ms08

6 0 0
                                    

08

---


"You're hired."


Sa isang linggo kong paghihintay, sa wakas ay narinig ko na ang pinaka-aasam ko. I got hired! Finally! Napaupo ako sa silya sa kwarto habang pinapakinggan ang nasa kabilang linya ng telepono.


"You can work from home but the department will sometimes require your presence here in the office. Are you sure you can jungle your work and academics?" HR assistant asked me.


"Yes, ma'am. I can do that. I used to do jungle work and acads for the past five years."


"Okay. You can start tomorrow. Go to the office for your orientation."


"Thank you!"


Napatalon-talon ako habang hawak ang cellphone sa sobrang tuwa. "Yes!"


Ngumisi ako dahil sa dagdag na trabaho ibig sabihin ay dagdag income. Painter, muralist, book illustrator, digital and traditional artist all at the same time. Nagtataka ako kung bakit hindi pa ako mayaman sa lagay na 'to. Kaya ko kayang i-maintain ang Latin ko? Kakayanin. Basta walang ibang distraction. Hindi naman distraction 'tong trabaho ko dahil passion ko ito. Nakakapagod, oo, ngunit ito ang pagod na paulit-ulit kong gugustuhin maramdaman.


Sunday ngayon. Nag-aayang gumala sila Claudine pero nag-pass ako dahil marami akong tatapusing gawain. Maaga akong nagising dahil may tatapusin akong portrait. Pagkatapos naman noon ay mag-aaral hanggang gabi.


Natigil ako sa pag-inom ng kape nang tumunog ang cellphone ko mula sa isang text. Ibinaba ko ang mug sa study table saka sumandal sa bintana ng kwarto.


From: Unknown

Congratulations. I heard you got hired. – Sab


To: Unknown

Sab? Sino ka naman? Saan mo nakuha ang number ko?


Sab? Sino 'to? Wala akong kilalang Sab.


From: Unknown

Sebastian. Sab, my nickname.


Sab ang nickname niya?! Weh?


To: Unknown

Saan mo nakuha number ko?


From: Unknown

Asher.


From: Unknown

See you tomorrow :)


Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Noong nalaman ni Asher na bukas ang first day ko ay agad siyang nag prisinta na ihahatid ako. I scoffed when I saw my friends in the car, all grinning at me. Wala ba silang mga pasok?

Midnight SoundsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon