Beyond: STA [43]

2.3K 51 0
                                    

Hindi talaga ako makatulog. Napagpasyahan kong lumabas muna dahil huminto na din naman ang ulan kanina. Nagjacket ako dahil sobrang lamig talaga. Naglakad ako papuntang likod dahil may duyan akong nakita dun nung naglibot kami dito.

"Aw! Basa." Dapat pala nagdala ako ng panyo para pangpunas dito. Basa kasi yung duyan.

"Here." Sabay abot sa kin ng panyo. Nilingon ko naman siya sa gilid ko. At gumalaw siya para punasan ang upuan ng duyan.

"Thank you." At umupo naman ako. Tumabi naman siya sa kin dahil malaki naman tong duyan na to. "Akin na yung panyo mo. Lalabhan ko na lang yan."

"Wag na." Diretsong tingin niya sa kawalan.

"Pero." Kinuha ko naman ang panyo sa kamay niya at hinila niya naman yun.

"Wag na sabi." Hinila ko naman ang panyo at mapatingin sa kamay niya na hawak din ang panyo.

"Teka.." napahinto naman ako sa paghila dahil napansin ko ang panyo na hawak niya. "Parang nakita ko na yang panyo na yan."

"Ha?" Di ko naman siya pinansin at nagpatuloy sa pag iisip. San ko nga ba nakita tong panyong to. Uhm...

"Bahala na nga." At binitawan ko na ang panyo. Nalimutan ko na kasi kung san ko nakita ko yun. Kaya pinabayaan ko na lang. Ayoko mag isip no.

"Bakit nandito ka?" Tanong niya at hinawakan ang kamay ko. "Ang lamig ng kamay mo." Malamig kasi kaya siguro malamig ang kamay ko.

"Ah ano. Hindi kasi ako makatulog." Sagot ko.

"I love you." Banggit niya at kumalas sa pagkakahawak sa kin at niyakap ako patagilid at hinalikan ako sa noo.

"I love you more." At napangiti naman ako. Umayos naman siya ng upo pero nakahawak pa din ang kaliwa niyang kamay sa kaliwa kong braso na parang nakaakbay.

Ang gwapo talaga ng boyfriend ko na to.

"Kung ice cream ako, kanina pa ko natunaw." At ngumisi naman siya. Ang CUTEEEE! Di ko napigilan ang sarili ko at nahalikan ko siya sa pisngi. At napatigil naman siya dahil dun at kitang kita ko ang tenga niyang namumula.

"Ang cute naman ng boyfriend ko lalo na pag nagbla-blush." At ngumisi ako.

"Nah! I know that. Don't mention it." Para naman siyang nahihiya dahil sa ginawa ko.

Scrrrrkkkkk...

Napalingon naman kami sa paligid namin dahil may parang kung anong tumunog. Tumayo naman si Erwan at tinignan ang paligid.

"Ano yun?" Tanong ko ng nasa harapan ko na siya.

"Nothing. Maybe it's just a rat." At tumayo na ko. "Maybe we should go." At niyakap niya naman ako. "Good night." At inamoy amoy pa ang leeg ko. Mahilig talaga to sa pagbaon ng mukha niya sa leeg ko.

"Good night din."

Kumalas naman siya at hinalikan ako sa labi. Isang mabilis na halik.

"I love you Ysa."

"I love you Erwan." At nauna na kong maglakad.

Dumiretso ako sa kwarto namin at tulog pa rin sila samantalang nawawala naman si Angel. Siguro nagutom lang ang isang yun.

Hihiga na sana ako sa kama ko ng bumukas ang pinto at pumasok si Angel at masamang nakatingin sa kin.

"San ka galing?" Tanong ko sa kanya.

"Outside." Tipid niyang sagot. Alam ko naman na galing siyang labas eh ang pinupunto ko ano ang ginawa niya. Tsk.

"Ah okay."

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now