Beyond: STA [30]

3.1K 50 1
                                    

Okay Exams na!! Tenenentenen!!

From Mon Vie:
Goodluck my girl. Pray before you take your exams. I love you Ysabelle.

Naku! Ba ka malimutan ko ang isasagot ko niyan dahil sa kilig. Landee!

To Mon Vie:
Thanks mon vie. I love you too Erwan. Yung prize ko ha. Haha!

Pumasok na ko sa room at nagtake ng exam sa Language and Communication. Syempre nagpray muna ako no.

"God please help me! I love youuuuu!" Banggit ko pagkaupo ko.

"Bakla, pakopya ah." - roman.

"Sapak you want?" - ako. Haha.

Napairap na lang siya.

Okay, sagot sagot na ang peg ko.

"Okay pass your paper class." Ang bilis naman. Iba nga pala ang prof na nagbabantay kapag exams dito sa school. Yung prof na hindi ka hawak, hirap tuloy mangopya. Haha! Chareng!

"Tsk. Kaimbyerna naman ng proctor natin. Ang junget palibhasa majunda na!" Bulong ni roman sa min ni Kendra. Masungit nga naman ang proctor namin, meno pause siguro. Haha. Keme!

Lumabas naman kami at lumipat ng room kung saan mag eexam kami ng iba pa naming mga subjects. Bawat subjects kasi iba't iba din ng room na pagkukuhanan ng exams. Sobrang strict! Si mom kasi eh. Kaya nga nagreview ako eh. Kasi mahirap ang rules ni mom kapag exams dito sa school. Kaya ganyan kahigpit. Tsaka bawat room 8 students lang ang pwedeng mag exam yung iba nasa ibang room, tsaka yung kasama mong students sa room iba ng section at course. Kaya wala ka talagang makokopyahan. Pero syempre hiniling ko kay mom na kaming tatlo ang magkakasama sa mga room. Kami nila roman at kendra. Haha. Buti nga at pumayag si mom eh. Pahirapan pang kumbinsihin yun kasi ba ka daw mangopya lang ako. As if naman di ba guys. Di ako ganun, di ba? Di ba?

"Friend, vacant na natin. Canteen muna tayo. Tomjones na kes eh." Sabay hawak ni kendra sa tiyan niya. Haha.

"Tara! Tomjones na rin kes eh." - ako.

"Mes to. Jutoms na ang fes ko!" - roman. Anyare? Nahilig sa J mga words niyan. Naku!

Naglakad na kami papunta sa canteen. Dumaan muna kami dito sa gilid ng shelves ng mga pagkaen para makapagpapalit ng token. Yeah! Kailangan token ang ibabayad mo sa mga tinda dito sa canteen. Dami kaek-ekan ni mom no. Pero ako nagsuggest niyan dati. Pero hassle pala. Tsk. Haha.

"Mga bakla! Review tayis sa Physics ah. Mukhang majirap eh."

"Ge." - kendra.

Matapos naming makabili ay pumunta na kami sa table namin.

"Okay! Away away muna tayo!" Banggit ko sabay kaen ng kanin. Kanin at nilaga ang inorder ko. Gutom lang eh. Pag sobrang gutom ako. Kanin talaga ang kinakaen ko. Kahit makalima ako bawat araw. Haha.

"Mukhang tomjones na tomjones ka friend ah." - kendra.

"Oo nga bakla! Penge nga!" Inirapan ko naman siya. Lakas lang mang asar eh.

Matapos naming kumaen ay nagpunta kami ng library para magreview. At matapos nun dumiretso na din kami sa room para mag exam ng Physics.

"Syet..." banggit ko. Ang hirap nga ng exam niya. Iniisip ko pa rin ang formula na nalimutan ko.

Nasa kanan ko naman si kendra na minamani lang ang Physics. Sige. Siya na! Haha. Pano ba to? Nasa pangatlong row nga pala kaming tatlo. Sa kaliwa ko si roman.

"Pst..." banggit ko ng sobrang hina para marinig ni kendra. Pero di ako marinig. Makatingin naman kasi tong proctor namin. Akala mo lalamunin ka.

I have an idea!!

