Beyond: STA [37]

2.4K 38 2
                                    

Fridaaaaay...

Sobrang nakakapagod ang buong week ko na to. Sumakit ang buong katawan ko kakapraktis para sa talent portion ko na sana nabiyayaan na lang ako ng boses para di ako napapagod ng ganto, sumakit ang paa ko dahil sa nagtataasang heels na pinapasuot sa kin tuwing tinuturuan akong lumakad ng ayos sa stage na gandahan ko daw ang pagrampa ko. Kembot dito kembot dun, pain dito pain dun.

Haay!

"Oh my ghaaaaad girl! Kaface mo mga walking dead na nawawatch ko sa tv. Scaaaary!"

"Ikaw ba naman di makatulog sa sakit ng katawan."

"Friend, buhay ka pa ba? Kelan burol natin?" - kendra.

"Ikaw kendra gusto mo pang mabuhay?"

"Keme lang friend. Ikaw naman di ka na mabiro. Ganda mo kaya ngayon pang world class."

"Wit girl. World class ang dating oh pang Bb. Pilipinas! Pak na pak! Awraaaa!" Sabay pose ng mukha niya.

"Ewan ko sa inyong dalawa. Sumasakit lalo ulo ko sa inyo e." Di ko na sila kinibo at dumukdok sa desk ko. Inaantok kasi talaga ako.

Hanggang sa.....

Zzzzzzzzz....

----------

[Author's Point Of View]


Yes! May Point Of View na rin ako sa wakas. Naloka ako dun ah. Hahaha!

Ehem.. ehem...

Habang natutulog si Ysa ay sabay naman na dumating sina Erwan at Angel.

"Hoy bakla gisingin mo na nga yang si Ysa. Nandyan na si Sir." Kalabit ni Kendra kay Roman.

"Naku! Wag na girl, kita mong pagod na pagod ang pambato natin sa Bb. Pilipinas. She needs beauty rest not like me di ko na need nun because I'm confidently beautiful with my fefaaaace!"

"Fine. May point ka. Buti nagkaideya ka din paminsan minsan no." Napairap naman si Roman kay Kendra.

"Good morning class!" Bati ni Erwan sa kanila.

"Good morning Sir!" Sagot ng lahat.

Matapos ang dalawang oras...

"Okay class take your break."

"Hoy gisingin mo na yan." Utos ni Kendra.

"Wag na nga chi. Bilhan na lang natin siya ng foods. Para di mahagard ang lola mo."

Tumayo naman ang lahat at lumabas. Naiwan sa silid sina Ysa at Erwan.

Lumapit si Erwan sa dalaga at umupo sa tabi nito. Hinawi niya ang mga hiblang nakaharang sa mukha ng dalaga at nilagay ito sa likod ng tenga ng dalaga. Hinalikan niya sa pisngi ang dalaga kaya nagising naman ito sa pagkakatulog.

"Uhmm..." kinusot-kusot naman ng dalaga ang mga mata niya at bumangon sa pagkakadukdok sa lamesa. "Erwan? Bakit ka nandito?" Naguguluhang tanong ng dalaga.

"Because I'm teaching." Ngiting sagot ng binata sa dalaga. "And your sleeping while I'm doing it."

"Halaa! Oo nga no. Sorry! Sorry!" Magkadikit na palad na sabi ng dalaga.

"Okay lang alam ko namang pagod ka." Inabot naman ng binata sa dalaga ang tinapay na hawak niya. "Eat this."

"Thanks."

"I love you." Namula naman ang dalaga sa sinabi ng binata.

O__O ------> Ysa

^__^ ------> Erwan

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now