Chapter 10

1.3K 48 3
                                    

Nasa loob kami ng office ni Dr. Andersen. Siya kasi ang magiging private OB ko dito sa Boston. She's a good friend of Dr. Lallaina at ito din nag recommend sa amin sa kanya. Katatapos lang namin ng ilang mga tests.

Nalaman namin na medyo masilan iyong pagbubuntis ko, mahina daw iyong kapit ng bata kaya medyo nag-aalala naman ako. Pinayuhan ako na wag daw ako magpapastress at binigyan din ako ng vitamins.

After ng appointment namin kay Dr. Andersen. Naisipan namin ni Andria na umuwi na mona kami sa bahay.

Habang nagmamaneho ito panay ang hikab nito. Halata nga sa mukha niya na inaantok siya at pagod na pagod siya panigurado na nagpupuyat na naman ito kagabi.

" Will you slow down a bit," sabi ko.

" I am... look, I'm driving slowly."

" What I mean, slow down a bit from your work."

" Ahh," she finally gets.

" Mukha kang pagod na pagod baka magkasakit ka na niyan. Malaki ang time difference dito sa Amerika at hinahabol mo iyong oras sa Pilipinas eh, " Hindi ko naman maiwasan hindi mag-aalala din para sa kanya. Nang makilala at makasama ko siya wala na itong ginagawa kundi magtrabaho ng magtrabaho. Ganyan siya ka dedicated sa work niya. Naiintidihan ko din naman siya kasi iyong business niya nasa Pililinas naman.

" Madaming trabaho at maiintindihan mo din ako kapag nagtatrabaho ka na, " Iyon lang ang sinabi nito.

" Pero... hindi naman iyong rason para abusohin mo iyong katawan mo, diba?"

Tiningnan niya ako at binalik din agad iyong tingin sa daan.






Pagkadating namin sa bahay. Sinalubong agad nila kami.

" Kamusta yung lakad niyo? Ano daw sabi ng doctor?"

" Masilan daw iyong pagbubuntis ko. Kailangan ko daw ingatan iyong sarili ko pero binigyan naman ako ng vitamins ng doctor,"

" Wag kang magpapaistress, Paige."

" Opo,"

" Nga pala aalis kami mamaya dahil may family gathering kaming pupuntahan pero baka late na kami makakauwi." sabi sa amin ni Uncle.

" Kaya kung ano gusto ng asawa mo dapat kailangan sundin mo iyon," Bilin ni Ante Myrna kay Andria.

Nagkatinginan naman kami dalawa.

" Why is that?" she frowned.

" Baka makunan siya,"

" Totoo iyan, kaya ibigay mo lang kung ano gusto ni Paige dahil ang tawag nun naglilihi,"

" Naglilihi?" she curiously asked, it's like the first time she heard that word.

" Oo naglilihi, ganoon talaga pag buntis kapag may gusto siya ipagawa sayo dapat gawin mo iyon kasi kapag hindi magtatampo yung baby at baka kung ano pa ang mangyari,"

Andria suddenly looks at me with a worried face.

" Kaya ako noong panahon na nagbubuntis pa ang ante Myrna mo kung anu-ano nirerequest at ginawa ko lahat ng gusto niya, bawal sila magtampo."

Mariin naman kami nakikinig sa mga payo nila.

" Kaya alagaan mo iyang asawa mo,"

Hindi talaga ako sanay na tinatawag nila akong asawa ni Andria.

" Oh sige, aalis na kami."

" Mag-ingat po kayo," sabi ko.



Pagkaalis nila ay tumayo si Andria.

Extraordinary LoveWhere stories live. Discover now