpadeliver kami. Nang matapos ang hapunan, pinayagan ko silang pumunta sa mga kaibigan nila. Binigyan ko na lamang sila ng bilin na hanggang tatlong oras lang ang kaya kong ibigay.


"Ate, anong gusto mong pasalubong?" si Drew, habang palabas ng gate.


Nangunot ang noo ko.


"Huwag na. Nag-iipon ka 'di ba? Bakit mo sa 'kin gagastusin? Sa 'yo na 'yan."


Sumimangot si Drei sa sinabi ko. Si Drei naman umirap. Natawa ako. Ang momoody, ah.


"Sige, bye, na! Uwi kami before 9!"


"Huwag kung saan-saan, ah!" sigaw ko.


"Yes!" ang dalawa bago sumakay ng tricycle.


Naglinis ako ng bahay pagkatapos. Naglaba rin ako ng mga damit ko at ilang damit ng dalawa. I was so tired when I finished doing house chores. Naligo rin ako pagkatapos at nagpahinga na sa kama. Habang hinihintay ang dalawa sa pag-uwi ay nag-abala ako sa social media.


Ngumuso ako dahil wala na talaga akong oras para sa social media. Ang dami kong nami-missed na chismis sa GC. Mga uploaded photos sa mga accounts ng kaibigan ko. Kailangan ko tuloy silang i-stalk.


Ang hirap mag-back read sa group chats kaya mga recent messages na lang ang binasa ko. Puro random pictures ng mga ginagawa nila. Picture ng syringe. Si Asher na kinukuhaan ng dugo ang namumutlang si Miley. Si Jame na nakaupo at masama ang titig na tuturukan ni Levi na patawa-tawa. Ginagawa nilang practisan ang isa't-isa. Ngumiti ako ng sa iilang pictures na sinesend ni Clau ay naroon ako madalas, nag-aaral o hindi naman kaya ay nagi-sketch sa iPad.


I was about to exit the app when Sab message. Dumapa ako sa kama at binuksan iyon.


sjlouise: are you busy?


celestcv: nope


sjlouise: i'm here at sta. mesa


celestcv: and?


At ano naman ngayon kung nandito siya? Naalala ko na naman ang nangyari noong nakaraan. Sa sobrang kahihiyan ko sa nangyari noong gabi na nag-inuman kami ay ako ang kauna-unahang umuwi kinabukasan, mga tulog pa sila. Hindi ako sobrang lasing para makalimutan ang mga pinaggagawa ko. Nakatulog lang ako sadya dahil sa sobrang komportable ko sa mga panahon na iyon.

Midnight SoundsWhere stories live. Discover now