Beyond: STA [7]

6.9K 121 2
                                    

"Okay, class. Pass your paper." Dahil ako ang naunang matapos. Tumayo na agad ako at papalapit sa kanya.

"Bakla, sama mo na to."


"Ganern? Osya! Pasalamat kayo, masaya ako." Inabot ko naman ang mga papel nila.



Naglakad na ako palapit sa kanya at binigay sa kanya ang mga papel with wide smile. Nginitian niya naman ako pabalik.

"Sir oh."

"Okay, thank you." Sabay ngiti niya.


"Hindi ka naman mahilig ngumiti niyan." Sabi ko pero syempre kami lang ang nakakarinig niyan. Tumalikod na ako at pumunta sa upuan ko.

"Okay, class. Break muna tayo." What the?! Hindi panga tayo brinibreak mo ko agad? Ysa! Ilusyunada ka na ha. Uweeeee!

"After 20 minutes balik kayo agad." Lumabas naman sila para bumili. May ilan ding natira dito sa room. Syempre ako hindi ako aalis dito. Hahaha.

"Bakla, tara lafang tayo." - roman.



"Oo nga friend. Tomguts na ko eh. Ba ka makain ko pa tong si Romana, malason pa ko." - kendra.

"Kapal mo bakla ha." - roman.

"Sige. Busog pa ko." Busog ako sa mga ngiti ni sir. Ahhhhh! Syet!



"Aba! Iba ka na ah. Pagbreak time makikipag unahan ka pang lumabas tapos ngayon busog na. Friend ano na yan? Machuchugi ka na ba? Sabihin mo lang para handa kami." - kendra

"Patay agad agad bakla? Di ba pwedeng 50 50 muna? Osya! Lafang lang kami." Tumango lang ako sa kanilang dalawa.



"Oh, ayaw niyong kumaen?" Tanong sa min ni sir.

"Busog na kami sa yo, sir." - Molly. Pinakamaarti yan dito. Bitch kumbaga.


Napangiti naman si sir. Tsk. Ayan ang sinasabi ko eh. Chickboy.

"Tss." Napairap naman ako.

Sinipa ko ang upuan sa harap ko at tumayo palabas. Ewan ko ba. Gusto ko sa kin lang siya ngumingiti. Masama bang ipagdamot siya? Naglakad ako papunta sa likod ng building namin at pumunta nang rooftop. Dito ang lagi kong tambayan lalo na kapag tinatamad akong pumasok. Humiga ako sa parteng malilim at pumikit.

"Haay, ang payapa. Di tulad ng mga linta sa baba." Nilagay ko naman ang earphone sa tenga ko at nakinig. Inunan ko ang mga kamay ko at napatingin sa langit. Ang tahimik talaga dito. Pumikit ako.



Maya maya pa ay napadilat ako "ay kabayong bundat!!" Nagulat naman ako sa mukha niyang nakabaliktad sa akin. At ngumiti pa siya. Naku! Tampo ako. Lumapit naman siya sa tabi ko at humiga rin.

"Problema mo?" Sabat ko sa kanya.

"Pfthahah, you know. Your cute when your jealous." Ha? Di ako kyot di ako aso no.

"I'm not jealous." Tumalikod ako sa kanya.

"Yes you are." Sabay sundot niya sa tagiliran ko.

"Ano ba?! Di mo ko madadaan dyan." Pero nakangiti ako habang sinasabi ko yan. Hindi niya naman ako makikita eh.

"Are you sure?" Alam kong nakangiti siya habang sinasabi ang mga yan.

"Manahimik ka! Bala ka dyan." Dalian mo na! Kilitiin mo na ko. Haha. I'm soooo excited. Haha.

"Sabi mo yan ah."



"Pfthahahahaha. Ahhhhh! Pfthahahaha. Tampfthahahahaha tam-pfthahahaha. Tama pfthahahahhaa tama na pfthahahahaa." Napahiga ako ng diretso at sinasangga ang bawat kiliti niya pero naaabot niya pa rin ako. "Pfthahahahaha. Okay pfthahahahha okay na pfthahahahaa." Nakapatong na siya sa kin pero kalahating katawan lang ha. Para maabot ang isa kong tagiliran. "Pfthahahaha. Tamaaaa naaaa. Pfthahahaha" maya maya..







