Beyond: STA [28]

3.3K 62 1
                                    

Yipey!! It's sunday.......

"Guys, ready na ba kayo?" - dad.

"YEEEEEES!" Sigaw namin ni Mom.

Bumyahe na kaming lahat papunta sa Bahay Ampunan, may mga bata at matatanda dun na napag iwanan na kaya patuloy kaming tumutulong. Si manong ang nagmamaneho nitong van na dala namin. Si manang naman ang katabi ni manong sa harap, mag asawa nga pala sila. Sina mom and dad naman ang nasa pangalawang upuan katabi nila sina CJ and JC, maliliit naman yun at sexy sina Mom kaya kasya sila. Sa pangatlong upuan naman kami ni Kuya na mukhang puyat na puyat dahil tulog na tulog pa. Sa likod naman namin sina Uncle Kris at Uncle Henry na nagkwekwentuhan tungkol sa mga babaeng nakilala nila sa bar kagabi. Suss! Mga lalaki nga naman oh. Matext nga si Mon Vie.

To Mon Vie: (pinalitan ko na nga pala ang name niya dito. Hehe.)
Bonjour mon vie. Otw na kami. I love you! :)

Tulog pa siguro yun..... ng biglang magvibrate ang phone ko.

From Mon Vie:
Good morning din mon vie. Ingat kayo ha. I miss you. I love you. :*

Hanggang text ba naman puro kiss to. Hehe! Kissing monster talaga to.

-----------

"Okay, guys. We're here!" - dad.

"Yipey!" - mom.

Bumaba na sila at naiwan na lang si kuya na tulog na tulog pa rin.

"Sunog!! Sunog!!" Sigaw nila Uncle.

Bigla namang nagising si kuya at tumakbo pababa.

"Pfthahahahaaahahhaaa! Puyat ka ah. Pfthahahaha" - Uncle Kris.

"Pfthahahahahaa!!" - Uncle Henry.

Pumasok na kami sa loob at nakita ko agad si Lola Inday.

"Ay lola kamusta na ho kayo!" Sigaw ko sa tenga niya. Bingi kasi si lola inday.

Tatlong taon na siya dito sa ampunan simula ng iwan siya ng anak niya dito. Simula din noon hindi na nagpakita sa kanya ang mga anak niya. may walo siyang anak, pero ni isa walang dumadalaw sa kanya.

"Ay ineng mabuti naman. Ay kamusta na ikaw eh." Nakawheel chair nga pala ang karamihan ng matatanda dito dahil mabilis manakit ang kanilang mga tuhod at balakang.

Ako na ang nagtulak ng wheel chair ni lola inday papunta sa covered court kung saan kaming lahat ay nagsasama-sama.

"Mom, nasan sila Dad?"

"Kinuha yung mga gamit natin."

Nandito na pala ang lahat sa court. Nakaayos na din pala ang mga pagkaen dito at mga gamit na dinonate namin. Maaga sigurong hinatid nila dad tong mga to kanina. May mini stage din dito.

Tinabi ko na si lola inday kila lola ikang, lola geng, lolo arturo, lolo ber, lola ine at madami pa.

Sa right side ng court ang mga matatanda sa kaliwa naman ang mga bata.

"Hello ateeeee!" Sigaw ng mga bata. Kilala kasi nila ako.

"Oh kamusta na ang mga alaga ko. Lalaki niyo na ah."

"Namiss ka namin ate." - uno.

"Naku uno! Bolero ka pa din talaga...." napakamot naman siya. "Dos, tres, kwatro, singko, sais, syete, otso, kamusta na kayo?" Galing ng mga pangalan nila no.

Sila uno, dos, tres at kwatro, magkakapatid. Samantalang sina singko, sais, syete, at otso mga dating pulubi.

"Ayos naman po kami ate ysa!" Sigaw nila sabay ngiti.

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now