Beyond: STA [50]

3.3K 41 7
                                    

"He resigned for you.."

"What?" Napaharap ako kay Mom ng naguguluhan at lumapit sa kanya. "Hindi ko naiintindihan Mom.

"A-ah. I'm sorry anak. He resigned for you... fo-r for his students..." sagot sa kin ni Mom na mukhang naaalinlangan.

"Why mom? He is a best professor why should he do that?" Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari.

"Hindi ko alam sweetie ang main reason kung bakit umalis si Mr. Williams.. he just told me na may problema siya at ayaw niyang maapektuhan ang pagtuturo niya so he gave me his resignation letter.... that's the only thing I know."

Napayuko naman ako at nagpipigil sa luhang nagbabadyang pumatak.

"Hey sweetie. Are you alright?" Tinapik naman ako ni mom sa balikat.

"A-ah y-yes mom. Alis na po ako may klase pa pala ko." Nakayuko kong paalam at naglakad patungong pintuan.

"Okay sweetie. Tell me kung may problema ha. Nandito lang si mom. Love you anak." Ang sakit sakit na Mom.

"L-love you too mom." Sagot ko kay mom ng hindi lumilingon dahil tumulo na ang mga luhang kanina ko pang pinipigilan.

Lumabas na ko ng opisina ni Mom at naglakad.

"H-hindi mo n-na ba k-ko m-mahal?" Hindi ko mapigilan ang mga luha kong walang sawang tumulo buti na lang at class hours ngayon at walang nakakakita sa kin ng ganito. Naglakad ako ng naglakad at di ko namalayan na nasa likod na ko ng school. Mas mabuting magpalipas muna ako ng oras dito. Umupo ako sa may ilalim ng puno at yumuko.

---------------

[Author's Point Of View]

Umiyak ng umiyak ang dalaga sa ilalim ng puno ng di namamalayan na may natutulog pala sa itaas nito.

"Tsk. Ano ba yan? Ang ingay naman." Napakamot ang binata sa kanyang batok at napatingin sa baba. Tila nagulat ito ng makita ang dalagang umiiyak. Pinagmasdan niya ito na patuloy pa din sa pagmumukmok at pag iyak.

"A-ano bang m-mali sa kin..."

"B-bakit m-mo ko i-niwan.."

"A-ang sakit s-sakit na.."

Napailing na lang ang binata. "Tsk. Kumokonti na lang talaga kaming matino sa mundo." Bulong ng binata sa sarili. Nag isip naman ang binata kung pano pagagaanin ang nararamdaman ng dalaga. Ngunit walang maisip na solusyon ang binata dahil hindi siya sanay na may babaeng umiiyak sa harapan niya. Bumaba na lamang siya ng di namamalayan ng dalaga.

"Miss.." kinalabit niya naman ito at dahang dahang inangat ng dalaga ang kanyang mukha.

-_____-     reaksyon ng dalaga.

O____O    reaksyon ng binata.

"Ysabelle?" Napaisip naman ang dalaga dahil pamilyar sa kanya ang binata. "Don't tell me nalimutan mo na naman ako." Nagpout naman ang binata. "Nakakapagtampo ka na ah. Tse!" Napangiti naman ang dalaga sa reaksyon ng binata na pinalantik pa ang mga daliri na akala mo babae na ubod ng arte. "Tignan mo ngumingiti ka na." Ngiting sabi ng binata at dinampi niya ang hinlalaki niya sa pisngi ng dalaga. "Sorry wala akong panyong dala. Wag ka ng umiyak." Pinunasan niya ang mga luha sa pisngi ng dalaga gamit ang mga hinlalaki niya.

"Tyler?" Tila nagliwanag naman ang mga mata ng binata.

"At your service." Ngumiti ito sa dalaga. "Ang mga babaeng tulad mo hindi dapat pinapaiyak ng mga lalaki."

"Kanina ka pa ba nandito?" Pag iiba ng usapan ng dalaga.


"Yes. Nandyan lang ako sa taas."

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now