Biglang.....








Tooooooot...

Nanlaki ang mata ko at nagkatinginan kaming dalawa. Malapit pa naman ang mukha niya sa mukha ko. Ysa! Nakakahiya ka. Sa lahat na lang ng taong makakasama mo, bakit sa harap pa niya lumabas yang utot mo! Oh lupa! Lupa! Bumuka ka at kainin ako. Syet! Nakakahiya.




"Pfthahahahahahahaha..." napahiga siya at tawa ng tawa habang hawak hawak ang tiyan niya. "Pfthahahahhahaha. Sor pfthahahaha... sorry pfthahahahhaa. I pfthahahahah I can't stop pftahaahahaaa."



"Uy hindi ako yun ah." Sige magsinungaling ka pa Ysa. Ba ka effective. "Di talaga ako yun." Di ko alam kung namumula na ba ako sa kahihiyan ko.

"Yea pfthahahhaa I know pfthahahaa." Wala namang amoy ah.

"Tumigil ka na nga dyan." Sabat ko sa kanya. At tumayo na ako. Late na kaya kami. Prof pa naman siya. "Uy SIR late na tayo." Nilakasan ko talaga ang pagtawag sa kanya ng sir.



Bigla naman siyang natauhan at tinignan ang relo niya.


"Ay oo nga no. Pfthahaha. Tara." Tumayo na din siya at nagsimulang maglakad. "Teka! Ba ka may makakita sa tin."

"Hindi yan. Likod naman ng building to. Walang taong tumatambay sa dadaanan natin. Sa kaliwa ako sa kanan ka dumaan." Sanay na sanay na sabi ko sa kanya. Pinapaalis ko kasi ang mga nakikita kong tumatambay sa dadaanan ko dati eh. Kaya wala ng naglakas loob na tumambay pa malapit dito. Haha.



Habang pababa kami. Nauuna akong maglakad pero rinig na rinig ko pa rin ang pagpigil niya ng tawa. Big deal ba talaga ang utot ko na yun? Tsk. Kahiya!



"Pfthaha. Syet! I can't stop. Pfthahah." Rinig ko habang naglalakad kami.

"Osya! Dito ako dun ka dumaan. Ge." Sumunod naman siya.



Dahil mas malapit ang daanan ko sa room namin ay ako ang nauna. Pagpasok ko sa loob ng room, lahat sila nandito na at kami na lang pala ang wala.


"Bakla, san ka galing? Binilhan pa naman kita ng pagkaen." - roman.

"Dun lang kay mom." Ayaw ko ngang sabihin sa kanila ang secret place ko. Ba ka sumama pa sa kin mga yan. Maiingay pa naman ang mga yan. Mababasag ang kapayapaan ko.


Umupo na ako sa upuan ko at kinuha ang pagkaen na binili sa kin ni Romana. Cookies ang favorite ko.



"Friend, tagal ni sir wafu. Nakita mo ba siya?" - kendra.

"Ha? Hindi eh. Ba ka nasa tabi tabi lang yun."



At bumukas na ang pinto. At lumabas ang prof namin na hanggang ngayon pinipigilan pa rin ang tawa. Ngayon lang ba siya nakarinig ng utot? Tsk.



"Pfthaha sorry if I'm late class." Sabay upo niya.

"Ano kayang pinagtatawanan ni sir?" - kendra.

"Ewan ko dyan, ba ka nakarinig ng kung anong kalabog." - ako.



Napatingin naman sa kin si sir. At ngumisi. Inirapan ko naman siya. Nakakahiya na to Ysa.! Oh my golay ka talaga.


Sa wakas at huminto na siya. At nagdiscuss ng mga syllables na mata-tackle namin sa buong sem.


Natapos ang araw ko ng kahihiyan. Hindi ko makalimutan ang nangyaring pagsabog kanina. Big deal ba talaga yun sa kanya? Hindi ba siya umuutot? Aba alien talaga.

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now