Beyond: STA [14]

4.4K 88 2
                                    

'Akala ko iba na eh. I love you.'





Matapos ko yang marinig sa kanya, hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at bigla kong binaba yung phone. Ang bastos ko ba? Oo, Ysa! Sobrang bastos ng ginawa mo. Ikaw na nga tong sinasabihan ng I love you ng isang full package guy, ikaw pa tong choosy. Sabi ko nga maging pakipot ka, pero hindi ko sinabing maging bastos ka. Ay naku bata ka!

Pero tinext ko naman siya agad matapos kong ibaba, syempre para humingi ng sorry dahil masiyado akong padalos dalos sa pagbaba ng phone.

'Sorry kung binaba ko agad ha. Tinatawag kasi ako ni mom. Sorry talaga. Hehe.' Pagsisinungaling ko.

Nagreply din naman agad siya matapos ko siyang itext.

'It's okay don't worry. I understand you kung hindi ka pa handa sa kin. Sige.'





Pakiramdam ko ang lungkot niya ngayon, sa text niya pa lang halata na kasi. Bakit ba Ysa? Ano na ang nangyayari sa yo?

Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat gawin dito sa sitwasyong merong kami. Hindi naman siguro masamang magmahal di ba? Tao lang naman kami nagmamahal din at nasasaktan. Tsk.

Bahala na si batman.




------




7:34 na ng gabi at bumaba na ako para kumaen. Natulog lang naman ako buong hapon, eh. Sarap kasi matulog sa mga gantong panahon, malamig.

"Baby, nakatulog na ko kakaantay sa yo." Ay oo nga pala, nalimutan kong puntahan si kuya.




"Ay nalimutan ko kuya. Sorry. Nakatulog din kasi ako eh." Tumabi naman ako sa kanya na nakaupo sa sofa dito sa may sala. "Sorry na kuya ah." Sabay akbay ko sa kanya. Inirapan niya naman ako ng pabiro.

"Nuod ulit tayo mamaya ah. Para mapatawad kita." Susmiyo!

"Oo na sige na." Pagbigyan na ang bata.

"Sige wag na lang. Napipilitan ka lang ata eh." Sabay pout niya.




"Kuya naman eh. Parang binibiro lang. Manunuod na nga tayo mamaya." Sabay yakap ko sa kanya, nagpapalambing lang yan eh.

"Mga anak dinner is serve." Tawag sa min ni mom.

Tumayo naman kami ni kuya at pumunta ng kusina para kumaen. Narinig ko naman si Daddy na pababa na ng hagdan. Umuwi din pala siya kanina, dahil pinauwi na siya ni mom sa sobrang pag aalala niya. Si mom ang pinaka maaalalahanin sa ming lahat. And equal din sila sa ming magkapatid, hindi sila ganoon kaworkaholic. Kaya I love them so much!





"Mom, kelan darating yung baby?" Tanong ko habang kumakaen kami.

"It's a secret hon." Sabay ngiti ni mom. I'm so excited na kaya para sa mga baby.

Araw araw tuwing umuuwi ako nag eexpect ako na nandito na yung baby, but wala pa rin. So wawa naman. Haha.

"Kids, next week ba ka magpafeeding program tayo ha. So be ready." - dad.

Yes! Makakakita na naman ako ng maraming bata. Haha.





"Okay dad." Sagot namin ni kuya.

At ayun nagkwentuhan kami habang kumakaen.

Matapos ang ilang minuto natapos rin kaming kumaen. Naglalakad ako sa hagdan para makapagpahinga na sa kwarto ng tawagin ako ni kuya, tsk napapikit na lang ako ng maalala ko na may utang nga pala ako sa kanyang manunuod kami ngayon.




"Baby, don't forget about the deal. I'll wait you na lang sa kwarto ha. Pag di ka pumunta naku magtatampo ako talaga."

Naparolled eyes na lang ako.

"Yea yea yea. I got it." Dumiretso ako sa kwarto ko para makapaglinis ng katawan at para makapagbihis na rin. Tsk.

Napahiga muna ako sa kama ko at napatingin sa kisame. Pagkagising ko nga pala kanina huminto na ang ulan. Buti naman dahil maraming lugar ang binabaha.





Tinignan ko naman ang phone ko kasi ba ka may nagtext. At hindi ako nagkamali, meron nga.

'Meet me at the park. I have something to give you. I'll wait you there at 8:00. Thanks.'

Bigla naman akong napabangon. Teka! What time is it na ba?






8:23 f*ck!




Agad agad naman akong bumaba ng walang ayos ayos.

"My princess, where are you going?" Sh*t! Si daddy.

"Hm, may bibilhin lang ako dad." Palusot ko.

"Kay manang mo na lang pautos gabi na eh." - dad.

"Wag na dad. I can take care of myself. Tsaka para ako na din ang pipili." Palusot ko.




"Okay, manang pakisamahan na lang si Ysabelle." - dad.

"Okay, sir. Wait lang iha lagay ko lang tong mga plato sa lababo ah." - manang.

"Okay manang. Sa labas ko na po kayo intayin." Pero hindi ko na iintayin si manang. Haha.

Lumabas na ko at tumakbo papuntang park. Sana nandun pa siya, sana sana.




Sa pagmamadali ko nadapa ako. Shit lang! Nakashort pa naman ako. Pagtingin ko sa tuhod ko, nagdudugo na siya -__- the hell! Takot ako sa dugo. Pag nakakakita ako ng dugo, naiiyak ako at nanghihina.

Umupo naman ako sa gilid ng kalsada dahil naiyak na ko sa sobrang pag tutulo ng dugo sa binti ko.




"Huhuhuhuhuh snfft snftt." Nilagay ko naman ang mga palad ko sa mukha ko at nag iiyak. "Snfffft huhuhu snfttftt."

"What the f*ck?! Ysa?!" May narinig naman akong yapak na alam kong tumatakbo patungo sa direksyon ko. Tinanggal ko naman ang palad ko at tinignan ko kung sino.





Hindi ko masiyadong maaninag yung mukha niya dahil sa blurred ang paningin ko dahil sa mga luha ko.

Nakita ko siya nang napadaan siya sa ilaw ng kalsada.




"What the hell?! Anong nangyare?!" Agad naman siyang lumuhod sa harap ko at tinignan ang tuhod ko. Tapos hinawakan niya ng dalawa niyang kamay ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. "Anong nangyare ysa please magsalita ka." Hindi siya mapakali kung ano ang gagawin niya at halatang alalang alala siya.




"Snftttt huhuhu ka-si snfffft huhuhu tu-ma snfffftt takbo snfttt ako, huhuhu a-kala snfffft ko hin snfff di na ki-ta snfffttt ma-a huhuu abutan huhuhu eh, ta-pos huhu na-da snfffft pa na lang a-ko huhuhu." Sagot ko sa kanya habang humihikbi.




"Sorry ysabelle. Napaiyak kita. Sorry talaga. Sssshhhhh tahan ka na." Niyakap niya naman ako.




Bigla niya naman akong binuhat. Yung pang bagong kasal na buhat. Napansin ko ring may dala siyang paper bag.






















"Uwi muna tayo sa bahay. I'll clean your wound. I'm really sorry ysabelle."

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now