Beyond: STA [47]

2.5K 41 1
                                    

|Tuesday...|

Late na kong nakapasok dahil nalate ako ng gising kanina. Pinuyat kasi ako ng hubby ko, ayan tuloy nalate ng gising. Hoy mga utak niyo ha. Pinuyat ako ni hubby dahil di siya mawala sa utak ko. Kilig na kilig pa rin kasi ako hanggang sa pag uwi hanggang ngayon nga parang nakikiliti pa rin ako sa kilig kahit na medyo naguluhan ako sa mga huling sinabi niya kagabi sa kin. Binalewala ko na lang yun kasi mas umaapaw ang kilig moments namin kahapon kaya yun lang buong magdamag ang inisip ko. Nahulog panga ako sa kama ko kagabi dahil kakagulong at kakakagat sa unan ko at kakasipa. Eh sa kinikilig ang mga bituka ko sa tiyan eh. Pigil na pigil pa ang pagtili ko kagabi dahil ba ka marinig ako nila Mom.

Speaking of Mom and my family. Di na sila nagtanong pag uwi ko kagabi. Hinanap nga daw ako nila kanina sa school kasi isasabay ako pauwi at tinatawagan naman nila ako pero hindi daw ako sumasagot yun yung panahon na lobat ang phone ko kaya tinawagan daw nila yung dalawa. Ang sabi naman daw ni Kendra na nakausap nila ay magdidinner at maggagala gala daw kami kaya hindi pa ako makakauwi. Galing talaga nung dalawang yun kaya dahil dun treat ko sila ng lunch mamaya. Matic na nila yun eh. Hahaa!

"Oy girl. Yung lunch ha. Don't forget it."

"Naku friend ihanda mo na yang wallet mo. Alam mo naman ako pagdating sa libre lalo na pag sa pagkaen. Unli lahat dapat sa kin." Sabay tawanan namin. Nandito na nga pala kami sa classroom at wala si hubby. Hindi na siya ang magtuturo sa min sa Physics subject na to dahil bumalik na si Mr. Tigue. Kaya Monday at Friday ko na lang siyang makikita. Huhubels. Nakakalungkot naman.

"Yea. I know..." naalala ko naman yung mga rides na sinakyan namin. Naku ang saya saya talaga dun.

"Friend.." lalo na dun sa may anchor's away ba talaga dun. Basta yung bangkang malaki. Ang saya dun eh. Tapos kinakaway pa namin sa ere ang kamay namin. Tapos sigaw pa kami ng sigaw. "Uy friend.." muntik na nga kong masuka dun. Hahaha.

"Aray!" Hinimas ko naman ang braso kong kinurot ni Kendra.

"Ano? Gising ka na friend? Para kang timang dyan bigla bigla kang ngumingiti."

"Ay naku girl. May baliw na ata tayong friend ditey. I-check in na kaya natin itey sa mental hospital." Check in? Ano to? Hotel?

"Eh sa masaya ako eh." Sagot ko sa dalawa.

"Talaga ba."

"Ay naku! Ewan ko sa inyong dalawa." May naisip naman akong bigla. "Ay nga pala friend. I have good news sa yo." Ngiti ngiti kong sabi kay Kendra.

"Siguraduhin mong good news nga yan."

"About to kay Mister KK!" Tinusok ko naman siya sa tagiliran at nung marinig ang salitang Mister KK aba! Halos lumuwa ang mga eyeballs niya at pinaghahampas ako sa braso.

"Ahhhhh! Punyeta! Kinikilig ako. Ano yan?! Ibuka mo na friend!!" Gigil na gigil niyang tili. Pero yung tili na mahina lang kasi remember nasa klase kami at nagdadaldalan lang kami dito sa likod. Pero ayos lang bingi naman yang si Mr. Tigue. Hahaha!

"Hoy! Hoy! Kayong dalawa ha. Anes yan?! Ichika niyo na yan sa kin. Bakit di ko yan knows ha?!" Anggal ni baklito. Lumipat naman siya ng upuan at umupo sa tabi ko so ako na ang nasa gitna nila ngayon.

"Alam mo ba tong si friend natin. Kumikerengkeng na yan." Sabay turo ko kay Kendra.

"Whaat?" Gulat na tanong ni baklito. First time kasi na kumirengkeng tong si Kendra kaya ganto siya kagulat. Pati nga ko nung una gulat na gulat eh. With hawak dibdib pa tong si baklito. Eksaherada!

"Nakuha ko na ang number niya friend. Just for you!" At inalog alog ko pa siya. Kilig na kilig naman kaming tatlo kahit na wala talagang nakakakilig sa mga nangyayari.

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now