Beyond: STA [18]

4K 61 0
                                    

"Hon, gising na."

"Asdfgh.."

"Hon, gising na."

"Mom, it's saturday. Walang pasok." Atumal ko. Ang aga namang manggising ni mom. Wala namang pasok.

"Hon, you have visitors." Tsk! Sino naman ang naglakas loob na bisitahin ako at istorbohin ang oras ng tulog ko?!! "Your prof and the cute little twins." Pagkasabi na pagkasabi ni mom nun ay nabuhayan ako at napabango bigla.

"Nandyan na sila?" Tanong ko.

"Yes, and they are waiting you."

"Mom naman bakit di mo sinabi agad." Tumayo naman ako at kinuha ang towel ko para makaligo na.

"Nagtanong ka ba anak? Pfthahaha. Sige ayusin mo muna ang sarili mo. Magbebake lang ako." Tumayo na si mom at lumabas.

-------

Yes! Tapos na din maligo at mag ayos ng sarili. Nakashorts lang ako at loose shirt. Paika ika din akong maglakad gawa ng sugat ko. Masakit pa rin naman kahit papaano, dahil fresh from the dapa pa kasi.

Nasa kalagitnaan na ko ng paglalakad ko sa hagdanan ng....

"Wait. Ysabelle!" Napahawak naman ako sa dibdib ko halos mahulog puso ko, nakakagulat naman kasi tong si Erwan eh.

Lumapit naman siya sa akin at nag akmang bubuhatin ako.

"Wag na. I can manage."

"I insist."

Wala din akong nagawa. Buti na lang at nasa kusina si mom at hindi kami nakita. Binaba naman agad ako ni Erwan sa sofa.

"Ateeeeeeee!" Dali-dali namang tumakbo papalapit sa min si Sara at niyakap ako sa binti. Kasunod niya naman si Sam at Mom.

"Masakit pa ba hon ang sugat mo?" Tanong ni mom na nakaapron pa.

"Medyo mom. Where's kuya and dad?" Kanina ko pa kasing pansin na walang maingay na kuya at walang pagala-galang dad dito sa bahay.

"May inasikaso lang sa office si dad at nagpatulong kay kuya mo. Wait lang kids ha I'll just check the cookies we made." Sabay smile ni mom at bumalik na sa kusina.

"Did you made cookies?" Tanong ko kay sara with matching smile.

"Yes ate. I'll made you a special one, with a star shape." Wow. Ngayon ko lang narinig na pwede palang gawing iba't ibang shape ang cookies. Hehe.

"Wow! That's great. I'm excited to taste it." Sabay palakpak ko.

"And Sam also made you one. A heart shape cookies." Napatingin naman ako kay sam na ngayo'y nakayuko at nahihiya.

"Really? I'm so excited for that. Thanks sara and sam." Sabay smile ko. Kiniss ko naman si sara na nakatayo sa harap ko at nakaupo sa tabi ko si sam kaya kiniss ko din siya. Napacute talaga nitong mga batang to.

"Ikaw ba? Do you made me some cookies?" Sabay tanong ko at lingon kay Erwan.

"Hm, nope. Sorry. Hehe." Napahawak naman siya sa batok niya.

"Okay lang. Thank you." Banggit ko with smile.

"H-ha? For what?" Gulong gulo naman siya sa sinabi ko. Bakit bawal magsorry? Haha.

"For yesterday."

Nakipagkulitan lang ako buong araw sa dalawa dahil wala din naman akong gagawin eh. Iniwan din ni Erwan to dito dahil may aasikasuhin lang daw siya. Ewan ko naman kung ano. Buong araw nandirito ang mga bata, kaya tuwang tuwa kami ni mom dahil kami ni mom ang sobrang hilig talaga sa mga bata.

Natuwa din ako kanina sa mga cookies na binake ng dalawa para sa kin. Infairness! May future sila. Hehe. Si Sam? Ayun hindi na siya ganun kasungit sa kin. Pero tahimik pa rin talaga siya. Samantalang si sara naman ayun full of energy.

