ms06

12 0 0
                                    

06

---


"Bitawan mo 'ko."


I hate you so much it hurts hearing you say this. Syempre sorry lang. Ganoon lang 'yon. Sorry tapos tapos na. Sorry pero hindi noon maaalis 'yong mga oras na pinaghinalaan ko ang kakayahan ko. Mga oras na nawalan ang ng tiwala sa mga gawa ko. Mga oras na kinakabahan ako kapag ibinibigay ko sa mga kliyente ko ang gawa ko.


Ang dali mag-sorry. Pero 'yong sorry hindi mapapawi ang epektong ibinigay sa akin ng sinabi niya. Mahirap kalimutan.


"I'm sorry, Celestine."


Tinalikuran ko siya at pumasok sa loob ng club. I ordered myself a drink. Nang maibigay ng bartender ang order kong alak ay inisang shot ko iyon. Umorder ako ng alak, sunod-sunod, dahil sa galit at pagkamuhi na nararamdaman ko. May kung ano sa loob kong hindi ko maipaliwanag. My ego was crushed and thumped like a trash in the smokey mountain.


Hindi ko alam pero sa sobrang galit ko ay nag-iinit ang gilid ng mga mata ko.


Bakit ako nagkaka-ganito dahil lamang sa lalaking 'yon? Atsaka matagal naman nang nagyari iyong pang-iinsulto niya bakit dinidibdib ko pa rin hanggang ngayon? My pride and ego were really beaten so bad, huh.


Nang maibaba ko ang pang-sampung baso ng alak ay nakaramdam ako ng init. Gusto ko ng hangin. May mga sumubok kumausap sa akin pero dahil mga hindi ko pinapansin ay iniiwan ako roon sa pwesto ko. Tama 'yan. Huwag niyo akong kausapin dahil wala kayong mapapala. Hindi ko alam kung nasaan ang mga kaibigan ko. Probably drunk already.


Lumabas ako ng club nang nahihilo. I can still walk straightly. I'm a bit tipsy pero kaya ko ang sarili ko. Hindi ako magpapakalasing lalo na at alam kong lasing na rin ang mga kaibigan ko. Nagtungo ako sa may garden na nakita ko kanina pagkarating. Sa harap niyon ay may malawak ngunit mababaw na pond. May mga pato pang naliligo. May harang ang pond kaya hindi sila nakakalabas.


Umupo ako sa bench at sumandal. Anong klaseng alak ba 'yong nainom ko at ang tapang yata? Masakit ang paa ko kaya naisipang kong alisin ang platform hells. Ang malamig na panggabing simoy ng hangin ay umihip. Guminhawa ang pakiramdam ko roon. I closed my eyes and let myself feel the coldness of the night.


"The after party is still on-going. I will, later. Okay? I won't sleep late. I know. I'm not drunk. C'mon, Mom. Your son is already grown up. Okay, goodnight. I love you. Sweet dreams."


I heard someone from afar. But I was too tired to open my eyes to see who's there. Eyes closed and resting, a felt the sudden turn of my stomach. Walang sabi-sabi akong dumilat at tumakbo sa may pond para sumuka! My hair was all over my face when I vomited on the pond. Nakahawak ako sa railings at sumusuka. Sana walang makakita sa akin dahil nakakahiya!


Naramdaman ko ang pagkawala ng buhok kong tumatabon sa gilid ng mukha ko. I heard a curse. Boses lalaki. Kahit sukang-suka ay pinilit kong pinigil at lumingon. Malabo ang paningin ko pero alam kong si Sebastian itong nasa gilid ko at sakop ang buhok ko gamit ang isang kamay habang ang isa naman ay may hawak na panyo.

Midnight SoundsWhere stories live. Discover now