ms17

5 1 0
                                    

17

---


"Smile!"


I smiled genuinely at the camera. Nakailang balik ako sa stage dahil sa mga awards ni Andrei at Andrew. Sobrang proud ako sa kanila. Medyo emosyonal sa achievements nila, pinigilan kong maluha. I'm just so proud.


Sab thumbs up after taking pictures of us. Bumaba kami ni Drei at sinalubong naman kami ni Sab. We're done for the day.


"Congratulations, guys!" Sab congratulated my brothers again.


"Thank you, Kuya Sab!" si Drei.


"Salamat, Kuya!" si Drew.


Nilisan namin ang venue. We went to Jollibee just around Sta. Mesa. Mabilis kong inalis ang ngiti sa aking labi nang mapansin na mabilis pumila ang tatlo sa counter para umorder. Nag-uusap sila roon habang naghihintay ng kanilang turn.


Humugot kaagad ako ng wallet dahil alam ko na ang mga moves nito ni Sebastian. Nang masabi nila ang order nila ay sabay-sabay lumingon sa akin ang tatlo.


"Ate, ano sa 'yo?"


"Celestine, what's yours?"


"'Te, order mo?"


"'Yung dati." Inabot ko sa cashier ang bayad. Lumingon sa 'kin si Sab at nagtaas ng kilay.


"Let's split," he negotiated.


"Hindi. Libre ko sa 'yo 'yan." Pinigilan ko siya. "Next time," pahabol ko. Tinapik ko siya sa balikat bago naghanap ng table.


Gusto kong makabawi sa pagsama niya ngayon sa amin. Malaking bagay na naroon siya. Nakakagaan sa loob na may kasama akong sumusuporta sa dalawa kong kapatid. Simula noon kasi ay madalas kaming tatlo lang na magkakapatid ang magkakasama sa recognition at celebration after recognition. It was actually strange to see someone celebrating with us. Ganito pala 'yung pakiramdam non, sobrang overwhelming na para akong maiiyak.


Nang matapos kumain sa Jollibee ay napagpasyahan naming dumaan sa isang park para maglakad-lakad. The boys rented two bikes to roam around while Sab and I just walked.


Habang naglalakad, pansin ko ang pagka-busy ni Sab sa camera niya. Panay kuha niya ng mga litrato sa paligid. Minsan nga ay nakatutok ang camera sa paahan namin.Pinapanood ko lang siya.


Minsan iniisip ko, hindi kaya napapagod si Sab? Wala naman siyang nakukuha sa 'kin pero lagi pa rin siyang nakadikit. He doesn't get the same energy back. He doesn't get the reactions he wants. He doesn't have assurance from me. I'm too hard to please, after all.


And I can't give those things too as I have no feelings for him.


Midnight SoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon