Chapter 4

1.3K 44 2
                                    

Kasalukuyan nakahiga ako sa hospital bed dito sa loob ng clinic habang ino-ultrasound ako ulit ni Doc para talagang makumpirma kung buntis ba talaga ako o hindi. Alam ko na imposible na mabuntis ako kasi isang birhen ako. I am a virgin!

Nang matapos ako sa ultra sound ay bumalik kami sa table niya upang makapag-usap kami ng maayos.

Kitang-kita ko sa mga mata nito ang pagkabalisa.

" May problema po ba doc? May sakit ho ba ako?" Iniisip ko palang na may sakit ako, iniisip ko agad na walang akong pera pampagamot at ayoko maging pabigat sa mga magulang ko.

" No, you are actually healthy."

Pagkarinig kong iyon para akong natanggalan ng tinik sa dibdib sa sobrang saya na wala akong sakit na okay ako.

" But, you are pregnant."

Ilang sandali lang ay nawala iyong ngiti sa mga labi ko.

" A-Anong sabi mo?"

" You are pregnant, Miss Salvador,"

Umalingawngaw dito sa loob ng silid ang salitang iyon para akong nabinge.

I make the fake laugh.

" Nagbibiro ho ba kayo? Hindi nga po ako buntis! Kahit ho may boyfriend ako virgin pa po ako! Kaya mali iyong mga test results ninyo sa akin,"

Natahimik ako kasi naisip ko na dalawa na silang doktor na nagsabi sa akin ngayon araw na buntis ako.

" Imposible! Ano ako modern Mama Mary?" Sarkastik na sabi ko.

" Hindi ako pwedeng magkamali, Paige. You are two weeks pregnant."

" H-Hindi maari! P-paano nangyari?" Kinakabahan ako hindi ko naiintidihan, hindi ko alam kung saan ako kukuha ng kasagutan. Na engkanto ba ako?

Hindi ko mapigilan ang hindi umiyak.

" Paige kumalma ka, makakasama iyan sa baby. Kailangan mong  makinig sa akin ng mabuti," Bumuntong hininga ito ng malalim. " You have to listen to me carefully."

Bakit kinakabahan ako sa sasabihin niya? May alam ba siya tungkol sa nangyayari sa akin?

" It was my mistake, I implanted the fertilised egg to the wrong woman."

I frowned. I don't get it.

" Noong araw na andito ka para magpa check up, naka surprise scheduled ako para sa isang IVF procedure. My assistant didn't know about it, kaya tumanggap siya ng pasenyente noong araw na iyon. Ang IVF known as In vitro fertilization, ibig sabihin... a human egg is fertilised with sperm in a laboratory then implanted into a uterus. If the fertilised egg successfully implants in the uterus, this will result in pregnancy. That's what  happened to you,"

" Ano!?" Napatayo ako sa sobrang gulat ko na hindi makapaniwala. Mas lalo hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. " Nagkamali ka sa paglagay sa akin?"

It makes sense! Ngayon nabigyan na ng linaw ang lahat sa nangyari sa akin nitong makalipas na araw.

" Please sit down,"

" Hindi ka dapat magkamali dahil isa kang doktor!" Naghihisterikal na ako. Iniisip ko kasi ang sasabihin ng mga magulang ko sa akin kapag nalaman nila.

" I know, I'll be accountable for everything. I'm so sorry, even the best doctor in town is also a human. I'm only human, Paige."

Naramdaman ko naman na sobrang siyang sincere sa paghinge ng tawad sa akin pero hindi sapat ang sorry sa ginawa nito sa akin.

" I'm too young for this, madami pa akong pangarap sa buhay ko." Naging totoo naman ako sa feelings ko.

" I know, that's why I feel so bad about myself right now. But... There's only one way to get rid of  that baby,"

Extraordinary LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon