Beyond: STA [42]

2.5K 46 3
                                    

O_O

O_O

Oh my!! Napatakip naman ako ng mga mata ko at agad agad na tumakbo papuntang kwarto namin.

"Muntik na ko dun." At napaupo ako sa dulo ng kama ko. Kaderder naman kasi yang si Angel bakit pa kasi naghuhubad. Nakita ko lang naman kasi na nakabra siya at shorts. At nakaharap siya sa kaliwa kaya hindi ko nakita kung sino ang hinuhubaran niya kasi nasa likod ng pintuan ang kama kung san siya nakaharap kaya di ko nakita. Naku! Kaaga aga nagrarak'enrol sila dun. Hinanap ko naman ang phone ko ng dumating si Angel. Parang nagulat panga siya na nandito ako eh.

"Oh your here na pala." Walang gana niyang sabi at humiga sa kama niya. Napagod siguro sa bakbakan. Hahahaha!

"Kanina lang din ako nakalabas." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Ysabelle, may boyfriend ka ba?" Halata naman na seryoso ang tanong niya kasi nagtagalog na siya.

"A-ah. Boyfriend? Yes. I have a boyfriend. Bakit mo natanong?"

"Nothing. I just want to know you more." Bumangon naman siya at naglakad palabas. Bago siya lumabas ay may iniwan siyang nagpagulo sa utak ko. "Honestly, I don't like you.... but I want something that you have or maybe... someone you have." At sinara niya ang pintuan bago pa ko makapagsalita.

So ayaw niya pala sa kin? Eh ano naman ang gusto niya sa kin? Something daw tapos biglang someone? Eh sino? Uhmmmmm! Bahala nga siya. Nakakatamad mag isip. Bahala siya sa buhay niya.

Pagtingin ko sa phone ko nakapatay at ayaw mabuksan, yun pala! LOW BATTERY! Anak ng teteng naman oh. Edi chinarge ko na lang at lumabas ng kwarto di naman siguro sasabog yun dun pag iniwan ko. Nagpalit muna ako ng white na pocket tee at shorts. Nilock ko na ang pinto at nagtungo sa dalampasigan kung nasan ang lahat.

"Friiiiiiiiiieeeeeeend!!"

"Giiiiiiiiiirl!" Tumatakbo naman sila sa direksyon ko at sinalubong ako ng mahigpit na yakap na halos mamatay na ko.

"I ca-can't breath.."

"Ay sorry girl. Naloka lang kami."

Nagkwentuhan naman kami ng kung anu-anong nangyare matapos ang lunod scene ko kung anong nangyare. Sabi naman nila na halos mapatigil daw ang lahat sa nangyare sa kin. At buti na lang daw na binabantayan ni Erwan ang isa sa mga flag kaya malapit lang siya sa kin at agad akong naagapan. Pinagtataka ko lang. Bakit palagi siya ang bantay. Pero gayunpaman napakasipag talaga ng mahal ko na yun. Asuss! Kinikilig ang kalamnan ko.

"Oy friend! Sa lahat ng nalunod ikaw lang ang nakita kong nakangiti. Nakikinig ka pa ba?"

Nagising naman ako sa realidad.

"Ay oo nakikinig ako. Kayo nga di ba nanalo."

"Ay wit girl! Halatang halatang di ka nakikinig sa istorya ni lola basyang." Napasimangot naman si Kendra kay Baklito.

"Hoy bakla! Mas mukha kang matanda sa ting dalawa." At lumipat naman ang tingin niya sa kin. "Seriously friend magaling ka na ba? Ba ka tumakas ka lang sa ospital. Pano kami mananalo eh last kaming nakatapos ng game. Ang nanalo ay ang team nila Angel kasi siya ang nakakuha ng gold flag na may name ng school natin. Yung flag na dapat kukunin mo." Mahabang eksplanasyon niya.

"Ay ganun ba. Haha. Sorry naman friend. Sila pala ang nanalo? Naku kung hindi lang ako pinulikat kami pala ang mananalo." Sayang talaga.

"Girl, bakit pala di ka manlang humingi ng tulong kay Angel? Eh dinaanan ka niya di ba?" Kunot noong tanong ni baklito.

"Humingi ako ng tulong sa kanya hindi niya lang siguro ako narinig."

"Oh? Nakakapagtaka naman pala. Kasi nung tinanong siya ni Mrs. Santos kung bakit ka daw tumigil ang sagot naman niya napagod ka na daw kaya nagpahinga ka muna." Ha?

BEYOND: Student-Teacher Affair [COMPLETED] ❗❗❗Where stories live. Discover now