Chapter 7

1.2K 40 1
                                    

Kaharap ko aking pamilya ngayon ang tahimik nila ng sinabi ko sa kanila na aalis ako ng bansa.

" Bakit gusto mo mag-aral sa ibang bansa?"

Ginawa ko alibi ay nakapasa ako sa entrance exam sa Boston. May prove din ako pinakita sa kanila na hawak-hawak ngayon ni Mama. Ibinigay sa akin yan ni Atty. Alexa kaninang umaga nagpapatunay na mag-aaral ako sa Boston.

" Anak... okay naman iyong pag-aaral mo dito ahh. Makakapagtapos ka din naman ng pag-aaral ngayon taon, di mo kailangan lumabas ng ibang bansa. Hindi namin kaya ng Papa mo ang malayo ka sa amin, doon mag-isa ka lang," Maiyak-iyak sabi ni mama.

Naiintidihan ko iyong nararamdaman nila. Ayoko din naman malayo sa kanila if only I have a choice.

Pinapalakas ko lang talaga iyong loob ko  dahil buo na aking desisyon.

" Pa... Ma.. hindi lang naman ito para sa akin eh, para sa atin din ito. Saka isa pa, isang taon lang naman ako doon. Uuwi din naman ako ka agad,"   Yakap ko sa kanila.

" Hindi na ba magbabago ang isip mo, anak?" Tanong sa akin ni Papa.

" Bukas na po ang flight ko,"

" Ang bilis naman ata,"

" Opo eh, kasi kailangan ko humabol ng  first semester doon at saka mabilis po kasi iyong process ng application ko." Isa pang alibi ko pero dahil lahat iyon kay Andria at kay Atty. Alexa kaya napabilis ang lahat.

Mas okay na din iyon baka kasi magbago pa ang isip ko habang tumatagal na andito ako sa Pilipinas.

" Kung iyan ang gusto mo talaga at pangarap mo iyan ay susurportahan ka namin ng mama mo,"

" Maraming salamat po sa inyo," Hindi ko mapigilan ang maluha.

" Paige! Paige!"

Natigilan lang kami ng marinig namin ang malakas na boses ni Noah sa labas habang sinisigaw niya ang pangalan ko. Siguro sinabi na ata nila Anne at Maya kay Noah ang pag-alis ko.

Napatayo ako ng makita ko siya. Kitang-kita ko sa mukha niya na sobrang hinihingal pa ito sa pagmamadali niya makapunta sa akin.

" Aalis ka!?"

" Anak, maiwan na mona namin kayo, para makapag-usap kayo ni Noah."

Pagkalabas ng pamilya ko sa bahay para bigyan kami ni Noah ng pagkakataon makapag-usap bago man lang ako umalis.

Alam ko galit siya sa akin ngayon at handa ko harapan ang galit niya dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya.

" Aalis ka ng ibang bansa na hindi mo man lang sinasabi sa akin? Malalaman ko pa sa ibang tao?" Sumbat niya sa akin.

" I'm so sorry, Noah."

" Nobyo mo ako, Paige! Hindi ibang tao. Wala ka man lang sinabi sa akin na may balak ka palang mag-aral sa ibang bansa,"

" H-Hindi ko din akalain na papasa ako sa scholarship sa Boston,"

" Bakit kailangan mo pang umalis, full scholarship ka naman dito. Paano ang pagiging cum laude mo?"

" Ayaw ko kasi palampasin itong malaking oportunidad na dumating sa akin,"

Mahinang tango ko.

" Hindi mo man lang ako tinanong kung papayag ako sa gusto mo?"

" Noah?"

" Kahit ba na sabihin ko saiyo na ayaw ko na umalis ka. Aalis ka pa din?"

Mahinang tango ko.

" Pumayag ba sila tito't tita sa gusto mo?"

Tumango ulit ako sa kanya at doon napabuntong hininga siya ng malalim.

Extraordinary LoveWhere stories live. Discover now