Beyond: STA [2]

11.3K 183 4
                                    

"Baby, bar hopping tayo mamaya." Alok ni kuya.

Last day na nga pala ng bakasyon namin dito sa Hawaii. Bukas uuwi na kami.

"Okay kuya. Kasama ba natin sila Uncle?"

Nasan na ba yung pouch ko? Makakalimutin nga naman oh.

"Yes. Get ready na baby ha." Nagbihis na ko ng dress at umalis na din kami.

-------

|At the Bar...|

"Uncle Henry, where's Uncle Kris?" Lagi na lang nawawala yun ah.

"There oh." Sabay turo niya.

Naku. Nakipagsayawan na naman sa mga babae. Napakachikboy talaga ng tito ko na to.

"Tara sayaw tayo. Daming chiks dun."

"Mana mana uncle? Si kuya na lang sama mo. Para makapag move on na yan sa ex niya. Hahaha." Sabay inom ko ng juice.

"Ikaw baby ah. Masiyado kang straight to the point. Osya! Tara." Tamo to. Ayaw ayaw pa. Pero siya din may gusto. Haha.

"Sige. Dito lang ako. Ayoko sumayaw." Pagod pa kasi ako simula kanina e.

"Okay. Pag may nangbastos sa yo. Sigaw ka lang ah. Para mapuntahan ka namin."

"Oo sige."

Umalis na sila.

Tumayo naman ako at pumunta sa counter. Makapanuod nga ng nagbabar tender dito.

"Wow! Ang galing naman niya." Nag-iba itsura ko ng makita ang mukha niya. Ano to?! Destiny?

"Ikaw na naman!" Napairap ako sa kanya.

"Hm." Ayan na naman siya sa kakahm niya. Ano ba kasi yun. Pipe ba talaga?

"One tequila please!" Sigaw ko sa kanya. Malakas kasi ang tugtog dito kaya sisigaw ka talaga.

"Got it." Sigaw niya.

Iaabot na sana niya sa akin ang baso ng tequila ng titigan niya ako. Dahan dahan ko namang kinapa ang mukha at bibig ko dahil ba ka may kung ano sa mukha ko. Wala naman.

"Hm, what are you looki'n at?" Tanong ko.

"How old are you?" Ayun nagsalita din. At bakit niya tinatanong?

"Why? We're not close. So don't ask. Give me my tequila."

"How old are you? 18 below or above?"

"Sabing hindi tayo close! Akin na yan!" Sigaw ko. Lumapit naman siya sa kin at sa mukha ko. Nanigas naman ako sa kinauupuan kong stool.

"Tinatanong kita kung 18 ka na. Kasi ba ka hindi pa. Bawal sa bata ang alak. Naiintindihan mo ba?" Shocks! Nagulat ako. So it means. Naiintindihan niya mga sinasabi ko simula kaninang umaga? Lupa bumuka ka at kainin ako! Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit pa siya sa mukha ko.

"A-ah eh. 19 n-na ko." Yun lang ang nasabi ko habang nakatitig siya sa mata ko. Nalulusaw ako. Ang inet grabe! Ang hot!

Binigay niya naman agad at nag smirked. "Tss." Yun lang ang nasabi niya at lumayo na din.

"Filipino ka?" Natanong kong bigla.

"Half." Sa wakas sumasagot na siya.

"Kung marunong kang magtagalog. It means naiintindihan mo lahat ng sinabi ko sa yo kanina?" Ysa! Why so daldal? Sabay dagok ko ng tequila. "Argh!" Lakas tama ng alak na to ah.

Napahinto na naman ako ng lumapit siya sa kin. At tinitigan ako sa mata sa mata. Isang dangkal na lang ang layo niya sa mukha ko.

"Oo, lahat lahat naiintindihan ko. Pati ang gwapo." Sabay ngiti niya.

"A-ah o-oo nga ang gwapo." Bigla kong tinakpan ang bibig ko sa hiya. Ano ka ba naman Ysa!

"Pfthahahaha" tawa naman siya ng tawa. "You know, your funny! Pfthahahaha." Ano ako dito? Clown?!

"Hoy! Hindi ako clown no para pagtawanan mo dyan. Bakit ang sama sama mo sa kin?! Tsk! Penge pa ngang tequila dyan." Binigyan niya naman agad ako.

"Dahan dahan lang ba ka hindi mo kayanin." Is he challenging me?!

"Ako ba tong hinahamon mo ha?! Tara inuman tayo oh." Sabay dagok ko.

"Concern lang ako. Here. Eat that." Binigyan niya naman ako ng slice ng cake. Meron pala nun dito.

"Anong flavor nito? At sino ang gumawa?" Tinikman ko. Hm, infairness ang sarap ha.

"That's a cheesecake. Masarap ba? I'm the one who made it." Sabay smile niya.

"Holy cow, ang gwapo." Napatulala naman ako sa pag ngiti niya. Lumabas na naman ang mga dimples niya. Napangiti ako sa kanya habang nakapalumbaba. "Ang gwapo talaga." Hindi ko namalayan ang mga salitang lumalabas sa bibig ko. Ysa! Ang daldal mo! Nakakahiya kang babae ka! Umuwi ka na nga! Bago ka pa makasuhan ng rape. Nirerape mo na sa isip mo yang lalaking di mo naman kilala. Gising!

"Your so cute when your drooling. Pfthaha." Sabay tawa niya naman.

Bigla ko namang kinapa ang bibig ko ba ka meron nga. Sh*t! Meron nga!!

"H-hala! Hindi kaya!" Sabay iwas ko ng tingin sa kanya.

"Your blushing. Pfthaha. By the way I'm Erwan." Sabay lahad niya ng kamay niya sa kin. Syempre hablot ko agad sabay hila sa kanya palabas, tapos hinalikan ko siya. Pfthahaha. Pero syempre joke lang yun.

Inabot ko naman agad ang kamay niya. Wow! Ang lambot naman. Mas babae pa ata ang kamay niya sa kin.

"Ysabelle, ysa for short. Iisa ka lang sa puso ko. Ay! Letse! Ysa na lang ang itawag mo sa kin." Napatingin naman siya sa kamay niya na hindi ko pa binibitawan. "Ay sorry. Hehe. Nalimutan lang." Nakalimutan panga Ysa!

"Dito ka nakatira? Or vacation lang?" Tanong niya. Habang nagbibigay ng alak sa ibang customers.

"Baa-katsyon." Huminto muna ako sa pagsasalita at inubos ang laman ng bunganga ko. Ang sarap kasi ng cake. "Bakasyon lang. Uuwi na din kami bukas sa Pilipinas. Ikaw ba?"

"Working lang din. By the nexk week ang uwi ko sa Pinas." So it means magkikita pa kami. Ahhhhhh! I'm so kilig. Ysa! Ang landi mo, umuwi ka na!

"Really? San ka ba sa Pilipinas nakatira?" Tanong ko para alam ko di ba. Sabi nga nila small world lang kaya makikita ko pa siya. Syet! Landee!

"Quezon. Pero magwowork ako sa Manila." Is this Destiny?

"Taga manila din ako. Pfthaha makikita pa kita." Sabi ko ng mahina sa huling linya ko. Kahiya pag narinig niya no. Sabihin stalker ako. Ysa! Stalker ka talaga.

"Hm? Your beautiful." Sabay smile niya.

Syet! Hindi ko matake! Ang ganda ko daw! Lord, thank you at binulungan mo siya. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Uminit bigla ang pisngi ko. Siguro dahil lang to sa alak. Tumayo na ako dahil marunong din naman akong mahiya no.

"Ay hehe. Sa-salamat. Uwi na ko a." Sabay talikod ko.

"Wait." Lumingon naman ako sa kanya.

"Bakit?"

"Kung pwedeng hm, number mo? Hehe." Nagblush ba siya? Ahhhhh! Gwapo!

"Okay. O916*********"

"Thank you." Sabay smile niya.

"Okay. Gotta go. Bye. See you next time." Kumaway na ko sa kanya. Ganun din siya.




"Take care. See you around."

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now