ms04

18 0 0
                                    

04

---


"Ikaw ba ang guardian ni Andrei Villaverde?"


"Yes, Doc."


"He needs treatment. He needs three to four days of admission here."


Kumalabog ang puso ko. "Anong sakit niya, Doc?"


"Severe UTI."


Nanghihinang napasandal ako sa pader. Maraming sinabi ang doctor at halos hindi ko masundan. Basta ang alam ko ay tumatango ako sa lahat ng suggestions niya. Kagat labing sinundan ko ang Nurse dahil siya ang mag-aasikaso sa kapatid ko para ilipat sa kwarto.


Habang hinihintay silang matapos sa kapatid ko ay nag-chat ako kay Andrei.


To: Andrei Villaverde

Drei, kumuha ka ng mga damit ni Andrew pagbalik mo rito. Naka-confine na siya. Ikaw muna ang magbabantay sa kaniya pagbalik mo dahil ako naman ang uuwi. Ako na nag mag-aasikaso ng ibang kailangan. Mag-ingat ka papunta rito.


From: Andrei Villaverde

Noted.


To: Andrei Villaverde

May pera ka pa bang pamasahe? Kapag wala, sendan kita sa gcash.


From: Andrei Villaverde

Meron pa.


Andrew was admitted immediately. Tulog siya nang pumasok ako sa kwarto niya. He's admitted in a general hospital. Ngunit kahit ganoon ay ikinuha ko siya ng kwarto na magiging komportable siya sa pagpapagaling. Tatlo silang pasyente sa isang kwarto hindi katulad noong ibang kwarto na anim ang laman na pasyente.


Umupo ako sa bangko sa gilid ng kaniyang kama. Mahimbing siyang natutulog. Napagod siguro siya sa pagdaing ng sakit kanina. Huminga ako nang malalim at hindi napigilang abutin at suklayin ang buhok niyang nahuhulog sa kaniyang noo. Paulit-ulit ko iyong ginawa nang mahinahon.


"Pagaling ka, Drew," bulong ko.


Ang daming nangyari ngayong araw. Ang mga emosyon ko ay sumakay yata ng rollercoaster ride dahil naramdaman ko na yata ang lahat ng pwedeng maramdaman. Dumating rin si Andrei kalaunan. Binagbantay ko siya kay Andrew at ako naman ang umuwi ng bahay para magpalit ng damit. Kanina pa ako naka-uniform.


Mabilis akong naligo at nagbihis. Sinigurado kong dala ko ang ATM Card nang umalis ng bahay. Gabi na nang makabalik ako sa hospital dahil nag-withdraw pa ako at namili ng mga basic necessities na gagamitin ni Andrew sa hospital. I stayed awake the whole night. Mabuti na lamang at linggo bukas. Walang pasok si Andrei. May kasama akong magbantay.


Nagising si Andrew noong dinner. Ako ang nagpakain sa kaniya. Si Andrei naman ay inutusan ko na rin kumain. Sa bed ni Andrew ko na siya pinag-tootbrush. Binigyan ko na lamang ng planggana at enough na tubig para malinis ang bibig at tootbrush niya. Pagkatapos ay saka ko siya binihisan ng pangtulog.

Midnight SoundsWhere stories live. Discover now