Binato ko naman ang ballpen ko sa ilalim ni kendra para kunwaring nahulog iyon. Tumayo ako at umupo para makuha ang ballpen ko.

"Pst... ken.... ano yung formula sa number 47.." syempre hindi ako nagpahalata.

"Chuchuchcuchu." Sabi niya.

"Okay salamat." Tumayo na ko at umupo sa upuan ko.

Nasagutan ko din. Matapos namin sa physics ay lumabas na kami.

"Wag daw magcheat pero siya makatanong kay girl. Kaloka ka bakla!" - roman.

"Hoy! Fyi, formula lang ang tinanong ko." Pagtatanggol ko sa sarili ko.

"Sagot na din yun bakla!" - roman.

"Manahimik na nga kayong dalawa." - kendra. Siya lang talaga ang pinakamatino sa ming tatlo. Magulo kasi tong si baklito.

-------

|Bahay...|

Halfday nga lang pala ang exams namin. At 3 days lang.

"Manang, wala pa po sila kuya?" Tanong ko. Ang tahimik kasi ng bahay.

"Ay kakaalis lang ineng. Pang hapon daw kasi ang exams nila."

"Ah ganun po ba. Sige po. Yung kambal po, nasaan?"

"Nasa kwarto, kakapaligo ko lang sa kanila."

"Igagala ko muna sila manang ah. Dyan lang sa park."

"Sige. Samahan na kita."

"Ay wag na po manang. Kaya ko naman po. Mababait naman po yung dalawa. Pagluto niyo na lang sila mom kasi ba ka mayamaya nandito na sila."

"Oh sige iha. Basta mag iingat kayo ha. Tumawag ka kapag may kailangan ka."

"Sige po. Magbibihis muna ako."

Matapos kong magbihis. Lumabas na kaming tatlo. Hawak hawak ko si Cj sa kanan ko at si Jc sa kaliwang kamay ko.

"Ate, san tayo pupunta?" Marunong silang magtagalog guys. Wag magpanic.

"At the park baby. Gusto niyo di bang magslide dun at magswing." Hiniling kasi nila dati sa kin yun na sana makapaglaro sila sa park.

Naglakad na kami papunta sa park ng may nakita akong maliliit na bata.

"Ateeeeeee!" Sabay takbo sa kin ni sara.

"Sino po siya ate?" Tanong ni Cj.

Yumakap naman sa hita ko si sara. Yumuko ako at pinagharap sila tatlo.

"Cj and Jc this is sara..... sara this is cj and jc my siblings." Tinuro ko naman sila.

"Your adorable. Your twins too? I have a twin brother." Hinawakan naman ni sara sina cj at jc at hinihila ito.

"Ate can we go?" Sabay tingala ni Jc sa kin.

"Okay. Basta mag iingat ah." Nagnod naman sila at binitawan ko na at ayun nagtatakbo. Naglakad naman ako kasunod nila. Mukhang pinapakilala na ni sara sina cj at jc kay sam. As usual na reaction ni sam.

"Sara, don't talk to strangers!"

"Big bro, they're not strangers. They are ate ysa's siblings." Pagtatanggol niya habang hawak hawak pa din sila jc at cj.

"Okay." Nagsmile naman siya.

"Hey sara and sam. Who's with you?" Tanong ko. Bakit sila naggagala ng walang kasamang matanda. Mahirap na kahit subdivision pa tong place namin.

"Kuya. There he is oh!" Sabay turo niya sa lalaking nakawhite na tshirt at itim na shorts na tokong. Basta ewan. Nakatalikod naman iyon kaya hindi siya nakikita.

Lumapit naman si sam kay kuya niya at may sinabi. At napalingon sa min sabay kaway niya at smile.

Papalapit naman siya na may hawak na 4 ice cream cone at may dalawang hawak naman si sam.

"Sara here." Sabay abot niya kay sara.

"Hey little babies. Ice cream?" Sabay abot niya. Tinaggap naman yun nila jc at cj.

At lumapit siya sa kin.

"For you." Sabay smile niya. Napasmile naman ako sa kanya at kinuha ang ice cream.

----------

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now