Beyond: STA [9]

5.9K 82 0
                                    

Friday na at maaga akong nagising. Hindi sa excited akong makita siya. Pero parang ayokong magpakita sa kanya. Ba ka pag nakita ko ulit siya, hindi ko na mapigilan pa ang sarili kong pakinggan siya. Papasok ba ako? Papagalitan ako ni mom pag nagkataong hindi ako pumasok.



Bahala na si Batman.



Ayan na lang ang nasabi ko. 7:18 na at nakaligo na ako at nakapag ayos. Nakakaen na rin ako.

"Ano ba ang mangyayari ngayong araw?" Napahiga ako sa kama ko at napatingin sa kisame.



Hindi ko alam ang dapat gawin. Tama bang hayaan ko lang tong nararamdaman ko para sa kanya? Pero mali to.

Bumaba na ako at hinanap si mom.



"Manang, nasan si mom?"

"Ay kakaalis lang ineng." Naiwan na naman ako. Ang aga aga naman umalis ni mom.

"Ay ganun ba. Sige po. Alis na din po ako."

"Sige. Ingat ineng."



Kinuha ko na ang bag ko at lumabas ng bahay.



"Manong, alis na po tayo."

"Abay, himala ata at ang aga mo ineng." Nginitian ko na lang si manong at sumakay na sa sasakyan.



Para akong lantang gulay ngayon. Feeling ko pagod na pagod ako.



-------



|At the School...|



Naglalakad na ako papuntang classroom.

Teka. Anong oras na ba?


7:48 pa lang pala. Napakaaga ko talaga. Naisipan kong dumiretso muna sa rooftop para makapagrelax naman ako kahit kaunti lamang. Wala naman siguro yung taong iniiwasan ko dun eh. Masiyado pang maaga para sa klase namin. Siya kasi ang 1st class ko ngayon.

Buti na lang at wala ngang tao dito.

Humiga ako at napapikit. Iidlip muna siguro ako. Matagal pa naman ang klase.



--------



[Erwan's Point Of View]



8:00 na ata naglalakad na ako papunta sa classroom ko. Siguro late na naman siya, as always naman. Sana maging maayos ang araw na to para min.

Binuksan ko ang pinto.



"Good morning, Sir." Masasayang bati sa kin ng mga estudyante ko. Tama nga ako, wala pa siya dito.

"Good morning, class." Bati ko habang nakangiti sa kanila.



Sinimulan ko ng magdiscuss at natapos na ang isang oras ng wala pa rin siya. Ano na kayang nangyaring sa kanya?



"Okay, class break muna tayo. Come back after 20 minutes." Agad agad namang lumabas ang ilang estudyante. Kinapa ko agad ang telepono ko at tinext siya.



'Where are you? Bakit hindi ka pumasok? Okay ka lang ba? Please reply. I'm worried.'



Ilang minuto na ang nakalilipas at hindi pa rin siya sumasagot sa text ko kaya tinawagan ko na siya. But wala pa ring sumasagot.

Lumabas ako ng room at nag-aalalang hinanap siya. Ano na kayang nangyari sa kanya?




Pumunta ako ng canteen, garden at gym. Pero wala pa rin siya. Bigla namang pumasok sa isip ko na ba ka nasa rooftop siya. Agad agad naman akong tumakbo paakyat ng rooftop at hindi ako nagkamali. Nandito nga siya.

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Kde žijí příběhy. Začni objevovat