Chapter 1

4.5K 56 0
                                    

< Andria's POV >



* Incoming Calls *

I'm preparing my things to go. I have so many missed calls coming from my mom. Hindi kasi ako umaalis ng opisina ko kung hindi pa tapos ang office hours.

Pagtingin ko sa orasan pasado alas sais na pala ng gabi kaya pala panay ang missed calls si mom sa akin. Hindi ko na namalayan yung oras.

Paglabas ko sa opisina, ako na pala isang tao natitira dito. Umuwi na pala ang lahat ng empleyado ko.

Pagbaba ko sa ground floor, may mga janitors pa naman ako nakakasalubong.

" Good bye ma'am,"

Tinangoan ko lang iyong guard.

Pagkalabas ko sa building ay hindi ko mapigilan mapatingala sa kumpanya ko na ilang taon kong pinagtatrabahoan.

Pumasok na ako sa kotse ko. I started the car engine.







Pagkadating ko sa bahay ng mga magulang ko. Nakita ko ang kotse ni kuya Fonsi naka park sa labas.

Dumiretso na ako sa dining area dahil alam ko andoon na silang lahat.

" Andito na pala, ang hinihintay natin. Pwede na tayo kumain lahat!"

I rolled my eyes at my brother who is very sarcastic.

" Hi, tita Andria!" Bati sa akin ng pamangkin ko.

" Hello Chanel,"

" Tita... I miss you," Halik sa akin sa pisnge ng isang pamangkin ko si Daniel.

" Wow! ang tangkad mona ah," I was so surprised because he's only 17 years old and I think nasa 5'9 na ang height nito.

I've never seen my only two nieces for a year. Ganoon na ba ako ka busy na hindi ko na sila nadadalaw?

Humalik ako sa pisnge ng mga magulang ko.

" I'm so sorry, I'm late. Madaming trabaho sa opisina."

" You are always late," wika ni Fonsi.

Alam ko may alitan kami ng kapatid ko. Nagagalit kasi siya sa akin dahil hindi daw ako nakikipag partners sa kanya sa isang business, pero siguro hindi lang doon ang galit niya sa akin. Dapat hindi na nga siya magalit dahil hindi ko pa naman kinuha iyong shares ko sa kumpanya ng mga magulang  namin kung saan siya mismo ang nakikinabang doon. Sa ego ng isang lalaki ay ayaw na ayaw niya nauungusan ko siya sa pagnenegosyo.

Hindi ko na lang siya pinatulan pa.

Tahimik ako umupo at kumain.

" So, kailan mo kami mabibigyan ng apo?"

Nabulunan naman ako sa tanong iyon ni mom. Napainom ako ng tubig.

" Wala ba kayong balak ni Norwee magpakasal? Hindi na kayo mga bata," sabi pa ni dad.

Si Norwee ay aking kababata. Mga bata pa kami ay nakatakda na kami ipagkasundo sa isang arrange marriage.

" Bakit kami magpapakasal ni Norwee? Hindi ko naman siya boyfriend," Natawa ako ng mapakla.

" It doesn't matter,"

Wala talaga pakialam si Dad sa happiness ng mga anak niya. Ang importante sa kanya ang negosyo.

" Dad, hindi na uso ang arrange marriage ngayon, at isa pa may kasunduan tayo. We have a deal, if I will be successful in business, I can live my life the way I want. Now your daughter is a successful businesswoman. The Deal is a deal, never forget that."

Extraordinary LoveWhere stories live. Discover now