Beyond: STA [12]

5.1K 90 2
                                    

Sina Sam at Sara yung nasa picture. :)

---------




[Erwan's Point Of View]





Tila nanigas ako dito sa pagkakaupo sa kotse nang magvibrate ang phone ko.



'Uy, uwi ka na. Salamat ulit. Take care.'

Bigla naman akong natauhan dahil doon. Sinilip ko naman kung nakapasok na siya ng bahay, nang hindi ko na siya maaninag, nagsimula na akong magdrive pauwi ng bahay.

Akalain mo yun, same village lang pala kami nakatira. Sobrang swerte ko naman. Anytime, pwede ko siyang silipin kung ayos lang ba siya.

Sa totoo lang kahit hindi natuloy ang lunch naming dalawa, masaya pa rin ako, sa dami ba naman ng nangyari ngayong araw, di pa ba ako magiging masaya doon.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na rin ako sa bahay.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad agad sa kin ang dalawang cute na anghel.




"Big broooooooooo!"

"Kuyaaaaaaaaaaa!"




Tumakbo naman sila habang nakaopen arms sa direksyon ko at agad akong lumuhod para mayakap sila.




"How's my two babies?" Sabay halik sa mga pisngi nila.

"We're fine. But sara always crying because of the thunder." - sam, they are 4 yrs old turning 5 this year.






Napalingon naman ako kay sara na may luha pa sa mga mata.




"Baby, you said your a big girl na. That's only a thunder it won't bite you." Sabay kiss ko sa pisngi. "Hm, wait my dear babies I'll just change." Buti na lang hindi na ako gaanong basa at hindi sila nabasa sa kin.




Tumayo naman ako at kumapit sa kamay ko yung dalawa si sara nasa kanan at si sam naman sa kaliwa.




"Did mom calls?" Tanong ko sa kanila habang naglalakad kami paakyat sa kwarto ko, kwarto pala namin. Dito kasi sila natutulog sa kwarto ko gawa ng kami lang tatlo at si manang ang magkakasama dito sa bahay.

"Nope." Sagot ni sam.

"Wait me here babies I'll just shower."

"Be quick kuya." Inupo ko naman sila sa kama.

"Okay, big bro take care of your little sis ha."





Nagnod naman si sam. Pumunta na ako dito sa bathroom sa kwarto ko.

Ako na ang umagapay sa kanilang dalawa simula baby pa lang sila. Kailangan kasi ni mom na pumunta ng Hawaii para sa company namin doon.




Nung bakasyon siya yung nandito para sa kanilang dalawa habang ako ay nagpapatakbo ng kompanya kaya rin nasa Hawaii ako ng mga panahon na yon at dun ko nakilala si Ysabelle.

After 5 minutes natapos din ako. Nasanay na akong maligo ng mabilis dahil laging may nag iintay sa kin na dalawang anghel at makukulit.





"Ahhhhh! Pfthahahahaa, kuya stop it pfthahahah."




Naabutan ko naman na nagkikilitian ang dalawa at nakahiga na si Sara kakatawa.

Humiga ako sa tabi nila at lumipat si sam sa tabi ko kaya nasa gitna na nila ako. Nakatingin lang kami sa kisame habang yakap ko sila.





BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now