Chapter 3

1.4K 46 1
                                    

Nasa kalagitnaan ako ng klase na sobrang inaantok ako. Halos ayoko nga bumangon kaninang umaga dahil mabigat iyong katawan ko. Panay hikab lang ang ginawa ko pero pinipigilan ko lang talaga iyong sarili ko makatulog sa klase.

" In our generation, not all men can dominate the business world. This woman is the youngest bachelorette who is ever awarded CEO of the year. Do you know who she is?" Tanong sa amin ng prof namin.

Nagbulong-bulongan ang mga klase ko.
Hindi ko din alam kung sino eh.

" Hindi niyo alam? My goodness people of the Philippines, mga business management pa man din yung kurso ninyo," Sermon ni Prof. " She is Alexandria Henry at the age of 29 years old, she already has an empire,"

" Wow! Ang galing naman niya sir!"

" She is! And she is still single!"

" May pag-asa naman kaya kami diyan sir?"

" Oo! Pwede kayo maging aso niya,"

Nagtatawanan naman ang buong klase sa biro iyon ni sir.

" She's a risk taker! Be like her. The higher the risk the higher the..."

" The return!" Sagot naman namin.

" G'day everyone and see you tomorrow."

Natapos iyong klase pero di pa din naging okay iyong pakiramdam ko, di pa din nawawala iyong antok ko.

" Oyy friend! Nagpupuyat ka na naman ba kagabi? Halatang halata saiyo na antok na antok ka ohh!" Napapansin din pala nila Maya.

" Iyon nga ang pinagtataka ko kasi maaga naman ako natulog kagabi,"

" Feeling ko, habang natutulog ka siguro kagabi ay nag-aaral pa din iyang utak mo," wika ni Anne. " Balita kaya sa loob ng campus ang pagiging candidate mo sa cum laude,"

" Alam mo maging dilang anghel ka sana dahil kung mangyayari man iyon, matutuwa ang mga magulang ko," Napapangiti naman akong isipin iyon.

" Ano ka ba, mangyayari iyon. Ikaw pa! Ikaw ang pinaka matalino sa department natin. Ikaw ay isang huwaran na anak at isang butihing nobya," ani ni Maya.

" Samahan niyo naman ako, bibili ako ng mangga sa kabila. Sarap kumain ng maasim kasi,"

Kailangan pa namin bumaba mula sa ground floor andito kasi kami sa fourth floor.

Iyong nagtitinda kasi ng mangga nasa tapat ng school namin kaya kailangan pa namin tumawid sa daan.

* Horning car *

Napaitlag kami lahat ng muntikan na kami masagasaan ng isang kotse.

" Hoy! Ano ka hari sa kalsada!?" Sigaw ni Maya.

" Puwerket na ka sportcar ka!" Galit din si Anne.

" Tama na," Awat ko sa kanila.

Pagkalampas namin ay saka pinahurorot ng driver ng magandang sportcar ang kotse nito.

Excited ako bumili ng mangga takam na takam sa sobrang asin kaya ganoon na lang ako ka saya habang kumakain ako.



***

Gabi na ako nakauwi ng bahay. Pagod na pagod ako sa biyahe. Medyo may kalayuan din kasi dito sa bahay namin.

" Nak, kumain ka na." Yaya sa akin mama.

" Mamaya na po ako kakain," Dumiretso na ako sa kuwarto ko.

Gusto ko lang talaga magpahinga. Kinuha ko ang phone ko.

' Noah, nakauwi na ako ng bahay.' < Message sent >

Hindi ko na hinintay pa si Noah matapos ang basketball practice nito.

Extraordinary LoveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang