Beyond: STA [39]

2.5K 64 6
                                    


"OMG!! I'm so excited na para bukaaaaas!!! Ahhh! Kalokaaaa!" Nagtitili naman si Roman dito dahil sa sobrang atat na atat para bukas.

"Friend, nakapag impake ka na ba for tomorrow?"

"Di pa nga eh. Ewan ko ba parang tinatamad akong pumunta."

"Ngek. Hindi pwede yan friend. Sa ayaw at sa gusto mo sasama ka. Bonding time na natin to no. Pleeeeease!" Sabay dikit palad niya.

"Oo na sige na. Mag iimpake na ko mamaya pag uwi ko."

Bukas nga pala ang Career Summit ng course namin. 2 nights and 3 days din yun dapat nga 1 week pero si Dad di pumayag dahil mamimiss niya daw ako. Kahit kelan talaga si Dad masiyado akong binibaby.

At isang linggo na din ng natapos ang Intrams namin. At hulaan niyo kung sino ang nananalong Mr. And Ms. Intrams? Tentenenen!! AKO lang naman. Yes! Ako ang nanalo. Maganda kasi ang naging sagot ko sa Q and A at nakuha ko din ang Best in Talent dahil daw damang dama ng mga judges ang sinseridad namin habang nagsasayaw parang mahal na mahal daw kuno namin ang isa't isa. Suss. Eh hindi ko nga kilala kung sino ba yun eh. Tsaka I don't care who he is. Wala akong panahon para makipaghide and seek sa kanya. At ang nanalong Mr. Intrams naman ay galing sa BS Criminology na si King Kyle Solomon.

Isang linggo na ding hindi nagpaparamdam si Erwan sa kin at isang linggo ko na din siyang hindi nakikita dito sa school. Ibang professor nga ang nagtuturo sa min sa subject na tinuturo niya dati, or should I say a boring Professor. Nakakatamad siya magturo dahil siguro sa katandaan na din. Hindi din naman siya nagreresponse sa mga messages ko pag tinatawagan ko naman out of coverage area or unattended. Ano na bang nangyayare sa kanya. Tsk.

------------

|Kinabukasan...|

"Ingat ka dun sweetie ha. Text me if there's something problem." Pagpapaalam ni Mom sa kin. Di kasi siya kasama sa Tour. Dahil madaling mapagod si Mom.

"Princess, are you sure you want to go? You can back out pa naman." Alalang tanong ni Dad.

"Don't worry Mom and Dad. I can handle myself." At humalik na sa kanila at yumakap.

"I'll call you always princess. Always response to my message so I will not be worried sick."

"Yea. Yea. Dad. I gotta go then."

"Bye sweetie. I love you!"

"Take care princess. I love you!" Sabay kaway nilang dalawa sa kin habang paakyat ako ng bus. Sila na kasi ang naghatid sa kin dito para daw pag nagback out ako ay mapayagan pa ko.

It's 5:25 in the morning and 5:30 ang call time. Umupo na ko sa seat ko na tabi ng bintana. Pang 5th row yung seat namin ni Kendra.

"Ahhhhh! Ang daya niyong dalawa. Bakit ako di belong sa tabi niyo. Your so ughhhhh unfaiiiiiiir! Di ko na kayo bati." Sabay talikod niya sa min ni Kendra. Ang arte talaga nitong si Roman eh nasa hilera din naman namin siya ni Kendra nasa aisle kasi siya nakaupo.

"Manahimik ka dyan bakla inaantok ako." Sabay suot ni Kendra ng hoodie niya at suksok ng earphones.

"Good morning guys!" Malawak na ngiti ni Angel sa min.

"What the hell?! Don't tell me dito ka nakaupo?!" Mataray na banggit ni Roman sa kanya.

"Probably yes."

"Ugh! I'm so very malas today." Sabay irap ni Roman.

"Sh*t! Yung phone ko!" Agad agad naman akong tumayo.

"Girl san ka gogora?" Tinatamad na tanong ni Roman.

"Naiwan ko phone ko sa sasakyan. Kunin ko lang." Tumango na lang siya at tumakbo na ko palabas.

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now