Beyond: STA [11]

5K 80 2
                                    

Bigla kong tinakpan ng bag ko ang dibdib ko. Dahil boom bakat ang aking kalamnan, este ang aking brang itim. Syet! Bakit pa kasi puti tong uniform namin, at bakit ngayon pa umulan kung kelan itim ang brang suot suot ko. Pag minamalas ka nga naman oh.




"Pfthaha. Don't worry hindi ako manyak." Ayos lang. Papamanyak pa ko sa yo. Letche! Ysa! Maghunos dili. Wag ibigay ang BATAAN!

"Hindi panga. Pfthaha."

"Here. Take this." Binigay niya naman sa kin ang face towel niya.

"Eh pano ka?" Syempre caring din naman ako.

"I can manage." At pinunasan ko na ang mukha ko gamit ang face towel na binigay niya. Hm, ang bango naman nito. Amoy na amoy mo siya sa bimpo na to. Haha. Akin na lang to.




Bigla namang may pumasok sa isip ko. Haha. Lagot ka sa kin ngayon. Napatingin ako sa kanya na basang basa din.

Lumapit naman ako sa kanya at nanlaki ang mga mata niya. Haha. May epek din pala akong magpalaki ng mata ng lalaki. Inam naman pala oh.




"Wh-what are you doing?" Hindi ko siya sinagot bagkus ngumiti lang ako. Bigla naman siyang nanigas sa kinauupuan niya.




Tinignan ko siya mata sa mata. Isang dangkal lang din ang layo na ginawa ko sa kanya. Sabay labas ko ng aking sandata at yun ay ang aking nakakamatay na ngiti. Bigla naman siyang namula habang nanlalaki pa rin ang mga mata niya.




Dahan dahan kong tinaas ang kanang kamay ko na may hawak na face towel at pinunasan ko ang noo niya, pababa sa magkabilang pisngi niya, sa matangos niyang ilong, sa labi niya at bumaba sa leeg niya ang pagpupunas ko sa kanya.

Bigla niya naman hinawakan ang kamay ko at nagsalita siya.



"A-ah pw-pwede a-ako na lang." At kinuha niya naman ang bimpo na hawak ko. At bumalik na ko sa upuan ko. "Woo! intense." Bulong niya pero rinig ko naman. Haha. Akala mo ha.

"Pfthaha, you know your cute when your blushing." Saad ko.



Napatingin naman ako ng tuwid sa labas at tila hindi na hihinto ang ulan. Sobrang lakas ng ulan at hangin.



"May bagyo ba?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa labas.




Hindi niya naman ako sinagot kaya napatingin ako sa kanya na na na.....














Na......


















Syet!.....






















Naghuhubad.....





"Uyuyuy!!! Hoy!!! Ano yang ginagawa mo?!" Nanlaki naman ang mga mata ko sa ginawa niya at napasandal sa pintuan ng kotse niya. Tila lumalayo sa kanya kahit di naman siya lumalapit.

"Hm, naghuhubad?" Sagot niya ng patanong pero sarkastiko.





"I mean bakit ka naghuhubad?! Bata pa ako! Madami pa akong pangarap sa buhay!! Saka na lang pagtapos kong grumaduate, pag nakatapos na ko ng pag aaral, pagnakahanap na ako ng trabaho, at pag nakapagpatayo na ako ng bahay?!! Pwede wag muna ngayon?!! Hindi pa talaga ako handa!!" Sabi ko sa kanya habang nakacross sign sa kanya.










After my very long speech ay..






"Pfthahahhaaahahaha! Sh*t! Pfthahahaaha!" Tinawanan ako? "Pfthahaha ysa. I won't do that to you unless you want me to. Pfthahahha. And I respect you. So don't worry." Bigla namang sumeryoso ang mukha niya ng banggitin ang mga hiling linya niya.

"Eh bakit ka ganyan? Bakit ganyan? Bakit naghuhubad?" Sabay turo ko sa katawan niyang nakahubad at syet! Patawarin nawa, ang syet! Ang hawt niya grabeeee! Ang hot hot talaga! Ang ganda ng pagkakacomplex ng katawan niya. At at at.... put*pete! May abs ang lolo mo! KALOKA! Hm, ang sarap sarap!






Tila napako naman ang tingin ko sa katawan niya at hindi ko namalayang.....






"I love the way you bite your lips." Sabay smile niya. Syet! Hindi ko ba napigilan. Ysa! Uweeeee!

"Ay a-ah e-eh nagugutom na kasi ako kaya ganto. Hmmmm! Nakakagigil ka!" Sarap sarap. Hm, sobrang gigil na talaga ako. Haha.

"Ha? Pfthaha. Ikaw talaga."





Pinaandar niya na ang sasakyan at nagdrive.



Bigla namang nagvibrate ang phone ko sa bulsa.





"F*ck! Ba ka nabasa ang phone ko." Bigla ko namang kinuha iyon. "Ohhhhh. Thanks God. She's alive." Tinignan ko naman kung sino ang nagtext.




From Mom:
'Honey, where are you? Cut na ang klase dahil sa lakas ng ulan at hangin. Signal 2 na rin ang lugar natin. I'm worried.'



"Syet!"

"Why? Is there a problem?" Tanong niya.

"Hm, nagtext kasi si mom. Cut na daw ang klase at hinahanap ako."

"Hatid na lang kita sa inyo. If it's okay to you?"

"Sayang.." sabay pout ko. Sayang kasi yung lunch date namin eh.




"Hehe, are you reffering to our lunch?"

"Yea." At pout ulit.

"Marami pa namang araw ang pagsasamahan natin. So don't worry. I will ask you for a lunch everyday kahit na mapabreakfast at dinner pa yan basta makasama lang kita." Sabay lingon niya sa kin at ngiti. Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ako na ata ang pinakamasaya ngayong araw kahit na bumabagyo na.

"Salamat." I said with a sincere smile.



'Okay, mom. I'm on my way home.'



Reply ko kay mom.

Hinatid naman ako ni Erwan pauwi sa min at nagkataon pang dito pala sila lumipat sa village namin. Kaya madali din siyang makakauwi.

Matapos ang ilang minuto.

Nandito na din kami sa tapat ng gate namin. Bubuksan niya na sana ang pintuan niya para lumabas at pagbuksan ako.


"Wait! Dito ka na lang. Ba ka may makakita pa sa yo. Or sila mom ba ka makita ka pa nila."

"Pano ka? Mababasa ka lalo. Sorry. Wala akong payong eh." Napakamot naman siya at yumuko.

"Okay lang ako. So, see you around na lang and text text na lang din." Hinawakan ko naman ang kanan niyang kamay ng dalawa kong kamay at nakaharap sa kanya.

"Ba ka magkasakit ka. Gusto mo daan muna tayo sa min para makakuha ng payong." Napakacaring naman talaga. Sshhh! Kinikilig ang lola mo!

"Binibaby mo naman ako niyan, eh. Ayan na lang ang bahay oh..." sabay turo ko. "At para makauwi ka na rin at makapagpalit. Osya! Una na ko ha.." at lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Nanlaki naman ang mga mata niya sa ginawa ko at namula. "..thanks ng madami ha. Ingat ka." Sabay labas ko ng sasakyan niya at takbo papasok ng bahay.
















Napangiti ako tuwing maaalala ko ang nangyari buong araw. Haay!























......your the reason why I'm smiling like an idiot.

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now