Chapter 29

1.3K 56 1
                                    

Nasa mall kami kasama namin si baby at gaya ng ipinangako ni Andria sa amin na mamasyal kami ngayon.

Bumabawi talaga siya.

Natatawa kami dahil ang liksi ni baby Letitia parang gusto gusto din niya gumala din eh.

Nagpunta kami sa timezone. Hindi pa naman siya pwede sumakay mag-isa sa carousel kaya ako na iyong sumakay habang karga karga ko siya.

Nag smile naman ako dahil nakatutok sa amin ang polaroid camera ni Andria.

" Sweetie, tingin kay mommy."

Hindi mapakali si baby Letitia sa mga nakikita niya mga ilaw sa loob ng timezone.

Pagkatapos namin sa carousel ay pumasok naman kami sa baby dome kung meron mga slides at balls.

" We wanna try," sabi ni Andria.

" Slides? Sigurado ka?"

" Yeah,"

" O-Okay,"

Kinuha niya iyong baby carrier sa akin dahil gusto daw niya subukan nila dalawa ni Letitia ang slides. Wala akong magawa talagang desidido talaga siyang gawin iyon eh kaya naghintay na lang ako dito sa baba ng slides hawak ang polaroid camera.

Naku! Kinakabahan naman ako sa mag-ina ko dahil ang haba kasi noong slides.

" 1,2,3... Yeeeyyy,"

When they slide together.

I captured it!

Napatalon ako sa tuwa ng makita silang dalawa na naka smile. They have the same way of smile.

Tawang-tawa si Letitia iyong malutong na tawa niya kaya nakakaaliw.

Lumabas kami sa baby dome na may ngiti sa labi.

Natigilan naman ni Andria ng nakatingin ito sa claw machine.

" You wanna try it?"

" Yeah,"

I just swipe the timezone card para makalaro siya pero sa unang subok niya hindi niya nakuha ang stuff toy.

" Yey! Thank you babe."

Naagaw ang pansin namin sa kabila magjowa na naglalaro din ng claw machine. Niyakap nung girl ang boyfriend nito ng makakuha ng stuff toy.

Nakikita ko iyong mukha ni Andria na determinado sumubok ulit.

Sa pangalawang subok nito ay pigil hininga na malapit na ito sa hole.

Tahimik ako nagdadasal dahil kasi kung hindi niya magawa  baka mag desisyon ito ipasara ang timezone.

" Shoot!" Ang saya-saya niya pinalakpakan ko naman siya  dahil nagawa na din niya.

Kapwa kami nagtataka ng walang lumabas na stuff toy  sa hole.

" What!? What happened?"

Hindi ko din alam.

Sinilip niya doon sa ilalim pero walang stuff toy.

" This is cheating!" Reklamo nito.

" Andria..." Awat ko dito.

" No!"

Pinagtitinginan na kaya kami ng mga tao. Nababahala ako dahil mukhang nawawalan na siya ng pasensya.

She kicked the claw machine in frustration.

" Andria?" Medyo worried naman ako doon sa ginawa niyang iyon.

Bigla naman may nahulog na stuff toy galing sa loob ng hole.

Extraordinary LoveWhere stories live. Discover now