Nakakaenjoy pala pag may maliliit kang inaalagaan sa bahay niyo. Kasi di nawawala ang mga kakulitan nila. Kaya kami ni mom di nawalan ng lakas makipagkulitan sa kanina.

5 na ng hapon ng dumating si Erwan. Pinilit panga ni mom na dito na sila kumaen kaso pinigilan ko na si mom dahil nakakahiya na sa kanila. Hehe. Si mom talaga.

--------

Yes! Monday na! Makikita ko na naman siya. 7:15 pa lang ay nandito na ko sa school. Excited much? Haha. Ako pa.

Hindi muna ako dumiretso ng room dahil maaga pa naman. Napagdesisyunan ko munang tumambay sa kin tambayan. At hindi na nga pala sumasakit ang sugat ko, kaya okay na okay na ko.

Humiga muna ako dito sa rooftop at napatingin sa langit. Sana umakto ang lahat sa ayos. Sana ayos ang maging araw ko. Sana.

Nilagay ko ang earphone ko at nagsimulang makinig. Pumikit muna ako para madigest ang bawat kantang pinapakinggan ko.

Now Playing: Counting Stars by One Republic

Ilang oras na ang nakalipas at nagbell na. Tumayo naman ako at nagsimulang maglakad.

Pumasok ako sa room namin at wala pa naman ang prof namin na si Sir.

"Bakla! I missssh youuu!" - roman.

"Friend namiss din kita. Haha. Tae! Cheesy." - kendra.

"Parang ilang araw lang mga bakla namiss niyo na agad ang katawang lupa ko?" Sagot ko. Haha.

"Katawan agad agad? Ewness bakla!" - roman.

"Halikan kita dyan bakla eh!" Sigaw ko.

"Hm. Ms. Ferrer, you may sit." Syet! Nandyan na pala siya kinamalayan ko ba. Dinilaan naman ako ng dalawa. Tsk. Sungit ata ni Sir ngayon?

"Good morning class." Bati niya. Tumayo naman kami para batiin siya. Pero lip sing lang naman ang lagi kong ginagawa. Pfthaha.

"Good morning Sir." Chorus naming sagot.

"Today, we will discuss about the...." che che buret che. Di naman ako nakikinig eh. Ewan ko ba. Ang ganda ganda ng araw ko kanina tapos ngayon parang nawala, di kasi ako nginingitian eh. Psh! Di manlang napapadayo sa direksyon ko. Kahit sulyapan ako ng isang beses, wala pa rin. Bahala ka nga dyan. Tumingin na lang ako sa labas dahil katabi ko lang naman ang bintana. Bahala ka dyan.

"Okay, class. Break time muna tayo. Come back after 20 minutes."

Sa wakas nang di ko na mahalata ang pag iwas niya sa kin at pagiging cold.

Lumabas naman ang ilan kong kaklase at lumabas na din ako ayoko na siyang makita. Tsk.

Kumakaen na kami dito sa canteen kasama ko na yung dalawa. Ba ka magtampo na naman eh.

Tapos na ang time at dumiretso na kaming classroom. Nagdiscuss naman na siya. Tsk! Bwiset! Tumingin ka dito! Bigla namang may kumatok. Si mom.

"Excuse me Sir. May I talk to you?" Tanong ni mom at napadako sa direksyon ko at kumaway. "Hon, did you already eat?"

"Yes mom." At ngumiti si mom.

Lumabas naman si sir at nag usap na sila ni mom. Ano naman kaya yung pinag uusapan nila. Matapos ang ilang oras ay pumasok din si Sir with mom.

"Okay Class. I have something to announce. Dahil Labor month na ni Mrs. Rivera, kailangan niya ng mag leave. So Mr. Williams will be your substitute teacher in Physics class."

Napangiti naman ang karamihan kong kaklase dahil masungit din naman si Mrs. Rivera sa min gawa ng buntis nga siya.

---------

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon