Beyond: STA [48]

2.4K 38 0
                                    

Sabado.....

Linggo.....

Lunes.....

Miyerkules....

Huwebes...

Ang nakalipas pero wala pa ring Erwan ang nagpapaliwanag...

Hanggang sa dumating ang Biyernes at napagpasyahan kong kausapin na siya ng harapan pagtapos ng klase namin. Dahil naguguluhan na ko sa mga kinikilos niya sobra sobra na parang hindi na niya na ako mahal pa. Ni wala nga siyang text at tawag sa kin kahit na oras oras ko naman siyang tinatawagan. Minsan out of coverage area minsan naman nagriring minsan nakapatay. Ano ba talaga ang nangyayari sa mundo? Sa mundo ko.

"Friend, okay ka lang ba?" Araw araw nila akong tinatanong kung okay lang ba ko hindi ko sila masisisi dahil mukhang zombie ako na dinoble dead pa dahil sa kawalan ng tulog at kaen. Nawalan kasi ako ng gana kumaen kakaisip sa mga nangyayari hindi din ako nakakatulog ng maayos kakatingin sa telepono ko kung may mensahe bang nagmula sa kanya. Kaso wala kaya mapupuyat akong kakaintay sa kaniya. "uy... Ysa.." pagtapik niya sa balikat ko.

Tumango naman ako at tipid na ngumiti sa kaniya. Simula nun naging tahimik na ko at tulala pati sila Mom nag aalala na rin sa mga nangyayare sa kin.

"Get 1 whole sheet of paper for your surprise quiz." Nagising naman ako sa katinuan ng pumasok siya ng walang karea'reaksyon sa kanyang mukha.

"Girl oh." Abot sa kin ng papel ni Roman. Tinanggap ko naman.

Nagsimula na ang surprise quiz namin ng wala akong naririnig sa buong paligid ko, nakatulala lang ako sa harapan ko... nakatingin sa kanya. Hindi ko nga alam kung nasulat ko ba ang pangalan ko sa papel na binigay sa kin dahil wala akong lakas na gumalaw pa at magsalita dahil ang tanging gusto ko lamang ay titigan siya hangga't sa makita kong kahit isang segundo lamang ay titigan niya ko. Hanggang sa may naramdaman akong mainit na bagay na yumakap sa kin mula sa aking gilid kaya napalingon naman ako sa kanya.

"Fri-friend. Ano ba? Ano bang nangyayari sa yo?" Kitang kita ko ang mukha niyang sobrang nag aalala para sa kin at nilapat niya naman ang kanyang puting panyo sa mukha ko hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. "Bakla, ikaw na ang bahala dito." Banggit niya kay Roman na sinusulatan ang papel ko ng mga sagot at ng pangalan ko. Nagtaas naman ng kamay si Kendra at nagsalita. "Sir!! May we go to the c.r?"

Hindi na ko tumingin pa sa direksyon kung nasan siya dahil hindi ko kakayanin kung ano man ang magiging reaksyon niya.

Inalalayan naman ako ni Kendra palabas buti na lang at saktong tapos na ang quiz namin.

"Friend, ano bang nangyayari sa yo?" Tanong niya sa kin ng makalabas kami ng silid.

Walang emosyon ko siyang tinignan.

"Friend naman. Nag aalala kaya kami sa yo." Sabay hawak niya sa mga balikat ko. "May problema ba? Pwede mong sabihin sa kin yan ba ka may maitulong pa ko. Ysabelle, tell me.... dahil ba ito sa kanya?" Tila nanlaki naman ang mga mata ko sa gulat pero hindi yung gaanong kagulat. "Am I right? Dahil to kay Sir Williams?" This time nagulat na talaga ako sa sinabi niya. Pano niya nalaman. Hinila niya naman ako at niyakap at hindi ko alam kung pano ko naging ganto kahina dahil humagulgol na ko ng iyak ngayon habang hinihimas himas niya ang likod ko. "Sssshhhh... okay lang yan friend. Nandito lang ako."

------------

[Erwan's Point Of View]

"Okay class dismiss." Agad agad ko namang inayos ang mga gamit ko para mahabol siya.

Nasa tapat na ko ng pinto ng may marinig akong nagsasalita mula sa labas.

"Am I right? Dahil to kay Sir Williams?" Nagulat naman ako dahil boses yun ng kaibigan niya. Alam nila ang relasyon namin? "Sssshhhh.... okay lang yan friend. Nandito lang ako." Narinig ko naman na umiiyak siya tila nanikip ang dibdib ko sa pag iyak na naririnig ko mula sa kanya.

"Sir?" Napalingon naman ako sa mga estudyante kong nakatingin na pala sa kin.

Nang makarinig ako ng mga yapak mula sa labas ay umalis na rin ako.

"I can't take this anymore." Napasabunot na lang ako at pumunta sa faculty.

Nahihirapan na ko sa mga nangyayari to.... sa mga nangyayari sa min. Kelan ba titigil ang nanggugulo sa min. Hindi ako nilubayan ng taong patuloy na sumisira ng relasyon namin. Araw araw niya kong pinapadalhan ng mga litrato ni Ysa kaya't alam kong may nagmamanman sa bawat galaw ng babaeng pinakamamahal ko. Kung ano man ang gawin kong paglapit sa kanya ay natatakot akong mawala siya bigla ng dahil sa paglapit ko kaya't mas minabuti kong lumayo na lang sa kanya.

Nang mailapag ko na ang mga gamit ko sa lamesa ko ay lumabas muli ako para hanapin siya.

--------------

[Ysabelle's Point Of View]

Nakwento ko na lahat ng nagpapagulo sa kin kay Kendra at nalaman ko rin na matagal na pala nilang alam ni Roman ang relasyon namin ni Erwan. Dahil minsan daw na sinundan nila ako sa rooftop at nakita nila kaming dalawa dun ni Erwan. Wala namang malisya para sa kanila ni Roman ang mga nangyayari pero nagagalit siya ngayon dahil sa ginawang to ni Erwan sa kin.

"Nakuuu! Naku! Matitiris ko talaga yang si Sir! Bakit niya ba ginagawa yun ng walang dahilan. Ang tanga tang--- ay" hindi niya naman pinagpatuloy ang sasabihin niya dahil sinamaan ko siya ng titig. "Ay sorry friend. Nakakainis lang talaga." Nandito nga pala kami sa ilalim ng mga puno sa field dahil tahimik dito hindi na nga kami nakapasok sa next class namin. "Ay friend. Intayin mo ko dito ha. Bibili lang ako ng pagkaen natin para mas masarap ang kwentuhan natin ay este para mawala ang galit ko sa Sir na yan."

"Sama ko."

"No no no! Friend! Just wait me here. Tignan mo yang itsura mo oh. Para kang zombie. Dito ka lang halatang pagod na pagod ka na kasi. No buts. Intayin mo lang ako dito. Treat ko na." At tumayo na siya at nagsimulang maglakad.

Hinayaan ko na lang siya dahil ba ka makasalubong ko din si Mom at malaman na nagditch ako at makita pa ang namamaga kong mga mata. Pigang piga na siguro ang mata ko naubusan na ng tubig. Humiga naman ako sa mga damuhan. Iidlip muna siguro ako.

Pinikit ko na ang mga mata ko ng may maramdaman akong taong umupo sa gilid ko.

"Ang bilis mo naman friend." Banggit ko habang nakapikit pa rin mamaya na siguro ako kakaen at iidlip muna.




















"Wifey....."

-------------------

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now